Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sir Griseo. Kasi naman e, nabalian ko ng buto iyong kapatid niya! Paano na yan?! Ang sabi niya sa akin ay patinuin lang ang kapatid niya pero hindi balian ng buto!"Mamaaa, ano ba itong nagawa ko!" Tiling sabi ko at gumulong ulit.
Kumakalam na ang sikmura ko, hindi man lang ako naghapunan. Tansya ko ay mga alas diyes na ng gabi. Buti nalang talaga at nakapagmeryenda ako, salamat kay Nay Selia.
Tumayo ako at idinikit ang aking tenga sa pintuan. Walang ingay sa labas. Binuksan ko ang aking pintuan at nakapatay na ang mga ilaw sa labas. Siguro ay natutulog na sila.
Hindi ako sa maids quarter nagsstay. Si Sir Griseo mismo ang naghatid sa akin sa kwartong ito. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pinasama ni Sir Griseo kina Nay Selia at sa iba pang katulong.
Maingat at walang ingay akong bumaba sa hagdanan. Nagugutom na talaga ako kaya kakapalan ko na ang pagmumukha ko para makakain na ako ng hapunan. Bakit ko ba kasi binalian ng buto si Mr. Top Genius?!
Mabuti nalang at walang tao sa ibaba. Tinungo ko ang kusina. May nakita akong sticky note sa ref. Hindi naman kasi naglalagay ng sticky note sa ref. Kapag may binilin lang. Tinignan ko ito. Sulat kamay ito ni Nay Selia.
'Alam kong baba ka Addie para kumain, nasa tupper ware ang ulam na niluto ko para saiyo at nasa rice cooker ang kanin. May juice din sa ref para may panulak ka. Kumain ka ng maraming bata ka, alam kong nalipasan ka na. - Nay Selia. '
May mainit na bagay ang humaplos sa aking puso. Naaalala ko si mama kay Nay Selia. Ngunit mas matanda ng ilang taon si Nay Selia. Noong tumapak ako sa mansyon ni Sir Griseo ay siya ang una kong nakausap maliban kay Sir Griseo. Talagang siya ang ikalawang nanay ko sa lugar na ito.
Kinuha ko ang tupper ware sa basket na pinaglagyan ni Nay Selia at nagsandok ng kanin. Dinala ko ito at inilagay sa mesa. Kumuha din ako ng baso at binuksan ang ref para kunin ang juice at nilagay yon sa mesa at umupo na sa stool.
Nagsimula na akong kumain. May kaunting ilaw naman sa kusina kaya pwedeng hindi na buksan ang ilaw. Masyadong madaming ilaw sa mansyon ni Sir Griseo. Magkano kaya ang bills niya sa kuryente pati na sa tubig? For sure lilibuhin. Mga mayayaman nga naman.
"Mabuti at binalak mong lumabas sa kwarto mo."Lumingon ako sa nagsalita. It was the grumpy maid.
"I'm hungry that's why." Sagot ko sa kanya at sumubo ng kanin at ulam.
"Pagkatapos mong balian ng buto si Senyorito, may gana ka pang bumaba dito? Makapal ang mukha mo, ah." Sarkastikong sabi nito at uminom ng tubig na sinalin niya sa pitsel galing sa ref.
"Oo naman, wala akong nakitang tao na manipis pa sa selophane ang mukha." Pabalang na sagot ko sa kanya at uminom ng juice.
"Walang modong bata," aniya.
"Sa walang modong matanda lang."Ngumisi ako at tinapos na ang pagkain. Inilagay ko sa sink at hinugasan ang aking pinagkainan.
"Yan ba ang itinuro ng magulang mo saiyo? Wala kang respeto, matanda ako ng ilang taon sa iyo." Nahimigan ko ang inis sa kanyang tono. Ikaw ang nagsimula nito, tahimik lang akong kumakain tapos didistorbohin mo ako? Mali iyon.
Hindi ako kumibo. Tinapos ko munang hugasan ang aking pinagkainan at tinuyo ang aking kamay gamit ang malinis na basahan bago ko ito hinarap.
"Tinuruan ako ng magulang ko na rumespeto sa karespe-respeto. And guess what? Hindi ka kabilang doon." Sabi ko at nilagpasan siya.
Wala akong pake kung magsumbong ito sa Senyorito Draco niya. Si Mr. Top Genius ang boss niya, si Sir Griseo ang boss ko. Magkaiba kami ng boss. Asungot ang boss niya, anghel ang sa akin. Magkatulad nga ang kanilang ugali. Sakanya ba nagmana si Draco? Napaismid ako.
BINABASA MO ANG
POSSESSION
RomanceNo one can take a Srigarda's possession. Not even Lucifer from the depths of hell.