[9] TRIP

172 16 4
                                    


"I bet both of you already heard about the school trip." Bungad ni Sir Griseo sa amin ni Draco.

Sabay kaming umuwi. Hindi ko alam kung bakit sumabay sa akin ito. Siguro ay dahil binabantayan niya ako na baka ay ipagsabi ko ang pinagmeetingan nila kanina.

Hindi naman ako madaldal, napairap ako.

"Anong pakulo na naman ito?" Malamig na tanong ni Draco.

"What? May napagkasunduan lang kami ng owner ng Del Franco University. So, scheduled ang trip ng college at higschool levels." Sabi ni Sir.

"Sir, baka mabehind kami sa klase nito?" Tumawa si Sir sa sinabi ko.

"I know my kids in Adamant High are wise enough. Bilib ako sa kakayahan nila. Hindi sila makakapasok sa Adamant kung wala silang galing na tinatago sa kanilang sarili." Sagot ni Sir Griseo.

Pumasok na kami sa loob. Nakasuot ng sweatshirt si Sir Griseo at naka sweatpants siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang ayos ni Sir ngayon gayong palagi siyang naka suit. Siguro ay day off niya? May day off ba ang mga CEO?

"All you need to do, is enjoy and survive." Sabi ni Sir. Nangunot ang noo ko. Survive?

"What are you planning to do?" Ngayon, si Draco naman ang nagsalita.

"Hm? Of course, I want my kids to be wiser than they thought." Tumaas ang sulok ng labi nito. "A great father, knows what's the best for their children."

"Don't act like an oldman, Griseo." Malamig na sabi ni Draco.

"Don't you have manners, Draco?" Nakakatakot ang tingin ni Sir. "Where's the 'Kuya' before my name?"

"Shut up and just answer my question."

"It's for all of you. And their parents already agreed. Knowing this is for their childrens." Umakyat na si Sir sa hagdanan.

"By the way," huminto siya. "The maids already took care of your stuffs. Eat you dinner and sleep. Bukas ng madaling araw ko kayo ipapahatid sa school dahil iyon ang meeting time ninyo."

Nakaakyat na ito sa itaas. Nilagay ni Draco ang kanyang bag sa sofa at umupo. Nakasandal ang kanyang likod at nakapikit ang kanyang mga mata.

Lumabas sa Kusina si Nay Selia na nakasuot ng apron at may dala na sandok. May hairnet din siyang suot.

"Oh, nakarating na pala kayo." Lumapit ako sa kanya at nagmano. "Kaawaan ka ng diyos, Addi."

"Anong niluluto mo, Nay? Baka makatulong ako." Sabi ko.

"Nako, huwag na. Tinutulungan na ako ng iba nating kasamahan. Kainin mo nalang ang hinanda kong meryenda." Sabi ni Nay Selia.

"Sige, Nay. Magbibihis muna ako." Sagot ko. Tumango naman ito kaya tinungo ko ang aking kwarto.

Nagbihis ako ng oversized shirt at cotton shorts. Nakalugay ang aking mahabang buhok. Napatingin ako sa vanity mirror. Hindi naman ako manang manamit ah.

Bumaba na ako. Naka fury slippers ako. Nakita ko parin si Draco na nasa sofa. Pumasok ako sa kusina at nakita ang meryendang handa ni Nay Selia. Home made cake at home made Ice cream!

"Ang sarap naman niyan, Nay!" Masayang sabi ko.

"Siyempre naman, tinulungan ako nila Noemi at Estrella sa paggawa niyan." Ngiting sabi ni Nay Selia.

"Tawagin mo si Senyorito Draco, ipaghahanda ko kayo." Tumango ako at tinungo ang direksyon ni Draco.

Nang makalapit ako sa kanya at kinalabit ko siya. Umingos siya.

POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon