Hapon na nang matapos kami sa pagha-hunt. It took us 6 hours to steal 26 objects. May dumating din na isang staff at kinuha nito ang mga objects na aming nacollect at inilagay sa kahon ng aming team.Napaupo ako sa lupa. Nakakapagod! As in, sobrang pagod. Kanina pa kami lakad-takbo. Gumagamit lang kami ng pwersa para hindi namin mapatay ang mga naturang hayop. After all, ginamit lang naman sila sa challenge na ito.
Tumutulo ang pawis sa aking noo. Ang iba naman ay nakasandal sa puno. Kailangan na naming makauwi. Naghihintay na sila Klaudine sa amin.
Kahit na masakit ang katawan ko ay tumayo ako at naglakad. Argh, matagal-tagal rin akong nakasubok ulit ng ganito. Pagod na pagod ang bawat parte ng katawan ko.
Sana naman nakaluto na sila Klaudine. Nagugutom na ako e. Mabagal akong naglakad. Tumatahimik na ang kagubatan at tanging kuliglig lang ang maririnig.
Napatingin ako sa bulto na tumabi sa akin sa paglalakad. Si Faughn lang pala.
"You look very drained." Aniya.
"Sinong hindi mapapagod? We last for 6 hours you know." Sabi ko.
"Yeah, for me that wasn't enough but we aren't beast at all."
Tumango ako. Kulang nga ang nasabing objects. Equivalent ng 1 object ay 1 points. Suma total, may 26 points kami. Hindi ko alam kung kami ba ang lamang dahil madaming estudyante ang narito sa isla.
Nakarating kami sa cabin ng ligtas. May iilang sugat akong natamo mula sa hunting kanina. Pero hindi naman siya malala. Sinalubong kami ni Klaudine, Yael at Karis. May dala silang first aid kit.
Pinili ko munang maligo sa loob ng banyo. Mabuti nalang at nakahanda iyong tuwalya ko doon. Mabilis akong naligo. Wala akong sinayang na minuto dahil baka ay pumasok na ang mga kalalakihan naming kasama.
Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto namin ni Thaddeus. Mabuti nalang at wala pa siya kaya naman ay ni-lock ko muna ang pintuan at nagbihis. Isang black shirt at pajama ang aking isinuot. Pagkatapos tinuyo ko ang aking buhok at pinulupot ang tuwalya sa aking ulo tsaka bumaba sa sala.
Nadatnan ko silang nakasalampak sa sofa. Napangiti ako. Talagang nagsumikap sila para sa aming grupo. Naupo ako sa malinis na sahig at sumandal sa sofa kung saan nakaupo si Faughn.
"Nakakapagod!" Nagstretch-stretch si Kibson.
"D-mn, I won't do that kind of challenge ever again!" Sabi ni Cadius habang minamasahe ang kanyang leeg.
"Me either." Sang-ayon naman ni Faughn.
"May apat na araw pa tayong lahat. Nakakaasar." Ngumuso si Cadius. "Mas gugustuhin ko pang i-recite ang lahat ng republic acts at manood ng mga documentations."
"Mas gugustuhin ko pa yatang magsolve ng calculus." Sabi ko at pinikit ang mga mata. Inaantok na ako.
"Hep, hep! Alam naming pagod kayo, kaya naman ay kumain muna kayo at matulog na. Kami na ang bahala." Sabi ni Klaudine.
"Ate Addi, huwag ka munang matulog!" Sabi ni Yael at hinila ako patungo sa dinning room kaya naman ay nagpahila nalang ako.
"Sakit ng katawan ko." Pagrereklamo ko.
"Mamaya, imamasahe kita. Tinuruan ako ni Klaudine." Sabi nito at ngumiti.
"Ako ba, hindi mo mamasahiin?" Sabat ni Cadius.
"I don't even know you exist." Inosenteng tumingin si Yael kay Cadius.
"Tang-" Hinilot niya ang kanyang sintido. "Srigarda nga naman!"
BINABASA MO ANG
POSSESSION
RomanceNo one can take a Srigarda's possession. Not even Lucifer from the depths of hell.