Chapter 21

104 5 3
                                    

Darelle's P.O.V

"TIME is the most unfair element on earth.It takes LONGER when you wait.But it takes SHORTER when you already enjoying the moment."

Sabi nga nila, kapag masaya ka mabilis ang oras pero kapag malungkot ka, pambihira daig mo pa ang lumangoy sa lupa sa sobrang bagal.

Hindi ko na naitago ang lahat kay Euanice. Ang sakit ko at ang.... fiance ko. Napasakto nang bumisita sila sa'min, sinumpong ang paninikip ng dibdib ko kasabay pa nito ang pagkahilo ko at tuluyan na ngang nandilim ang paningin ko.

Pagkagising ko, akala ko nasa langit na ako. Syempre puro puti lahat ung nakita ko kaso biglang kumirot ang kanang kamay ko. Napatingin ako dito at nakita ko ang kamay ko na naka-dextrose.

Lahat kami nagulat sa mga pangyayari. Para kaming nagki-christmas party at may exchange gift. Ako, napunta kay Yumi. Si Euanice, napunta kay Ralph. Parang nagkapalit lang kami ng mga kapareha.

Nang monthsary nila Ralph at Euanice, pagkatapos nilang kumain sa labas, dumeretso sila dito para dalawin ako. Hindi ko alam kung anong magandang nagawa ko para bigyan ako ng isang napakabait na kaibigan na kagaya ni Euanice. Hirap at sakit ang naidulot ko sa kanya pero pagmamahal pa rin ang isinukli niya.

Isa pang ikinalulungkot ko ay ang magpasko at magbagong taon sa hospital na ito. Syempre mahirap. Kasi kahit gaano mo kagustong magsaya hindi mo magawa kasi iba ung nararamdaman mo. Buti nalang ngayon at nakalabas na ako.

Hindi ko na maintindihan ang lahat. Ang sabi ni Dra. Earnhart, okay na daw ako last time na nagpacheck up ako. Pero bakit ngayon ganito ung nangyari? Bakit pakiramdam ko bumabalik ung karamdaman ko?

"Are you okay now, baby?" - tinanguan ko si Genree.

Atleast, ngayon nasusuklian na niya ung pagmamahal na pinapakita at pinaparamdam ko sa kanya. "Thank you sa pag-aalaga. Pwede ka nang maging nurse" - saad ko.

Napangiti naman siya, "I love you" - napatigil ako.. Sa almost 3 months na magkasama kami, ngayon lang niya ako sinabihan ng i love you at take note, mararamdaman mo talaga na galing sa puso niya.

"Kung napipilitan ka lang, huwag mo nalang sabihin"

"No.. Narealized ko na... kahit sandali pa lang tayong magkasama.. Natatakot na akong mawala ka. So please, for me. Lumaban ka baby okay?" - tinanguan ko siya. She intertwined her fingers on mine then she lean her head on my shoulder.

Sana ganito lagi..

**

"Sorry Darelle, pero mahal ko pa din pala si Ralph" - Ha? A-anong ibig niyang sabihin? Akala ko ba....

"Di ba sinabi mo sa'kin na mahal mo ako? Ano 'to? A-anong ibig sabihin nito?" - sumisikip na naman ang dibdib ko. Nahihirapan na naman akong huminga.

"Akala ko din mahal na kita.. pero awa lang pala. I am so sorry Darelle pero siya pa din talaga"

"Si Euanice.... Paano si Euanice? Di ba nagmamahalan sila? Please Yumi, wag mo na silang guluhin. Kahit anong gawin mo, parents na natin ang nagkasundo para sa'tin.. Tanggapin mo nalang" - pagmamakaawa ko sa kanya.

Nasasaktan na naman ako.. "Sorry.. I can't. I love him and he still loves me. Hiwalay na sila.. Ralph and I both realized that we still love each other. May chance na ulit kayo ni Euan, Darelle. Bye" - tiaka na siya tuluyang umalis.

"Yumi, no. Please, Don't leave.. Yumiii!" - tumakbo ako palapit sa kanya pero bakit ganito? Parang hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko? Taena! Kailangan ko siya! Kailangan kong habulin ang taong mahal ko. "Yumiiiii!"

"Hey, baby! Darelle! Darelle wake up!" - napaupo ako ng bigla akong hampasin ni Yumi..

Kaagad ko siyang niyakap. "I love you" - tiaka ko siya hinalikan sa buhok.

"I love you, too" - sagot niya. "Anong nangyari? Okay ka na ba?" - tumango ako. "Teka, kuha kita ng tubig." - pinigilan ko siya.

"Stay here. Don't leave.... me" - tinabihan niya ako.

Hindi ko alam kung bakit napanaginipan ko yun pero sana hindi mangyari yun.. Maganda na ang buhay namin at sana walang sumira na kahit sino man.

**

Short Update.. Blocked kasi ako eh.. Babawi nalang ako :)

VoMment Guyth :)) Kamsa :')

Unconditionally and Irrevocably in love with you - KathNiel (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon