[WARNING : SLIGHT SPG]
"Addison, last day na ng survival camp, may magaganap na bonfire mamaya." Sabi ni Klaudine habang inaayos ang mga hinugasang pinggan.
I nod at her. Two days ago ay nakarecover na ako sa sakit at three days ago... nakilala ko ang kapatid ko. Pinaalala niya sa akin ang lahat. Ang lahat ng alaalang nawala sa akin.
Sinabi niyang hindi ang dati kong kaibigan ang dahilan kung bakit ako nawalan ng alaala dahil sa pagkakabangga. Ginamit lang ito ni Tartarus dahil kasosyo nito ang mga magulang ni Kashmir sa negosyo.
Pinaalala niya din ang mga masasayang alaala na nawala sa akin. Malungkot akong ngumiti. Kung hindi lang sana nalaman ng matanda kung nasaan ang pamilya namin, edi sana malaya na kaming kasama ang aming mga magulang.
I cried so hard in my brother's arms. Hindi ko alam na may kapatid pa pala akong nakamasid sa akin. He knew Draco dahil nagkakilala sila sa Spain ng mapadayo ang Kuya ko doon. He is a known businessman in France and now, planning to put up his business here in Philippines.
Iba rin pala ang pakiramdam na may kuya ka. Nasa kwarto namin ni Draco natutulog si Kuya Adamson. Kuya Adamson slept beside me while Draco slept in the couch.
Napangiti ako. I should thank him for protecting me from our abuelo after all. Ginawa niya pala ang inutos ni Kuya na bantayan ako.
All this time. Akala ko gano'n ka sama ang pag-uugali niya. I am wrong. Unti-unti ko ng nakikita ang totoong Draco. The soft Draco Briseo Srigarda he used to hide from the crowd.
"Addison, Addison!" Napatingin ako kay Yael na tumawag sa akin.
"Bakit?"
"Si Adamson at Thaddeus, uno-uno!" Uno-uno. Agad akong tumalikod at tumakbo. Huwag mong sabihing nag-aaway sila?!
"Ano na naman ang pumasok sa kokote nila?!" I yelled.
"Nakita ko sila sa may northeast, kasama nila si Cadius, Draco, Kibson, Dmithri, Faughn at Rook!"
Ano sa tingin nila ang ginagawa nila?! Mas binilisan ko ang pagtakbo ko. Ano na namang pakulo ito?! Ang akala ko ay sila Draco at Thaddeus lang ang may alitan, pati ba naman si kuya?!
Hindi ko alam kung anong meron kay Thaddeus at Kuya Adam. No'ng sumulpot si Kuya dito ay nag-iba ang timpla ni Thaddeus. Pati na ang pakikitungo niya sa akin.
Wala naman akong pake kung mag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Pero bakit pati sila ni Kuya Adam ay may alitan?
Hindi kaya ay magkakilala din sila Kuya at Thaddeus?
Taga Spain rin si Thaddeus. Yan ang tiyak na alam ko. Ang mga Romanov ay galing sa Espanya.
Luminga-linga ako. Nang makita ko ang iilang bulto ng mga tao sa may malaking puno ng narra ay agad ko silang pinuntahan.
Napanganga ako. One on one match. Tumutulo ang pawis sa kanilang mga katawan. Magulo ang itim na buhok ng Kuya Adam habang si Thaddeus ay tumatalon-talon.
"You can't defeat me, Adamson. Laking Romanov ako." Malamig na sabi niya at ngumisi.
"Baka hindi mo alam, ako ang unang apo ng mga Romanov." Napanganga ako sa sinabi ni Kuya.
Unang apo?
Anong pinagsasabi ni Kuya?
"Anak ka ng bastardo ni abuelo." He combed his hair using his fingers. "At hindi ka nila kikilalanin bilang Romanov."
"Oh, didn't Tartarus tell you? Sabagay, hindi lahat ay alam mo." Ngumisi si Kuya. "Ang magmamana ng Romanov Empire ay ang unang supling ni Tartarus El Francisco Romanov. Naging ulilyanin na ba si Abuelo?"
BINABASA MO ANG
POSSESSION
RomanceNo one can take a Srigarda's possession. Not even Lucifer from the depths of hell.