Nag simula ng mag vibrate ang cellphone ko sa side table dahil sa alarm.
''UGH too early...'' tinanggal ko ang naka talukbong na kumot sa mukha ko pababa sa katawan ko.
I gently get up, medyo masakit pa din yung pasa sa katawan ko.
Tumayo na ako at agad naman inayos ang higaan ko. Dumeretso na ako sa banyo para mag hilamos bago bumaba.
Habang nag hihilamos ng mukha kumatok na si Manang sa pinto ko hudyat para bumaba na ako.
Bago ako dumiretso sa pinto, pinatay ko muna ang lamp shade tuloy kinuha ang cellphone ko sa side table. Hapon na pala.
Walang ganang lumalakad ako sa hallway papunta sa hagdanan. Masakit pa din talaga yung katawan ko parang nilamog eh. Ginawang punching bag amp.
''Oh aakyatin na sana kita. Napa sarap ata tulog mo'' batid ni Ma Cha
''Naku! Hindi yan napa sarap! Tignan mo ang katawan at mga pasa ginawang giniling sa lamog eh'' sabay simsim si Manang sa kape niya
Tch! Kayo kaya ipag balibagan sa buong salas, tignan ko lang kung hindi kayo malamog. Aga aga eh.
''Alam mo manang pasalamat ka wala akong lakas ngyun kundi makakakita ka ng tsinelas na lumilipad.'' saka ko sila inismiran at pumunta na sa likod ni Ma Cha para mag timpla ng kape.
''Oy wag mo ginaganyan si Bossing Ara..'' sabat ni Kuya Riel
''Bakit naman aber?'' sabay taas ng tono ni Manang
''Ikaw Manang tumandang dalaga ka lang, napaka bitter mo na.''
Halos masamid si Manang sa iniinom niyang kape. Ngumisi naman ako at napa iling habang naka talikod sakanila.
Lumingon ako sa direksyon nila para doon umupo at kumain sa counter top.
Halata sa mata ni Manang anytime ma babalibag niya si Kuya Riel ng kutsara.
Habang kumukha ako ng tinapay ''Wag mo ginaganyan si Manang kung gusto mong makakita ng lumilipad na kutsara.''
''Ayoko non Boss Ara. Tititgil na 'ko'' pa tawang sinabi ni Kuya Riel
''Sige nga. Nakaka bilib nga yoon eh. Mag pa lipad ka nga Manang'' suhestyon ko habang kumakagat sa tinapay at umiinom ng kape.
''Eh kung kayo balibagin ko ng kawali at talyase? kala niyo naman kaya niyo. Puro dada.'' na iiritang tugon ni Ma Cha.
Natahimik kaming tatlo at kumain nalang ng payapa. Pero hindi pa din natatapos ang bwisitan ng dalawa. Diyan nag katuluyan ang abnormalng kong Ina at bardagol kong Tatay. Delikado.
''Hindi ba ngyun ang debut ni Kathleen?'' habang nag hahalo sa kawali
''Opo. Hinihintay ko lang si Iman. May idadaan daw.''
''Ano?! eh paano naman si Ino myloves ko?'' wari ba'y nalulungkot sa sinabi ko si Manang.
''Kung gusto mo sayo nalang'' seryosong tugon ko
''Hmmm.. malantod ka!'' binatukan ni Kuya Riel si Manang HAHAHA more!!!
''Kasabay niya ata yung pamilya niya. Ayoko naman sumabay doon. Maiilang lang ako''
''Sino kasama ng abnormal mong Ina?'' sagot naman ni Ma Cha
''Yoon ang hindi ko alam. Tsk, maninibago pa ba tayo eh parang pinag lihi sa surprise yung Ina kong yon.''
YOU ARE READING
Chiaro Di Luna
RomanceAFFLICT OF AFFECTION SERIES #1 I just want to be loved, is it too much? One of the questions Ara asked from Sto. Tomas University and the toughest that will risk everything just to know what it can be Dacino from Italy. Believing someday they can...