''Isk..'' sabay kamot ko sa ulo ko at saka itinabon ko sa aking mukha ang kaninang yakap na unan.
Paulit-ulit akong umiikot dito sa kama. Onti nalang ay makakabisa ko na din kung paano ginawa itong kisame. Malamig naman ang panahon at saka comfy ang higaan.. pero hindi pa din talaga ako inaantok.
Kinapa ko ang side table at saka dinukot ang cellphone sa aking tote bag. Umayos ako ng pag kakaupo at saka isinandal ang aking likod sa headboard. Tinignan ko ang aking social media accounts. Nag babakasakali na may online sakanila para yayain bumaba. Pero wala.
Napa bugtong hininga ako ng nakita kong ang dami nanaman notification sa ig account ko. Para hindi na din ako ma bother, binuksan ko na ito.
Lahat ito ay patungkol sa pinost ni Dacino. Sobrang dami nag comment at ilan dito ay binasa ko.
[Napaka swerte niya naman! ang ganda niya ha]
[Grabe panigurado mayaman din itong babaeng to...]
[Hindi ko to kakayanin may mahal na ang asawa ko!] nanlaki ang mata ko matapos kong basahin ang comment saka ako napa ngisi.
[Sa wakas! Matagal-tagal din ito bago nag mahal ah!] at itong comment na to ang pinaka naka pukaw sa atensyon ko.
Matagal ko itong tinitigan bago mag pasya na ilock ang screen saka ko ipinatong sa aking dibdib.
Sino ka ba talaga napaka misteryoso mo...
Tinignan ko ang oras sa wallclock at doon ko lang nakita na umaga na pala. Kaya nag karoon na ako ng lakas ng loob para lumabas ng kwarto. Inayos ko muna ang kama ko saka tinali ang buhok at dumiretso sa cr para mag ayos na.
Nag suot nalang ako ng white hoodie saka ko binulsa ang cellphone ko.
Dahan-dahan kong binubuksan ang pinto dahil baka magising sila saka ako bumaba at dumiretso sa kusina. Sobrang tahimik at payapa. Ang tanging ilaw ko lang ay ang araw na papa sikat palang.
Nag timpla lang ako ng kape saka kumuha ng bread at saka lumakad papunta sa labas ng villa. Merong terrace dito kung saan may bench na pwede kang mag basa o mag muni-muni sa umaga.
Habang humihigop ako at ninanamnam ang init ng kape
''Huy Ara!'' kasabay ang malakas na boses nito
Napa samid ako at saka ko siya nilingon at si Kuya Ramon naman pala saka siya tumakbo papalapit ng nakikitang sinasamid ako. Agad siyang kumuha ng tubig sa loob saka pina inom sa akin.
''Walanjo ka naman Kuya Ramon eh!'' saka ko hinahawakan ang dibdib ko at sumisinghot pa at nag papasalamat hindi sa ilong ko lumabas yung tubig.
Umupo siya ng dahan dahan sa tapat ko na silya saka ngumiti ng may pag aalinlangan.
''Kamusta naman ang gabi niyo?'' nakatitig pa din itong tanong sa akin.
''Okay naman po, ma-ayos naman'' sagot ko habang naka talungko at hawak-hawak ang tasa at nag eenjoy sa init na dulot nito.
''A-asan nga po pala si Dacino?'' habang nakatitig sakaniya binaklas ko din ito ng nag palabas siya ng nakakaloko niyang ngiti.
''Nako wag kang mag-alala don hija. Kabisado niya ito'' saka ako inismiran at saka nag pa dikwatro ng upo.
''Paano naman po, eh ang lawak nito.'' saka ako nag kabit balikat at halata sa aking mukha na hindi ako naniniwala.
YOU ARE READING
Chiaro Di Luna
RomanceAFFLICT OF AFFECTION SERIES #1 I just want to be loved, is it too much? One of the questions Ara asked from Sto. Tomas University and the toughest that will risk everything just to know what it can be Dacino from Italy. Believing someday they can...