Chapter Twenty-Two

557 11 0
                                    

22 - Stay

Hinatid ako ni Sebastian. He saw how I cried in that pavement and offered to drive me home. Nagpaalam din siya agad dahil babalikan pa raw niya si Reizo.

Kita ko ang nakaabang na si Mischa sa loob. "Where did you go?" She asked.

I shook my head and was about to leave her there when she held my arm and stopped me.

"Tumingin ka sa akin, Kaela. Saan ka pumunta at anong nangyari?" Matigas niyang sa sabi sa akin.

I thought that I cried my heart out earlier at the bar but looking at Mischa, with her eyes full of concern and worry, I found myself breaking down in front of her.

"Kaela!" Gulat niyang sigaw sa akin. Napasalampak na lang ako sa panghihina ko.

I felt her caress my arm. Inaalo niya ako sa pag-iyak pero hindi ko maitigil dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Kaela, nag-aalala na ako. Anong nangyari? Si Kuya Sebastian ang naghatid sa'yo. Pinuntahan mo ulit si Reizo ngayon? Anong nangyari kanina sa opisina niya nang pinuntahan mo?"

Hindi ko na malaman kung paano ko ba nasabi kay Mischa na samahan ako sa kwarto ko at ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat sa kabila ng matinding pag-iyak ko.

I showed her the pictures that I got from Reizo earlier. Kita ang pagkunot ng noo niya at ang galit sa mga mata niya habang nakatingin sa mga larawan na ipinakita ko.

"Why? How did this happen?" Naguguluhang tanong niya sa akin.

I shook my head and looked at her. "I don't know. I blacked out last night." Paliwanag ko kay Mischa.

Tinignan niya ako at lumambot ang tingin niya mula sa galit na ekspresyon kanina sa mga larawan.

She held my hand gently. "I believe you, Kaela. Something's not right here. And knowing you and Ridge, you won't do this. Most especially to Reizo..."

Sumakit ang dibdib ko nang mabanggit niya si Reizo. "But he didn't believe me that I didn't know what happened, Mischa..."

Dumaan ang galit sa mga mata niya. "We'll find out whose behind this stupid pictures! Alam ko ang totoong nangyari dahil kita naman kaninang umaga na hindi kayo magkasama ni Ridge."

"Hindi ko alam kung paano ako papaniwalaan ni Reizo." Mahina kong sabi.

"Don't worry... I'll help you. We'll fix this, okay? We'll tell Ridge about this also and ask for help."

Tumango ako sa kanya. "Can I take a rest for now?"

She smiled a little and nodded her head. Mischa pulled me for a hug and caressed my back which made me whimper again. "Hush, Kaela. We'll find who did this and we'll fix it. Reizo loves you and we just need a concrete explanation for him to believe, okay? He trusts you... maybe he was just too clouded with anger now."

Sana nga tama ka, Mischa. I don't think I can handle everything that's happening if he won't believe me soon.

Maaga akong nagising kinabukasan. Agad kong hinagilap ang phone ko at nakita ko sa table malapit sa bed ko.

My heart pounded when I saw a message notification. Pero agad ding nawala nang makita na si Ridge 'yon na inakala kong si Reizo.

Ridge Alistair:

I woke up late and found out you didn't message me. Are you well rested now?

Dumaan sa isip ko ang litrato namin ni Ridge. And right now, reading Ridge's casual message, mas lalo tumitibay ang alam kong wala siyang kinalaman at wala siyang alam tungkol dito.

Drop in the Ocean (Upper East Side Three)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon