14

16 2 1
                                    

''Pa abot nga ng stake, Iman.'' sambit ni Kath habang naka upo at naka pamewang. At si Iman naman ay pinapasa ang ulam habang naka labas ang buto ng baby back ribs at sinisimot ito.


''Wala ba tayong itinerary? ano mabubulok lang tayo sa kwarto?'' suggestion naman ni Croina habang abala sa pag kuha ng ice cream.


''We can explore the whole island...'' simpleng suhestyon ni Ino.


Napa tingin ako sa gilid ng sinabi niyang buong island, bakit sakaniya ba ito?


''Oh, good idea. We can call Kuya Ramon para i-ikot tayo sa buong isla.'' sagot naman ni Kath habang naka sandal sa kina uupuan at halatang nabusog sa kinain.


Kinakain ko nalang din itong tirang mashed potatoes at tapos na ako sa aking meal. Wala akong masabi sobrang sarap ng serving ng foods nila dito.


''Tanong ko lang. Bago lang ba itong island? ngyun palang ako nakarating dito.'' sagot naman ni Lyris.


''Hanep ka malamang. Taong kweba ka eh.'' sagot ni Iman.


''Kaya ka iniiwan eh...'' sagot ni Lyris habang kinakain ang toppings ng halo-halo


''Huh?!'' sabay hawak niya sa dibdib at nag aaktong gulat na gulat. ''Uto baka habulin to noh..'' sagot naman ni Iman.


''Weh? Eh bakit sabi ng ibon ko'' habang na-naniningkit ng mata nito at saka tinignan ng matalim si Iman.


''Oo na. Sabihin mo sa ibon mo bibilan ko ng pag kain para manahimik.'' saka ito sinamaan ng tingin si Lyris.


Maya-maya lang ay tumayo na si Kath at Ino at lumakad papalayo sa kinalalagyan namin.


Lumapit na din ang mga waiter para sinupin yung mga pinag kainan.


''Hoy tara nalang mag picture!'' suggestion ni Lyris habang naka ngiti.


''Huh?!'' angal ko bigla sakaniya. ''Napaka init!'' reklamo ko habang kinukuha ko ang shades sa bag.


Lumakad si Croina papalapit sa akin at biglang hinabot ang bag ko. Saka naman ako tumayo at agad naman ako hinatak ni Lyris papa layo at saka ako itinulak sa dagat.


''Gagi ang daya mo buti nalang naka bikini ako sa pang baba.'' sabi ko kay Lyris habang diniretso nalang ang pag ligo ko sa dagat.


Lumangoy na din si Lyris at kaming dalawa nalang yung nag uungguan dahil silang apat ay nawawala.


Nang mag pasya akong lumakad papunta doon sa shore kung saan kalamdo lang ang dating ng alon. Umupo ako doon at hinahayang dampi-dampian ng tubig ang aking binti.


"Hoy!!!''


Kahit naka talikod alam ko na kung sino yung sumisigaw ng napaka lakas. Kaya hinintay ko nalang siya hanggang sa makalapit sa akin.


''Hoy! Ara! Wag kang lilingon ganyan lang angle ng ulo mo ang ganda mo diyan!''


At ganoon na nga din ang ginawa ko. Hindi ako kumilos hanggang sa pinakita niya sa akin ang kuha niya. Infairness, maganda.


Umahon na si Lyris at tumabi sa akin, she's wearing a black and white tube top bikini and high wasted. With her shell choker. She looks so sophisticated.


Chiaro Di LunaWhere stories live. Discover now