[5] STRANGER

189 14 2
                                    

It's Saturday at wala kaming pasok. Matutuwa sana ako dahil weekends na, ngunit ang ikinasama ng araw ko ay dahil magkasama parin kami ni Draco sa iisang bubong.

What happened yesterday makes my head hot. Saan niya nakuha ang picture na iyon? Matagal ko na iyong binaon sa limot. Dahil dapat naman talaga itong kalimutan.

Where did he found it? I already deleted those pictures. Dahil ba marami siyang connection? I wanna strangle his neck. Ayokong makita kami ni Sir Griseo na nagbabardagulan.

Kinuha ko ang aking back pack na may lamang iilang damit, pera, cellphone, at iba pang importante. Lalo na iyong snacks. Pupunta ako ngayon sa bahay namin dahil napagkasunduan namin nila mama na tuwing weekends ay bibisita ako sa kanila.

Malaki ang Los Reales. Kaya aabutin ng 30 minutes ang biyahe patungo sa amin. Magba-bus nalang ako dahil may pera naman ako na bigay sa akin ni Sir Griseo bilang allowance ko.

Tapos na akong maligo kaya nagbihis nalang ako. Black spaghetti straps at denim jeans at puting sapatos. Inilugay ko ang aking buhok at sinuot ang sun glasses at kumuha ng black na facemask. Pa-misteryosa ang peg.

Isinukbit ko ang aking bag sa aking balikat at bumaba. Masakit pa ang aking hita pero kinaya ko namang maglakad. Natagpuan ko ang babaeng mataray sa sala kaya nilagpasan ko ito. We aren't close enough para kausapin siya. Isa pa, magaspang ang ugali.

Natagpuan ko si Nay Selia sa kusina. Alam niyang aalis ako ngayon para pumunta sa amin. Napatingin ito sa aking direksyon at ngumiti. "Anak, eto oh. Dalhin mo, baka ay magutom ka habang nasa biyahe." Sabi ni Nay Selia.

"Nay, 30 minutes lang naman ang biyahe." Tawang sabi ko.

"E, kahit na. Dalhin mo ito. Mag-ingat ka patungo sa inyo." Sabi nito at ibinigay sa akin ang paper bag na may lamang pagkain at inumin.

Ngumiti ako kay Nay Selia at niyakap siya. "Salamat, Nay. Balik ako dito bukas ng gabi." Sabi ko.

Nagpaalam na ako kay Nay Selia. Ganoon din sa iba naming kasama sa bahay.

"Nako, inday! Magingat ka doon sa inyo!" Sabi ni Estrella.

"Oo naman."

"Pagmay fafa kang kakilala na available, ipakilala mo sa akin ha!" Sabi ni Noemi. Natawa na naman akong tumango sa kanya.

"Oh siya, ingat ka."

Lumabas na ako sa mansyon. Miss ko na ang kaingayan ng pamilya ko. Napangiti ako at sinimulan ng maglakad. Nasa ikalawang kanto pa ang sakayan ng taxi.

Napatingin ako sa cellphone na hawak ko ng marinig na tumunog ito. It was Ricci, sent a message to me.

From Ricci baklush :

Hoy, ingat ka patungo sa inyo! Sa lunes na ang ako magpaparamdam. Busy ang fafiluvs mo. Babush.

Umirap ako. Busy din siguro ito. Hindi ko alam kung anong nangyayari noong nakaraan . Hinihintay ko lang na magopen up siya sa akin pero siguro ay gusto niyang sarilinin ang problema niya.

Nang makakita ako ng paparating na taxi ay pinara ko ito at huminto naman ito sa aking harapan. Sumakay na ako.

"Saan ka, ma'am?"

"Sa bus station manong."

Minaneho naman nito ang kanyang taxi patungo sa bus station. Nasa labas ang tingin ko. Mabuti nalang at mawawala sa paningin ko ng dalawang araw si Draco. Pinagpapasalamat ko ang kasunduang ito. Hindi ko alam na magagamit ko rin pala ito.

And hindi ko nakita ang pagmumukha ni Draco kanina. Mabuti nga iyon. Bago ako umalis ay hindi nasira ang mood ko dahil sa asungot na iyon.

Nakarating na kami sa bus station at nagbayad ako ng two hundred since one hundred ten lang ang babayaran ko.

POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon