[4] CLASH

178 16 0
                                    


Nandidilim ang paningin ko sa galit. I want to control my anger just this once dahil nawawala na naman ako sa control. This b-tch in front of me is getting into my nerves.

Kahit masakit ang hita ko sa pagkakasalampak at magkakatama ng bola ay tumayo ako at madilim ang mukhang hinarap ang babae. Her smirk on her lips aren't still vanish.

I stretched my neck kaya naglikha ito ng ingay. Hinay-hinay akong lumapit kahit masakit ang hita ko. My eyes are wide open.

"What did you say, hm?" Walang buhay kong tanong.

"Ugh, do I need to repeat myself? What are you? A deaf?" Tumatawang sabi niya. Hindi ako natawa sa sinabi niya. Wala namang nakakatawa sa pinagpuputak ng bibig niya.

"Nasira yata ang ear drums ko ng marinig ang boses mo, say it again. I wanna hear." Sabi ko habang nakatitig sa kanya.

"Gosh, she is so creepy." Anas ng babaeng nakasuot ng soccer team uniform.

"I said you better know your place." Sabi nito.

"Did you know your place too?" Tanong ko sa kanya. Her forehead creased.

"What are you talking about? Are you a nerd? Why are you acting like a sh-t?" Hindi ako kumibo.

"You better run now." Sabi ko at tumalikod. Hinawakan ni Ricci ang aking braso.

"Let me take you to the clinic, that brat!" Sabi ni Ricci.

"I said what are you talking about?!" Inis na sabi nito.

Nilingon ko siya ng hindi pinipihit ang aking katawan. "Run."

"You creepy-" biglang tumalbog ang bola ng mga naglalarong kalalakihan ng soccerfield patungo sa direksyon niya at muntikan ng matamaan ang kanyang mukha. She shouted in frustration.

Buti nga e muntikan lang. I tsked. Walang pasabing binuhat ako ni Ricci kaya napatingin ako sa kanya.

"Feeling mo naman especial ka e no? Huwag assuming, kanina ka pa paika-ika." Umirap ito kaya umirap din ako.

"Nanakot lang ako pero tignan mo, para na siyang mawawala sa sarili." Sabi ko. Humagikhik naman si Ricci sa sinabi ko.

"Pwede ka na maging kapalit ni Rudy Baldwin, girl." Natawa naman ako sa kanyang sinabi at dinala ako sa clinic na malapit sa engineering department.

Nagulat ang nurse na nakabantay sa clinic ng makita akong buhat ni Ricci. Kumunot ang noo ko. Bakit naman ito magugulat? Napatingin ako kay Ricci na walang emosyon ang mukha.

"Anong nangyari kay Ms. Vercejas?"

"May nam-"

"Aksidenteng nadulas ako." Pinandilatan ko si Ricci na ikinakunot ng noo niya.

No, no, no! Si Sir Griseo ang nagmamay-ari ng school na ito, kapag nalaman niya ito ay baka masuspended or mawala sa school si Millicent. Gustuhin ko man, pero malaki din ang contribute ng ama nito sa school. Ang anak lang talaga nito ang may problema sa ugali. Masyadong brat.

"Sige, ihiga mo siya doon." Agad naman na sumunod si Ricci at inilapag ako sa bed ng clinic.

Kumuha ng first aid kit at cold compress ang nurse at dumalo sa akin. Nakacross ang braso ni Ricci habang nakatingin sa akin. Akala mo naman straight, baliko pala. Sikretong umirap ako.

Pagkatapos akong daluhan ni Nurse Daisy, ang pangalan niya, ay sinabi kong babalik na ako sa building namin dahil may klase na. Hindi pumayag si Ricci dahil baka ay lumala ito, ngunit hindi naman ako imbalido. Naglakad ako kahit masakit ang hita ko kaya inalalayan nalang ako ni Ricci at inirapan ako.

POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon