Chapter 3

274 15 2
                                    

Ralph's P.O.V

"I missed you babe" - bulong ko habang nakatingin ako sa picture naming dalawa ni Yumi.

Heto na naman ang mga traydor kong luha. Nag-unahan na naman sa pagpatak sa mukha ko. Akala ko nailabas ko na lahat kagabi. Hindi pa pala. Masakit parin pala.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Wala pa akong tulog mula kagabi. Bahala na mamaya kung antukin ako sa school. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ung nangyari. Sariwa pa ang sugat sa puso ko. Sobrang sakit.

( * FLASHBACK * )

Sunday ngayon, Kakatapos lang ng misa. Inaya ko kasing magsimba si Genree. Feel ko magsimba ng gabi eh. Nandito kami sa garden ngayon sa bahay. Since ako lang mag-isa, nagpahanda ako kina manang ng hapunan kanina. Inaya ko din kasing magdinner date si Yumi.

"Hello babe, You looked beautiful tonight, Actually everyday. Kahit anong view, mapa left-view, side-view, front-view, up-view, isang view lang ang pinakagusto ko, yun ay ang ILOVEVIEW - joke ko sa kanya. Masaya kasi ako at nakasama ko ulit siya. But seriously, ang ganda talaga niya.

"T-thank you!" - then she flashed a weak smile.

Biglang napalitan ng kaba ang mga ngiti sa labi ko kanina. Parang may mangyayaring masama o hindi maganda.

"Kain ka na" - sambit ko.

Habang kumakain kami. Hindi ko maiwasan ang titigan siya. Parang may iba sa kanya. Parang di siya mapakali.

"Babe, may problema ba?" - casual na tanong ko.

"I-i'm sorry babe. But I have to do this" - bulong niya pero narinig ko.

"W-why babe? W-what do you m-mean?" - nagtatakang tanong ko na may halong takot at kaba.

"I'm sorry Ralph but w-we're done" - pabiglang sabi niya. Nagsimula na siyang umiyak. Kumirot bigla ang puso ko. Halos manlumo ako sa narinig ko. Sabi ko na may hindi magandang mangyayari eh.

Balak ko siyang i-surprise ngayong gabi pero ako ang nasurprise sa sinabi niya.

"Genree, ano na naman bang joke yan? Haha! Tatawa na ba ako?" - pagloloko ko para mawala ung tensyon sa pagitan naming dalawa. Tinignan lang niya ako, "Babe, tell me you're joking" - pagmamakaawa ko. Nangingilid na ang luha sa mga mata ko.

Hindi ko na nakayanan. Nag-unahan ng pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Umiyak at lumuhod na ako sa harap niya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sakin. Mahal ko siya. Mahal na Mahal. Gagawin ko ang lahat, wag lang niya akong iwan.

"Wala na Ralph! Let's stop this f*cking relationship! Ilang beses na kitang binigyan ng chance para magbago but still paulit-ulit mong ginagawa yang mga kagaguhan at kalokohan mo! Tama na Ralph! Oo, mahal kita pero nagsawa na ako kakaintindi sayo. Nagsasawa na din akong magpakatanga sayo. Paulit-ulit nalang yang pambababae mo. Hindi kana natuto!" - mariin niyang sabi.

"Genree, alam mo naman na nagbago na ako mula nang maging tayo" - sabi ko sa kanya.

"Wala na, Ralph. Wala na. Tapos na tayo" sagot naman niya habang nagpupunas ng luha kasabay nito ang pagtalikod niya at naglakad na palayo.

Ako? Eto, naiwang nakaluhod dito sa harap ng table na pinahanda ko para sa dinner namin ngayon.

Masyado akong naging kampante dahil alam ko na kahit anong gawin kong kalokohan hindi niya ako iiwan. Pero nagkamali pala ako.

Ang dami kong natutunan at napagsisihan dahil sa pagkawala ni Yumi sa'kin. Hindi pala lahat ng taong nasa paligid mo susuportahan at iintindihin ka hanggang sa huli. Minsan darating nalang sa puntong susuko sila sa kakasuporta at kakaintindi sayo hindi dahil sa wala kanang halaga sa kanila kundi dahil sawa na silang iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga dahil sa pambabalewala mo sa nararamdaman nila. Siguro nga tama na. Napaka-tanga ko. Ilang beses ng nangyari 'to.

Unconditionally and Irrevocably in love with you - KathNiel (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon