Chapter 22

82 5 3
                                    

Euanice's P.O.V

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Masyadong mabilis ang mga pangyayari pero kahit ganon pa man, I'm happy dahil finally, Ralph moved-on. Ramdam ko. Kaya sobrang saya ko.

*FLASHBACK//

"Y-yumi?" - nagulat kaming lahat sa pumasok.

Pansin ko na pati si Yumi, sobrang nagulat. S-siya ung ex ni Raffy. Ung minahal niya dati.

"What are you doing here?" - tanong ni Yumi.

"I'm here for my friend" - tumingin siya sa'kin. "And also for my girlfriend" - dagdag pa niya. Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa noo. Napangiti ako. Pati si Yumi, napangiti din.

"Ikaw pala ung sinasabi ni Raffy na hindi niya kayang iwan at saktan kasi daw sobrang mahal na mahal niya" - sambit ni Yumi.

Napayuko ako. Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko. Kinikilig ako! Shete!

"I'm happy for the both of you" - sincere na pagkasabi niya.

Nginitian namin siya. "How 'bout you? Ano nga palang ginagawa mo dito?" - nagtatakang tanong ni Ralph.

Tumingin siya kay Darelle, "He's my fiancee" - nakangiting sabi niya. "Bumagsak ang company namin, kailangan i-merge ang company nila sa'min para maibalik ang dati. Tinakbuhan kasi si Daddy ng business partner niya. Isang kasunduan... Doon nagstart ang lahat. Kami ni Darelle ang napagkasunduan nila. Dumating pa nga ung puntong binalak kong agawin si Raf sayo dati. Kaso, etong si Darelle, sobrang mahal ka kaya pinigilan niya ako. That time, nag-aaway kami. Sinumpong siya. Kaya do'n ko tinigilan ang mga binabalak ko. Doon ko napag-alaman na may sakit si Darelle." - nagkatinginan kami ni Raf.

All this time, gano'n pala ang lahat. Kaya nagbreak kami ni Darelle, kaya nagbreak si Raf at Yumi. Naalala ko nung time na nagtext si Yumi kay Raf.. na nakikipagbalikan siya. Hindi ako naniwala kay Raf nun. Naghinala ako.

"Euan, pasensya kana. Masyado lang akong natukso noon. Narealized ko lang bigla na takot na pala akong mawala si Darelle" - dagdag pa niya.

Nilapitan ko siya at niyakap. "Okay lang yun. Naiintindihan ko"

"No wonder, mahal na mahal ka nito. Ang bait mo pala talaga" - nagngitian kami.

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan.

*END OF FLASHBACK//

Kaya sobrang saya ko ngayon kasi wala ng hadlang sa'min ni Ralph.

**

"Ganda ng ngiti natin ah?" - bungad ni Ira.

"Kasi maganda ako" - sambit ko tiaka ko siya kinindatan.

Lumapit siya sa'kin at hinawakan niya ang dalawang balikat ko, "Nasan ang bestfriend ko? Saan mo dinala ang kaibigan ko? Sino ka ha? Sinong mabuting ispirito ang sumanib sa katawan ng kaibigan ko? Magstay ka jan! Wag ka ng lilisan!" - tiaka niya ako inalog.

"Pfft--hahahahahahahaha! Para kang baliw Ira! Hahahahahaha! Ako 'to. Euanice maganda" - natatawang sabi ko.

"Sigurado ka?" - malapit na din siyang tumawa.

Tumango ako.. "Oo nga baliw! Ako 'to. Hahahahahaha!"

"Anong nakain mo? Ba't ang ganda ng mood mo?"

"Kasi nga maganda ako"

"Edi ikaw na" - sambit niya.

"Talaga" - tiaka kami nagtawanan.

"By the way, friend. Malapit na ang Valentine's and Senior's prom. Anong balak?"

Napatigil ako, "Eh? Next month pa yon" - sabi ko nalang.

Pinagsabay nila ang Valentine's ball at Senior's prom. Weird?

"Hello Baby, Hi Ira. Saan si Lawrence?" - umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Ewan ko kung saan sumulpot ung lalaking yun" - tiaka siya umirap.

"I'm here" - singit ni Lawrence.

"Ay Kabayo" - gulat na sabi ni Ira.

"Ouch" - aktong humawak sa dibdib si Lawrence ng tawagin siyang kabayo ni Ira.

"Anong dinadrama-drama mo jan?" - mataray na sabi ni Ira. Hala ka, Rence. Pms si Ateng.

Hindi nalang nagsalita si Lawrence.

"Baby, ikaw date ko sa prom ah?" - speaking... "Alam mo naman na gusto kong ipakita at ipagmalaki sa lahat kung sino ang mahal ko" - Boom! Kinilig ako. Iba talaga epekto ng lalaking to. Bigla nalang babanat eh. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "Mahal na mahal kita, Euanice" - tiaka niya ako hinalikan sa pisngi.

Kung pwede ko lang ipalapa sa lupa ang katawan ko, ginawa ko na eh. Pakiramdam ko pulang-pula na ako ng dahil sa kumag na 'to.

**

Ralph's P.O.V

Siguro eto na ung pinakamagandang nangyari buong buhay ko. Ang makahanap ng taong iintindi sa'kin sa kagaguhan ko. Ang makahanap ng taong magmamahal sa'kin sa kabila ng mga kalokohan ko.

"I love you more baby" - saad niya.

Sa araw-araw na ipinagkaloob ng Diyos, lagi akong nagpapasalamat dahil sa magandang regalo na ibinigay niya sa'kin.

Hindi ko na siguro alam ang gagawin ko kapag nawala pa sa'kin ang nag-iisang taong umiintindi, nagmamahal at nag-aalaga sa'kin.

**

Euanice's P.O.V

Hindi ko inaasahan na mamahalin ko siya ng higit pa sobra. Hindi ko alam kung bakit ako nahulog sa kagaya niya. Totoo pala ang sinasabi nila na Good girl fall for the bad boy? Pati ang The more you hate, the more you love.

Hindi ko siguro makakaya kapag nawala pa siya.

Kada-umaga, pagkagising ko siya ang hinahanap-hanap ng mga mata ko. Kada lumingon ako, gusto ko siya ang nakikita ko.

Ganon ko na ba siya kamahal? Sana wala ng umepal.

Unconditionally and Irrevocably in love with you - KathNiel (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon