The Joke(r)

75 8 4
                                    

Notes: While listening to Ed Sheeran's The Joker and the Queen remix, a certain idea pops up in my mind although ang layo niya sa kanta pero... bahala ka nang magbasa. Title lang talaga ang galing do'n.

____________________

"Pau." Tawag niya sa'kin pero hindi ko pinansin. Manigas siya. "Uy, Pau!"

"Ano?" Joke lang. Hindi ko kayang hindi 'to pansinin.

"Musta ang request ko? Nagawa mo ba?" tanong niya habang tumabi sa'kin.

Tumango na lang ako bago bumalik sa paggigitara. "Yup."

"Okay. Tingnan ko mamaya." May gana pa talaga ang mokong na ito na sumandal sa balikat ko.

May permiso ba ito? Syempre, wala.

Puwede bang mag-file ng kaso laban sa mga taong bigla-bigla na lang inaayos ang buhok mo ng walang dahilan? Eh how about sa mga taong puro tawa at biro lang ang alam tapos hindi man lang iniisip ang feelings ng iba?

Wala akong pinaghuhugutan. Nagtatanong lang.

"Pau, puwedeng ako na lang ang kakanta sa hulihan? Parang ending fairy sana. If okay lang." Pakiusap pa niya.

Can anyone teach me how to say no to him? Please lang, nagmamakaawa ako.

"Titingnan ko. Pero actually, puwede naman. Magaling ka naman eh." Tumango-tango pa ako habang sinusubukang ignorahin ang mga mata niyang nakatitig lang sa akin.

Baka naman matunaw ako riyan.

"Ayos! You're the best talaga. Kaya love kita eh." At ang gago, hinalikan pa talaga ako sa buhok.

May batas din bang pwedeng ikaso sa mga taong paasa?

"Mahal mo mukha mo. Doon ka nga. Istorbo ka masyado." Please lang, umalis ka na. Masyado nang masakit.

"Joke lang naman." Paglalambing pa niya habang niyayakap ako.

"Alam ko." Lagi naman eh. Laging joke. Na-immune na ako sa mga jokes mo.

"Saan ka pupunta?" saad niya nang tumayo ako.

Aalis. Aalis ako palayo sa mga taong mapanakit. Palayo sa mga taong masyadong masayahin kasi araw-araw nalang ay may joke na hindi nakatutuwa at mas lalong hindi nakatatawa. Kabanas.

"Sa lugar na wala ka." Hindi ko naman sinasadya. I swear. Hindi ko naman intensiyon na sabihin iyon. Kasalanan ng bibig ko.

"Seryoso?" Napatayo tuloy siya at napakunot-noo.

"Syempre... joke lang." Pinilit ko na lang na ngumiti at tumawa ng hilaw. Mukha namang kumbinsido ang loko.

"Labyo!" kagat-labing saad niya bago nagmamadaling lumayo para maiwasan ang mga hampas ko.

"Pakyo!" Singhal ko.

Nakakainis talaga. Bigla ba namang tumibok ng mabilis ang puso ko kahit na alam kong biro lang naman iyon.

"Saan? Kailan?" Ngumisi pa talaga ang loko ng napakalaki.

"Isa!" Banta ko dahil namumuro na ito eh. Hindi na natuto. Mamamatay ako nito ng maaga dahil sa kaniya.

"Joke ulit." Malakas na tawa niya bago tuluyang tumakbo palayo sa'kin.

Napangiti na lamang ako ng pilit. Ano pa bang aasahan ko sa kaniya? As if naman naging seryoso iyon sa mga banat niya pero kahit gano'n, gusto ko pa rin siya.

Mali.

Mahal. Gago, bakit ba minahal ko ang mokong na iyon?

💜💛💜💛💜💛💜

"Pau, tiktok tayo." Yaya niya sa'kin. Ayan na naman siya; ang makulit at ang laging nangungulit sa buhay ko.

"Jam na lang. Ayoko niyan." Tanggi ko. Nakatatamad mag-tiktok.

"Pahiram na lang nitong hoodie mo. Malamig eh." Hindi pa nga ako naka-oo, wala na at isinuot na niya. As if naman, hihindi ako eh marupok ako sa kaniya.

"Balik mo 'yan, ha?" Kunwari ay inirapan ko pa.

"Oo naman. Alabyuuuu!" Nag-flying kiss pa talaga with matching beautiful eyes pa.

Ayon, tinaasan ko ng kilay. "Eh?"

"Joke! Ayan at galit ka na naman." Tawa-tawa pa ang gago habang naka-peace sign.

"Puwede nang tumawa?" tanong ko.

"Pwede ka namang mag I love you too kaysa sa tumawa," tugon naman niya.

Napatawa tuloy ako. "Na may halong charot? Gusto mo 'yon?"

"Ay mas gusto ko 'yong may kasamang harot. Mas masaya." Kindat niya pa.

"Humayo ka at magpakaharot. Sho! Alis ka rito." Pagtataboy ko sa kaniya.

"Grabe ka na talaga sa'kin, Pau." Kunwari ay sapo-sapo pa nito ang kaniyang dibdib.

Hindi naman ikaw ang nasaktan. Ako. Ako iyong nasasaktan dito. Ako dapat ang sapo-sapo ang dibdib ko at hindi ikaw. Parang tanga naman talaga.

"Mas grabe ka sa'kin, Stell." Irap ko saka naglaro ulit sa phone ko. Wala, just trying to ignore him at para na rin hindi halatang nasasaktan na ako. Para kunwari, cool ako. Para kunwari ay wala talaga akong pakialam sa kaniya.

"Pau. May sasabihin ako." Pinipilit niya talagang agawin ang atensiyon ko. Sus, kahit hindi niya naman gawin, sa kaniya lang naman ang atensiyon ko.

"Hmmm?"

"Mahal kita. Totoo. Huy, tingnan mo naman ako." Yugyog niya sa'kin. Muntikan ko na tuloy mabitawan ang phone ko. Gago! "Hoy! Sabi ko I love you."

Mabuti na lang at hindi ako tumingala.

Mabuti na lang at nakatutok lang ako sa phone ko.

Mabuti na lang at hindi ako sumagot.

Sasabihin ko na sana na mahal ko rin siya.

Muntikan na.

Nasa dulo na ng dila ko.

Gago, mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko.

"Joke lang po ulit." Tumawa pa siya ng napakalakas. "See you bukas, Pau. Una na ako guys."

"Sige. Ingat, Stell." I still manage to talk kahit sobrang sakit na ng lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.

Nang makaalis siya ay saka naman ako nanghina. Napatingin ako sa tatlo ko pang kasama na nasa silid. Justin, Josh and Ken smiled half-heartedly at me. Hindi ko nga magawang ibalik dahil sa sakit.

Lahat sila ay nakatingin sa'kin na para bang nakakaawa ako. Nakakaawa ba talaga? Tumawa na lang ako ng mapakla bago nagpatuloy sa paglalaro.

Okay lang. Sanay na naman akong kaharap si Joker kahit na takot 'yon sa clown. Himala nga at hindi natakot si Stell sa sarili niya eh. Sana all.

Kahit gano'n siya, mahal ko pa rin. Titiisin ko na lang ito hanggang sa mawala na ang sakit. I will manipulate myself na ayos lang. Sa ginagawa ko ngang panggagaslight ko sa sarili ko, I am also the joker myself.

THANK YOU FOR READING

___________________

End Notes: it's me, hi, I'm the problem it's me. Anyway, ang cravings ko po today is angst. Baka lang mag-expect kayo bc Paulo's feelings is just a one-sided love kasi si Stell, pure joke lang ang lahat. Ayan, tama yan at tayo ay magsakitan :'>

Medyo matagal na rin bago ako napadpad ulit dito. Ibang level ng esji fic inaatupag ko eh HAHAHAHAHA if you know, you know. Ayoko nalang mag-tell sa mga pinagsusulat ko outside wattpad. Susubukan kong gumawa ulit ng mga oneshot or flash fiction sa collection na ito. Anyway, see ya next time.

My PauStell Munchkins | StellJunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon