Chapter 26

32 4 0
                                    

Ralph's POV


"Sorry sa abala, Ralph. Alam kong hindi ka pa gaanong nakakapagpahinga pero kasi ano.." - hinihintay ko ang susunod na sasabihin ni Ate Trisha.

"M-may nangyari po ba Ate?" - kinakabahang tanong ko.

Unang-unang pumasok sa isip ko si Euan. "Kasi hanggang ngayon h-hindi pa rin umuuwi si Euan."


"Paanong? Natawagan niyo na ba Ate? Kagabi ko pa din kasi siya tinatawagan pero hindi niya ako sinasagot."

"Ako din. Hindi niya sinasagot. Natatakot ako, Ralph. Ayokong mag-isip ng kung ano pero kusang pumapasok sa isip ko yung mga ayaw kong isipin." - naiiyak na sabi ni Ate Trisha. Pati ako natatakot pero hindi, wala naman sigurong masamang nangyari kay Euan. Dama ko. Nasa mabuti siyang kalagayan ngayon.


**

"Tumawag na ba sa inyo si Euanice?" - kalmado pero halata naman sa boses ni Ate ang kaba. Hinawakan siya ni Kuya Jurelle sa braso.

"By, easy ka lang okay? Walang masamang nangyari kay Euan."

"Paano ako magiging easy kung yung kapatid ko hindi ko macontact? Paano ako kakalma kung hindi siya sumasagot? Sabihin mo nga sa'kin, Jurelle!" - there, napahagulgol na naman si Ate Trisha.


Hindi ko alam kung bakit wala man akong kaba na nararamdaman. Siguro kasi alam ko sa sarili ko na maayos ang lagay ni Euan.


Bigla naman nag-ring ang phone ko.


Nagulat ako ng makita ko ang caller ID at ang contact icon.

"Ate si Euan, tumatawag." - siya naman nakapagpapigil sa hagulgol ni Ate Trisha kanina.


Sinagot ko ang tawag ni Euanice.


"Hello?"

(Ralph! Sorry. Okay lang ako. Gusto ko lang makapag-isip.)

"Sigurado ka?"

(Yeah. Nandito lang ako sa Hotel malapit sa school.)


"Sige. Susunduin kita. Nag-aalala silang lahat sa'yo. Hindi ka sumasagot sa mga text at tawag namin sa'yo."


(Sorry. Gusto ko lang talaga mapag-isa. Tell them that I'm okay. Nothing to worry.)


"Okay. I'll hung up. Wait for me."

(Okay! Ah, Ralph!)


"Hm?"


(I just want to say sorry and I love you.)

Napangiti ako sa huling salita na sinabi niya. "I love you too."


I ended the call.


"Anong sabi niya?" - Ate Trisha.


"Okay lang daw siya ate. Nagcheck-in siya malapit sa school. Puntahan ko na." - sabi ko.


"Sama ako."


"No. Ako nalang ate. Magpahinga ka nalang. I know, hindi ka gaanong nakatulog ng maayos."

"But...."

"By, wag ng makulit okay? Okay lang naman daw si Euanice." - alo ni Kuya.


Kinuha ko na yung susi ng kotse at nagmaneho na papunta sa lugar kung nasan si Euan.


"Sh*t" - traffic pa dahil sa may banggaan. Wrong timing talaga.


I want to see my baby. Miss ko na ang megaphone na yun.


**

Euanice's POV

I called him again. Namiss ko ang boses niya eh.

"Saan kana?" - I asked. Excited na ulit akong makita siya. Namiss ko ng sobra ang kumag kahit isang araw lang kaming hindi nagkita. Alam ko na ang lahat. Alam ko na ang totoo. Sinabi na sa'kin ni Angel ang lahat. In fact, nagkita kami kanina. At doon niya ipinaliwanag ang lahat. I feel sorry for her. Naawa ako sa kanya. Wala naman talaga siyang kasalanan. Nagmahal lang naman siya but sad to say, may mahal ng iba ang taong mahal niya. And that's me.


(.....)


Palipat ako ng daan. Galing ako sa Coffee Shop malapit sa pinag-check in ko ng biglang may bumusina. Napasigaw ako sa gulat. "Shit!" - kinabahan ako bigla. Muntik na akong masagasaan. Truck pa naman. Buti nalang hindi ako natuluyan. "Ralph!" - tawag ko ng kumalma na ako. "Uy!" - walang sagot. "Still there?" - tinignan ko ang screen ko. Nandoon pa naman. Papatayin ko na sana ng bigla siyang nagsalita.


(.....)


Sasagot palang sana ako ng may marinig akong busina ng truck kasabay noon ang pagkamatay ng kabilang linya.

**

Ralph's POV

Nagring ulit ang phone ko. I smiled when I saw her caller ID.


"Saan kana?" - tanong niya.


"Papunta na ako. Huwag kang aalis jan."


"Shit!"

Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa sigaw ni Euanice at may narinig pa akong busina ng parang truck sa kabilang line. Kinabahan ako bigla. Kinalikot ko sa ibaba ang cellphone ko matapos mahulog. Makalipas ang ilang segundong paghahanap, nakuha ko din. "Hey! Napano ka? Okay ka lang ba?" -nag-aalalang tanong ko.

Pagkaangat ko ng tingin sa dinadaanan ko, nanlaki sng mata ko ng makita kong nasa intersection na pala ako. Red light na sa line namin. Huli na ng makapagpreno ako. Narinig ko nalang ang busina ng truck sa kaliwang daan. Mabilis ang pangyayari. Naramdaman ko ang pagkauntog ng ulo ko sa matigas na bahagi ng kotse ko kasabay noon ay ang pagpatak ng luha ko. Narinig ko pa ang sinabi kanina ni Euan sa'kin ng una niya akong tawagan at magpasorry siya. Yung I love you niya. Nag-echo sa pandinig ang mga katagang yun bago ako tuluyang mawalan ng malay.

And everything went black.

**


End of Update.
Sorry ang lame.
Vote/Comment plith!

Unconditionally and Irrevocably in love with you - KathNiel (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon