Tinulak ko siya bigla palayo sa mukha ko, saka tumama yung ulo niya sa may dashboard.
''Napaka mapanakit mo naman!''
''Hoy yung dashboard ko!''
Parang timang na biglang kumuha ng tissue at pinunasan yung dashboard ng BMW niya.
''Alam mo, alam kong hindi moko magugustuhan.'' saka niya pinush yung seatbelt saka siya umatras para isara yung pinto.
Sinimulan niya na ang pag mamaneho para maka alis na kami sa university at maka uwi na.
''Mag ayos ka, baka maka bingwit ka bukas.''
Biglang akong napa kunot ng noo. Ano bang pinag sasabi nito?
''Alangan naka pajama at t-shirt ako?'' saka ko siya sinamaan ng tingin.
Napa bugtong hininga nalang siya at nag focus sa pag mamaneho,
Nang dumating na ako sa bahay, as usual wala si Mommy. Madalang nalang siya umuwi dito simula noon. Kami nalang nila Mommy Cha ang madalas dito sa bahay.
''Oh andiyan ka na pala Engineer Ara!''
Nagulat pa ako, parang kabute. Bigla-biglang sumusulpot.
''Ah opo, hinatid po ako ni Iman. Kaya hindi na ako nag pa sundo kay Kuya Romel.''
''O siya mag bihis ka na at maligo para matulog. Dalian mo, sabay-sabay na tayong kumain.''
Sabay ko siyang nginitian at nauna na din siyang pumasok sa loob. Nag pahangin lang ako sandali saka ako pumsok ulit.
Diretso na ako sa kwarto para mag bihis at tinapos na din ang school works. Mag c-club daw kami bukas nila Croi. Para wala na akong aalalahanin na gagawin.
''Mommy Cha, pasabi kay Kuya Romel wag na ako sunduin bukas ng hapon. Kay Iman nalang ako sasabay , birthday daw po ni Croina.''
''Ah ganun ba buti sinabi mo, mag g-grocery kami bukas ni Manang.''
Pumanik na ako sa kwarto saka ako nag hilamos at nag ready nadin for bed.
Dali-dali akong bumaba ng hagdaan at pumunta sa kusina para kumuha ng tinapay saka juice. Doon nalang ako kakain sa sasakyan.
''Mommy Cha! Aalis na ako!''
''Ay jusko pong batang to, wag kang tumakbo.''
''Ha? Ma Cha!, aalis na ako late na ako. May pupuntahan ako na party mamayang gabi ah!''
Sumakay na ako sa sasakyan saka umalis na din kami kaagad ni Kuya Romel.
''Ara!, bat hindi ka pa sumabay sakin kanina? Nakita ko sabay lang tayo umalis sa subdivision.'' pag babanggit ni Ivan.
''Hindi kita napansin. Sayang na abala pa si Kuya Romel. Next time, businahan moko pag maabutan moko sa bahay.''
Tumango nalang siya at saka kami pumasok sa klase. Mag ka iba kami ng section ni Iman pero may dalawang class lang kami na mag kaklase.
Dumaan ang mag hapon, halos kami lang ni Iman ang nag kakasama. Masyadong busy yung dalawa kaya nag u-update nalang sila sa chat.
''9:30 daw alis natin.'' banggit sakin ni Iman habang bumibili kami ng kwek-kwek at palamig.
Tumango lang ako habang abala sa pag lalagay ng sauce sa cup ko.
YOU ARE READING
Chiaro Di Luna
RomanceAFFLICT OF AFFECTION SERIES #1 I just want to be loved, is it too much? One of the questions Ara asked from Sto. Tomas University and the toughest that will risk everything just to know what it can be Dacino from Italy. Believing someday they can...