Nasa dagat na ako ngayon, naliligo. Kanina pa kami tapos magluto. Mabuti nalang at maalam naman pala sa pagluto ang kumag na iyon. Hindi naman pala siya palamunin sa kanila.
Pagkatapos naming magluto ay dumating ang dalawa kong kapatid galing sa kanilang mga kaklase dahil may group work na naganap. Ang isa ay senior highschool na at ang isa ay junior highschool.
Kumain kami ng sabay at nagkantahan sila Kibson at papa. Magandang ang boses nito kaya dinagsa ng kababaihan at binabae ang labas ng bahay namin dahil first time daw nilang marinig ang ganong boses sa bahay namin. Seryoso? Maganda din naman ang boses ni papa ko ah!
Kaya heto kami ngayon. Nasa dagat na. Nag-iihaw ng karne si papa habang si mama naman ay tinutulungan si papa. Hindi ko alam kung nasaan sila Kibson at Andrey. Si Arica naman ay nasa duyan at naglalaro ng online games.
Nagdive ako patungo sa malalim na parte ng dagat. Nasanay na akong magdive ng matagal dahil dito kami nakatira simula noong bata pa ako. Umahon ako at pinalutang ang sarili sa tubig. Kaharap ko ngayon ang kalangitang kulay kahel.
"Here we are!" Rinig kong may sumigaw. Tinignan ko ito at si Kibson pala ito na naka swimming trunks.
"Ang ingay mo! Baka hilahin ka ng mga shokoy kuya Kibson!" Sigaw ni Andrey habang tumatawa.
"Hindi na siya hihilahin dahil siya ang shokoy." Pabalang na sabi ko. Tumawa ng malakas si Andrey habang nakasimangot si Kibson.
"Napakaharsh mo namang kinakapatid, Addison." Ngusong sabi nito at lumangoy.
"Hindi naman kasi ako nainform na may kinakapatid akong shokoy." Ungot ko at nagdive ulit patungo sa mababaw na parte ng dagat.
Nakadilat ang aking mga mata at nakita ko ang bulto ni Kibson na patungo sa aking direksyon kaya binilisan ko ang paglangoy. Mabilis din itong lumangoy. D-mn! Maghahabulan ba kami dito?!
Umahon ako at ganon din si Kibson. Isang metro ang pagitan naming dalawa kaya naman ay binasa ko ang kanyang mukha kaya napapikit siya at dali-daling umahon at tinungo ang direksyon nila Mama.
"Oh, kumain ka nito anak." Binigyan ako ni mama ng barbeque na galing sa pinggan at kinuha ko ito at kumain.
"Ang sakit ng mata ko, hindi ako nasanay." Biglang sumulpot si Kibson na nakapikit.
"Sino ba kasing nagutos sa iyo na idilat mo ang mga mata mo habang lumalangoy?" Dinilat niya ang kanyang mga mata at bumungad sa amin ang kulay asul na mata.
"Malay ko ba maghahabulan tayo sa ilalim ng dagat." Aniya na ikinairap ko.
"Hindi ka mananalo sa akin, laking tabing dagat ako." Tinalikuran ko siya at kumuha pa ng isang stick ng barbecue at pumwesto sa tabi ni Arica.
"Lalabo mata mo niyan kaka-online games." Sabi ko at umupo sa may bato.
"Hindi yan ate, ngayon lang naman." Sabi nito at tumingin sa hawak ko. "Pahingi."
"Humingi ka kay Mama, hindi ka naman siguro imbalido. Sige, unahin mo yang cellphone mo. Baka maubusan ka ng dalawang asungot doon." Sabi ko at tinuro sila Kibson at Andrey.
Tumayo naman si Arica at naglakad patungo sa kanila. "Hoy tirhan niyo ako! Mama!"
Natawa ako. Kinain ko nalang ang hawak kong barbecue. Tumabi sa akin ang basang si Kibson habang may apat na stick ng barbecue sa kamay.
"Ang sarap naman magihaw nila Tita." Sabi nito at ngumuya.
"Ikain mo nalang yan at huwag ng magdaldal."sabi ko at kumain.
"Ang talim ng dila mo," Sabi nito. "I wonder if mapapatumba niyan si Draco."
Napatingin naman ako sa kanya ng may kunot ang noo. "What are you talking about?"
BINABASA MO ANG
POSSESSION
RomanceNo one can take a Srigarda's possession. Not even Lucifer from the depths of hell.