Euanice's POV
"Kasalanan ko 'to. It's all my fault" - umiiyak na sabi ko habang nakaabang sa labas ng ER.
"It's not your fault, Euan. It was an accident." - sabi ni Kuya Jurelle.
"It's my fault. Kung umuwi lang sana ako, hindi kayo mag-aalala. Kung umuwi lang sana ako, hindi ako hahanapin ni Ralph. Hindi siya maaksidente. Hindi sana malala ang nangyari sa kanya. Kung hindi ako tumawag sa kanya, hindi sana nangyari ito sa kanya." - I can't stop myself from crying. Masakit lang. Mas masakit pa 'to dun sa nakita kong halikan nila ni Angel.
After that incident, yung time na marinig kong may banggaan, akala ko okay na kasi after ilang minutes ng pagka-out of coverage area ng phone ni Ralph, tumawag siya.
Flashback.....
Biglang nangatog ang tuhod ko sa narinig ko. Banggaan. Ayokong mag-isip ng negative thoughts pero kusang pumapasok sa isip ko yung pangyayaring ayokong isipin.
I've waited for how many minutes then nagulat ako ng magring ang phone ko.
It's him.
Nabuhayan ako ng loob. Akala ko talaga may nangyari ng masama sa baby ko. Akala ko..... Ugh! Basta. Yun na yun. Ayoko ng mag-isip ng masama.
Nakangiti kong sinagot ang tawag ni Ralph.
"Hello baby! Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo. May narinig kasi akong banggaan sa line mo kanina eh" - masiglang bati ko. Ilang segundo na ang nakakalipas wala akong narinig na boses ni Ralph sa kabilang linya. Puro busina ng sasakyan at tunog ng ambulansya. "Hello? Baby? You there?" - kinabahan na ako sa thought na pumasok sa isip ko.
May narinig akong tumikhim sa kabilang line bago magsalita. (Goodafternoon Ma'am. Kilala niyo po ba ang may-ari ng phone?) - alanganing tanong ng lalaki sa phone ni Ralph. I nodded as if he sees me. (Nakita ko po kasi na ikaw ang huling nakausap niya based sa Call History niya. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na itinakbo sa Hospital si Mr. Manalo. Isa po siya sa mga naaksidente sa bangaan dito sa absdefjklzdxc)
Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi. Parang nabingi ako sa narinig ko. Yung thought na ayokong isipin kanina. Yun yung nangyari sa kanya. Kay Ralph.
Hindi ko na napigilan ang pagluha ko. Kasalanan ko lahat ng 'to.
Tinawagan ko ang number ni ate para na rin mainform ko sila.
End of Flashback....
Akala ko talaga siya ung tumawag sa'kin.
"Huwag mo ng sisihin ang sarili mo ha? Magiging okay din ang lahat." - saka ako niyakap ni Janelle.
"Euan!" - napalingon ako sa tawag ni Genree. "Anong nangyari?" - nag-aalalang tanong niya.
Niyakap niya ako. Hindi ko siya nasagot. Tanging hikbi lang ang naisagot ko sa kanya.
"Sorry." - bulong ko. "Kasalanan ko 'to." - hinaplos niya ang likod ko.
"Wala kang kasalanan, okay? Walang may gusto sa nangyari." - tumingin sa akin si Genree tyaka pinunasan niya ang luha sa mga mata ko. "Cheer up. Malakas tayo kay Lord. Hindi Niya papabayaan si Ralph." - nakangiting sabi niya. Kahit papano, napagaan ni Genree ang pakiramdam ko.
"Ayaw ni Ralph ang makita kang umiiyak tiyak na kami ang malalagot doon kapag nalaman niyang hinayaan ka naming umiiyak jan." - dagdag pa ni Darelle.
"Oo nga naman. Baka mag-ala The Hulk yun" - natatawang sabi pa ni Lawrence.
"Kaya ikaw friend, magpakatatag ka ha? Lalaban si Ralph." - sabi pa ni Ira.
BINABASA MO ANG
Unconditionally and Irrevocably in love with you - KathNiel (OnGoing)
FanfictionKung talagang mahal mo ang isang tao, tanggap mo kung ano at sino siya. ~ Read "Unconditionally and Irrevocably in love with him" to know the true meaning of love. :)