13

18 3 1
                                    

Napa iling nalang siya sa sinabi ko saka nag dire-diretso sa pag lakad. Nang malapit na kami sa tapat ng villa namin nila Croi. Inupo niya ako sa silya kung saan malapit sa mini garden.


When he twist the door knob na dismaya siya dahil kahit ilang ulit niyang inikot ito naka sara pala ang pinto.


Lumapit siya sa akin at pumwesto sa harapan ko saka lumuhod. Hinawakan niya ang baba ko para mapa harap sakaniya ang mukaha ko.


''Ara where is the key?'' seryosong tanong niya


Sabay kong itinaas ang mag kabila kong balikat saka yumuko ulit. Kinuha niya ang tote bag ko at binuksan ito.


''Do you have any scarf?''


Tumingin ako sakaniya ng walang emosyon at patuloy pa din siya sa pag kalkal ng bag ko. Lumiwanag ang mukha niya nang mahugot niya ang balabal na naka balunbon sa loob.


Nang niladlad niya ito nagulat siya ng biglang may kumalansing hudyat na may nahulog galing sa loob nito.


''Ay! Ang galing mo naman, ayan yung susi oh.'' natutuwang sambit ko at ngumingiti kahit naka pikit.


''Magician ka pala!'' masayang-masaya kong sinabi saka ko siya binigyan ng thumbs up habang nililigpit ang laman ng tote bag.


Nilahad niya ang kamay niya at saka ko din inabot ang kamay ko. Hinila niya ito papa alis sa kinauupuan at saka ako binuhat in bridal way.


Sinipa niya ang pinto saka ako kinarga papunta sa loob. Tinanong niya kung nasaan ang kama ko at doon ako pina upo.


''Where's your clothes?''


Sabay turo ko doon sa cabinet, saka siya lumapit doon.


''Which one?'' naguguluhan niyang tanong habang nakatalikod sa akin.


''The satin one.''


Kinuha niya ito at inabot sa akin. Halata sa mukha niya na nauubos na ang pasensya niya.


''You can go to the bathroom?'' seryosong tanong niya habang nakatayo sa harapan ko at naka krus ang parehong braso.


Tumango naman ako na parang bata at saka ako tumayo ng dahan-dahan para hindi na ako mahilo pa, pero nagkakamali ako mas lalo pa akong nahihilo.


''Without falling.'' tinaasan niya ako ng kilay habang nakatingin ako sakaniya.


Pocha kailangan kong patunayan sa gunggong na to na kaya kong mag lakad. Ano ko lasing? hindi ah tipsy lang.


Pinag dadasal ko talaga na hindi ako matumba sa kalagitnaan nang malapit na ako sa pinto ng bathroom nag krus ang paa ko at napahawak kaagad ako sa door knob at umaaktong parang walang nangyare.


Lumingon ako sa likod ko at naka titig siya sa akin habang naka krus pa din ang braso sa dibdib. Binaling niya ang ulo niya senyas para pumasok na ako sa bathroom.


Pag pasok ko ay hindi ko na ni-lock yung cr baka mamaya mabagok ulo ko dito mamatay talaga ako ng tuluyan.


Kanina pa ako na iihi kaya dumiretso na ako at umupo hindi ko namalayan naka idlip na pala ako habang umiihi.


''Hey? Are you okay? Ara?''


''A-ah o-oo o-oo buhay ako!''


Nang matapos akong maka ihi napa salampak ako dito sa sahig kaya natumba yung trash can at siya naman biglang pasok ni Ino. Buti nalang maayos na ang damit ko.


Chiaro Di LunaWhere stories live. Discover now