Bumili siya ng sigarilyo sa tindahan na malapit sa amin. Hindi ko alam na naninigarilyo pala siya. Binilhan niya ako ng chichirya at coke mismo.
"Sino ba ang lalaking iyon?" Tanong niya at binuga ang usok.
"Tambay siya dito sa amin, galing siya sa may kayang pamilya." Sabi ko.
"Sino ang tinutukoy niyang 'niya' kanina?"
"Uhm, childhood best friend ko." Sabi ko. Tumango naman siya.
"Iyon din ba ang batang kahalikan mo sa picture?" Tumango ako.
"Bata pa kami no'n, hindi ko alam kung anong tama at mali." Sabi ko. Tumango naman siya.
"Next time, kapag ginulo ka ng g-gong iyon, tell me." Tumango ako.
Feeling ko naging awkward ang paligid. Tumayo siya at tinapakan ang sigarilyo.
"Don't tell tita that I smoke." Umirap ako.
"Maaamoy ka niya,"
"Amuyin mo ako, tell me if maamoy niya." Sabi niya.
"What? Ikaw ang umamoy sa sarili mo, may ilong ka naman." Ngumuso siya.
"Sige na, Addi." Sabi niya. Inirapan ko siya at lumapit sa kanya para amuyin siya. Hindi naman pala halata dahil sa pabango niya.
"Ano? Halata ba?" Umiling ako.
Nagulat ako ng tinabig niya ako papalapit sa kanya kaya ngayon ay nakasandal ako sa matigas niyang dibdib. Anong ginagawa niya?!
"Don't move," sabi niya.
"At bakit hindi?!" Mahinang singhal ko.
"He is coming." Aniya.
Hindi ko siya nagets. Nakarinig ako ng pagpalakpak sa likuran ko. Nanatiling nakayakap si Kibson sa akin.
"What a sweet view," Kilala ko ang boses na iyon, it's Draco.
"Hindi ko alam na naging protective ka pala sa kanya, Kibson." Malamig na sabi nito.
"Yeah," Malamig din ang boses ni Kibson.
Para akong pinapagitnaan ng dalawang yelo. Binitawan ako ni Kibson kaya naman ay nakawala ako at hinarap ko si Draco. Walang emosyon ang mukha niya.
"Anong ginagawa mo dito sa amin? You should stay on your place. Hindi mo ito lugar." Sabi ko.
"Huh? Did you hear your mother? Oh, wala ka pala no'ng makita ko siya." Ngumisi siya. "She let me stay for a day and night. Ang bait ni tita."
"Stop messing around, Draco." Sabi ni Kibson.
"Don't tell me what I'm gonna do, traitor." Malamig na sabi ni Draco.
"You choose to be on her side, then so be it. Hindi ka na parte ng frat." Sabi niya at tinalikuran kami ni Kibson. Nagtagis ang panga nito habang nakatingin sa papalayong si Draco.
"What frat? Kasali ka sa frat?" Tumingin ako kay Kibson.
"It was an elite fraternity. Brotherhood." Aniya.
"Marami kami, nasa loob ng asya pati sa europe ang iba naming kasamahan." Tumingin siya sa akin. "Do you hate me now? As far as I remember, isang frat ang bumugbog sa childhood bestfriend mo."
Napanganga ako sa kanyang sinabi. Saan niya nalaman ito? Hindi ko ito pinagsabi ni kanino!
"I have my ways, Addi." Aniya at kinuha ang aking kamay at inilagay sa laylayan ng kanyang damit. "You used to hold this when we are young. Kasi takot kang umalis ako."
BINABASA MO ANG
POSSESSION
Roman d'amourNo one can take a Srigarda's possession. Not even Lucifer from the depths of hell.