11

18 3 3
                                    

''Hoy! Hindi ako sumusuko kaagad Iman! Sinasabi ko sayo pag ako naka alis sa gapos na to. Babalian kita ng buto!'' sa sobrang lakas na boses ni Lyris.


Habang eto si Iman patakbo-takbo sa buhanginan at inaasar pa din si Lyris at nag papahabol.


''Gawin mo nga, sige nga...'' habang naka tayo at naka pamewang at naninigkit ang mata.


Lumalabas nanaman kapilyohan ng lalaking to.


''Uy! ganyan nag katuluyan yung Lola at Lolo ko!'' sigaw ni Croina habang nag hihiwa ng pakwan doon sa may cottage.


''Ulol! Mag katuluyan na lahat pero hindi dito sa gunggong na to!'' sagot naman ni Lyris na halatang iritang-irita na.


''Ay papayag ka non, Iman? gunggong ka daw oh...'' sabat ni Kathleen na bagong gising lang


Andito ako ngyun sa ilalim ng puno ng buko, pumunta sakin si Kathleen saka tinitigan yung dalawa mag bangayan.


''Good morning, Ara''


Nagulat ako ng biglang may narinig akong boses lalaki at walangyang amoy to, consistent pa sa katinuan ng Nanay ko.


''Ay, grabe. Whooo! Napaka sayang maging single. Nakakamatay talaga ang inggit'' kakamot-kamot ito sa batok habang lumalakad papunta sa cottage.


Siya naman pumalit sa pwesto ni Kath, kaya yung amoy niya mas masiid na ngyun dahil eto.. katabi ko na.


''Have you eaten your breakfast?"


Pocha linyahan to ah.


''Alam mo wag kang pa fall'' ismir ko habang andoon pa din kila Croi ang paningin ko.


He looked at me habang naka salubong ang kilay at parang sobrang sama ng sinabi ko at nawala siya sa wisyo.


''What do you mean by pa fall?''


''Ang hirap talagang makipag usap sa laking ibang bansa.''


''What? and it's my fault now?'' with his sarcastic tone.


''Hindi.'' saka ako lumingon sa harapan niya saka hinila ang kaniyang braso saka ko tinaas ang kamay ko saka ko siya tinuro ''Hoy, mga galawan mong yan. Kilalang-kilala yan dito. Nakikita mo yang mga kaibigan ko?'' sabay kong tinuro ang kamay ko sa direksyon kung nasaan sila. ''Yan, yan ang titiris sayo. Malay ko ba kung may girlfriend o asawa ka sa Italy? Ano gagawin mo pa akong kabit o home wrecker?''


Nag bago ang tingin niya sa akin saka siya lumunok ng marrin at binaling ang tingin sa iba at saka nag pamulsa ng kamay.


I felt guilty for being that straight forward. Pero he can't blame me! i barely know him. Hindi ko alam ang buhay na iniwan niya doon kahit mag business partner pa sila ng Nanay ko.


''I should go there.'' he left me here alone at saka pumunta sa cottage kung saan nag kakagulo sila. At naka alis na pala si Lyris sa pag kakatali ni Iman.


Tinitigan ko siya habang papaupo siya sa cottage saka ako tumalikod at nag pasya na bumalik sa kwarto. Sa pinag sasabi ko sakaniya ng harap-harapan hiyang-hiya na ako.


Habang pabalik ako sa villa namin, my phone keep on vibrating...


Kinuha ko siya sa tote bag saka ko nakita na si Mommy yung tumatawag.


''Hello?''


It's so weird, madalang niya akong tawagan at puro text lang communication namin. Madalas si Ate Terry yung nag re-reach out sakin secritary niya.


Chiaro Di LunaWhere stories live. Discover now