Chapter 9

218 9 7
                                    

Trisha's P.O.V (Ate ni Euanice)

@ Philippines :O

Welcome Back To The Philippines Trisha Marquez ^_^

Yahooo! After 99999999 years, nakauwi din. De joke lang, OA ko naman masyado. After 6 years from States, sa wakas nakauwi din.

4 years na pag-aaral then 2 years na work! Woaaaah! Success naman kahit papa'no.

H.R.M ang course ko. Nag-work ako sa isang five star hotel bilang isa sa mga Chef do'n. Ganyan talaga umaasenso. Maganda ako eh. Angal ka?

Teka lang, namiss ko si Panget ah! Mai-Text nga.

To: Bruha :)

Hoy Bruha! I'm back. Hindi mo ba ako iwewelcome? Sunduin mo 'ko sa Mall. Namiss kita, gala na rin tayo para makapag-bonding. Ingat sa pagpunta. Iloveyou. Muah! :*

Sending. Sending. Sending.

Message Sent!

Haaaaay! Si Bunso kaya, kamusta na siya kina Mama't Papa? Kailan kaya sila uuwi dito from Korea? Nakakamiss din yung bonding namin no'ng mga bata palang kami. Tsk! Mahintay na nga lang si Panget sa Mall.

**

Euanice's P.O.V

Tinignan ko ung nag-text. O_o Nagulat ako ng....

From: Panget :)

Hoy Bruha! I'm back. Hindi mo ba ako iwewelcome? Sunduin mo 'ko sa Mall. Namiss kita, gala na rin tayo para makapag-bonding. Ingat sa pagpunta. Iloveyou. Muah! :*

Oh! Himala! Anong nakain neto at naisipang umuwi? Pero ayos lang. Namiss ko din naman si Panget. Makapag-Ayos na nga.

Ligo. Ligo. Ligo.

Bihis. Bihis. Bihis.

Ayos. Ayos. Ayos.

Okay na! ^_^

Hanging Blouse + Maong Shorts + Converse = Perfect <3

Maitext nga ^_^

To: Panget :)

Hello unnie. Welcome Back! Na do, bogoshipda :* I'm on my way. Kasama ko si manong. See you! Muah! :*

Sending.........

Message Sent ^_^

(Na do - me too, Bogoshipda - I miss you)

On The Way sa Mall :)

"Kuya sa mall po ah? Nagpapasundo si Panget eh" - sabi ko sa driver namin.

"Osige. Tagal din nawala ng ate Trisha mo ah? Panigurado namiss niyo ang isa't-isa"

"Sobra pa sa sobra Manong!"

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kabataan namin ni ate Trisha. Hindi ko namalayan na nasa mall na pala kami. "Mam, andito na po tayo" - sambit niya.

"Kuya, ilang beses ko na po bang sinabi sa inyo na Euan nalang at wag na po Mam?" - ayoko kasing tinatawag ako ng gano'n masyadong pormal.

"Sige na nga Euan, Osya! Text niyo nalang si Epiphany kung magpapasundo kayo ah? Mag-iingat kayo!"

"Salamat po kuya. Opo sige. Ingat po kayo sa pagmamaneho" - ^_^

"Naku! Salamat! Napaka-bait mo talagang bata ka."

"Kuya naman eh! Tanda ko na po kaya." - sabay pout.

"Sige na, Sige na at baka hinihintay kana ng ate mo."

Nagwave na ako sa kanya at naglakad na papasok sa Mall. Sa'n kaya nagtambay 'to?

To: Panget :)

Hoy! Nasa'n ka? Nandito ako sa ground floor. Sa McDo. Puntahan mo 'ko.

Sending......

Message Sent!

Wag na kayong magtaka kung ba't ganyan kami ni Ate. Talagang close lang talaga kami. :)

Habang naghihintay, nakatingin ang ibang narito sa'kin. Well, ganyan talaga! Maganda ako eh. Kontra ka? Wag na! Baka mapahiya kapa :P xD

After 10 minutes.

"Oy Bruha!"

Tinignan ko ung sumigaw. Pati ung ibang tao na kumakain ay napatingin. Akala siguro nila naghahamon ng away. Hahaha. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumakbo papalapit sa kanya.

"Panget namiss kita" - sabay hug ng mahigpit.

"Haha! Ikaw lang ba? Ganda natin ah? Oh tara libot tayo. Kakamiss dito eh."

"Syempre, gandang lahi eh."

"That's the spirit my dear"

Naglakad na kami. Lokang babaeng 'to, 'di man lang nag-ayang kumain? 'di ba 'to nagutom sa byahe? O.o

Habang naglalakad kami, may tumawag sa 'kin na pamilyar ang boses.

"Ate Euan!" - sigaw niya.

Ng tinignan ko....... o.O

"Oh, BABY SAMMY!" - sigaw ko.

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Siya si Samantha kapatid ni Darelle.

"Ate Euan, namiss kita! Kamusta ka na?" - tanong niya habang may napakalaking ngiti sa kanyang labi. Napatingin naman siya sa kasama ko. "Hello ate Trisha, kelan ka pa umuwi?"

"Ayos lang ako baby, ikaw?" - sagot ko.

"Ngayon lang Sammy." - sagot din ni ate Trisha.

"Ah gano'n po ba? Gumaganda tayo lalo ah. hahaha! Ayos lang din ako. Si kuya po pala-- Ah, ahm, Ate pwede ko bang kunin number mo?" - tanong niya. Nagtawanan kami sa sinabi niya. Teka ano ung sinasabi niya tungkol sa kuya niya? Hmmp?

"Ah sige baby sammy, eto oh" - pinakita ko sa kanya ung screen ng phone ko. "Hm, baby ano ung tungkol sa kuya mo?"

"Ah? Eh? Wala po ate. Sabi ko gwapo pa din siya. Hahaha. Salamat po pala." - sabi niya. "Sige po mga ate una na ako, may bibilhin pa kasi eh. Ingat po kayo. Ate Euan text nalang kita."

"Sige baby, ingat ka!" - Ako.

"Ikaw din po ate Euan"

"Sammy be a good girl. Bonding tayo next time" - singit ni Ate.

"I will ate Trisha. Sige po. Byeeee" - nagbeso na kami. At nagwave siya pagkatapos ay tumakbo na.

"Ang kulit pa din ng batang yon no?" - Ate.

"Oo nga eh. Walang pagbabago pero maganda pa din." - sagot ko.

"Syempre! Mana sa 'tin e." - nagtawanan kaming dalawa.

Pagkatapos no'n, nag-ikot-ikot na kami sa Mall. Bili dito, Bili doon. Tingin dito, Tingin doon, Pili dito, Pili doon. Kapagod pero masaya.

Perooo..... Ano kaya ung sinasabi ni Sam kanina tungkol kay Darelle? Kanina pa di maalis sa isip ko yon. Ayos lang ba talaga siya? Haist! -_____-

**

Unconditionally and Irrevocably in love with you - KathNiel (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon