[11] TEMPER

198 13 6
                                    

"Stop staring motherf-cker!" Inis na sigaw ni Kibson.

Nasa pool kami ngayon ni Klaudine, nagpapalutang-lutang. Hindi ko alam kung ilang beses ng nagsisigaw sila Kibson. Pinapalipat ang mga estudyante sa exclusive pool.

Mas pinili namin ni Klaudine sa labas. Tirik na ang araw ngayon. Nakaeye glasses kaming dalawa habang nakatingin sa langit.

Napaka-kj nila Kibson. Gusto lang naman naming magsaya, ngunit ang mga ito ay kanina pa nagsisigaw, pinapalipat ang mga estudyante sa exclusive pool ni Draco.

Pinalubog ko ang aking nga paa at tinignan ang aking paligid. Nasa pool side na si Klaudine, umiinom ng juice. Ang dalawang magkakapatid naman ay nakababad sa pool at si Kibson ay naka-cross ang kanyang braso sa kanyang dibdib habang madilim na nakatingin sa glass wall kung saan may iilang estudyante na nakatingin sa amin.

These guys. Si Draco at Rook ay nasa recliner, nakahiga. Mga senyorito ang peg ng dalawa. Umirap ako.

"Whoah, akala ko nandito ang party." Napatingin ako sa lalaking pumasok. It's Ricci. May kasama siyang babae at iba naming kaklase. Pumasok din sila Pier at Jaeron.

"Kailan pa naging exclusive pool ito?" Tanong ni Pier at napatingin sa amin ni Klaudine.

"D-mn, hi miss!" Sumipol si Pier.

"Shut the f-ck up, Pier!" Inis na sabi ni Kibson.

"Anong nangyari sa kanya? May dalaw ka ba?"

"Bigyan mo ng milktea, burger at fries." Sabi ko. Tumawa naman si Pier. Busangot parin ang mukha ni Kibson.

Nagdive ako at iniwan ang floaties ko. Lumangoy ako patungo sa mababaw na parte ng pool. Nang makaahon na ako ay kumunot ang noo kong nasa pool side na si Kibson, may dala ng tuwalya.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa'yo, Addison." Malamig na sabi niya.

Napahawak ako sa aking ulo. Sh-t, bakit biglang kumirot?

A scene pop uped on my mind.

"Hoy, taya ka! Habulin mo kami!" Tawang sabi ng batang lalaki.

"Kanina ka pa taya, ano ba naman!" Pang-aasar ng isang batang lalaki.

"Hindi ko naman kasi kayo mahabol! Masyado kayong mabibilis!"hingal na sabi ng batang babae.

"Argh, ayoko na nga! Pagod na ako!"

"Madaya, madaya!" Sabi ng isa. "Hahampasin iyong paa ng tsinelas kapag umalis!"

"Ako na, pagod na daw si Addi." Sabi ng isang batang lalaki at ngumiti.

"Sure ka?" Tanong ng batang babae.

"Oo, sure na sure." Nilingon niya ang batang lalaki. "Ako na ang taya, Kib."

"Ano ba yan, hindi fair."

"Pagod na ako e, ayaw mo namang patigilin ako!" Iyak na sabi nito kaya lumapit ang dalawang batang lalaki.

"O-Oi, sorry na. Huwag kanang umiyak." Sabi nito sa batang babae.

"Kendi muna?" Ngumisi ito.

"Hay, ewan ko saiyo. Hindi ko na alam ang gagawin saiyo, Addi."

"May frutos ako, sampalok flavor." He handed 5 frutos on her. "Eto, oh."

"Maraming salamat, Xavier!"

"F-ck, hey! Muntikan ka ng malunod!" Inis na sabi ni Kibson. Napatingin ako sa kanya. Nasa pool na ito ngayon. Inilibot ko ang aking paningin.

POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon