Kabanata 1

5.8K 180 115
                                    


Ang unang heartbreak ko ay noong grade one ako. Nakita ko ang crush ko na may binibigyang mikmik na babae. Pag-uwi ko umiyak talaga ako nang umiyak.

Ang pangalawang heartbreak ko naman ay noong grade five ako. Nawala ang bahay ko sa minecraft. As in depressed ako that time. Ang sakit kayang mawalan ng bahay sa minecraft!

Ang pangatlo ay noong grade eight ako. Nahuli ko ang boyfriend kong may kasamang ibang babae.

Ang pang-apat ay noong grade eleven ako. Namatay ang mga magulang ko. Car accident. Kaya ako na lang mag-isa ngayon.

Binubuhay ko ang sarili ko ng mag-isa. Wala akong kapatid. Ang mga kamag-anak naman ay walang silbi. Lalapit lang kapag may kailangan. Dahil doon, nalaman ko ang tunay na ibig-sabihin ng buhay.

There's nothing permanently in this world. Lalo na ang buhay. Buhay ng isang tao, kagaya ko.

"Class, be ready. You're all graduating so.. tomorrow we will have our class trip, don't be late okay?"

Walang sumagot sa guro namin. Lahat ay nag-paunahang lumabas. Masyadong excited para bukas. Ako rin naman excited. For how many years.. makakasama na rin ako sa trip! Lagi kasi akong hindi nakakasama dahil wala naman akong pera. Pero ngayon nag-ipon talaga ako para makasama dito! Nag-trabaho ako! Sana worth it ang pag-hihirap ko.

Umuwi ako sa maliit kong apartment. Ang bahay kasi namin dati ay binenta ng mga kamag-anak ko. Pang-bayad daw sa libing ng magulang ko. As if naman. Alam ko kinuha lang nila ang pera, pero hindi na ako nakialam doon, bata pa lang ako noon, walang alam sa mundo. Nabubuhay lang ako dahil sa insurance na iniwan ng Mama at Papa ko. Pero hindi iyon sapat, kaya nag-tatrabaho ako.

Nag-impake ako ng mga damit at gamit. Nilagay ko doon ang lahat ng kailangan ko. Sana talaga masaya bukas! Sana worth it!

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan iyon. Nag-facebook ako saglit para i-chat ang mga kaibigan ko, tapos ay nag log-out na ako. Kumain muna ako, naglinis, tapos ay natulog na.

Nakarating ako sa sinabing tagpuan ng guro namin. May mga kaklase na ako doon. Nakita kong kumakaway sa akin si Dino. Lumapit ako sa kaniya. Hinampas niya agad ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi masakit, Dino." sarkastikong sabi ko. Tinawanan lang ako ng bruha! Pinulupot niya ang kamay sa braso ko.

"Excited na ako! Ito ang first time na nakasama ka!"

I smiled at her. Excited na ako!

"Leriah! Wow! Ikaw ba 'yan!?" sigaw ni Bobby nang makita ako. Napasapo ako sa noo ko. Nag-tinginan tuloy sa akin ang mga kaklase ko! Lumapit silang lahat sa akin. Tinititigan ako na parang isa akong crystal na mababasag.

"What?" Tinaasan ko sila ng kilay.

"Totoo nga?" tanong ni Peppa.

Hinawakan naman ako ni Nery. "Gagi. Totoo nga."

Tumawa ng malakas si Dino. "Mga baliw talaga kayo. Tara na, andito na si Ma'am." sabi niya.

Sumakay kaming lahat sa bus. Kalapit ko si Dino. She's my friend since childhood. Siya ang kasama ko noong kailangan ko ng makakapitan. Kaya.. napaka-halaga niya para sa akin.

"Leri, si Yuan oh." sabay turo niya sa harapan. Napalunok ako. Si Yuan. I looked at him, our eyes just freaking met. Sa simpleng ganoon lamang ay namula na agad ako! Ang gwapo!

Sinundot-sundot ni Dino ang tagiliran ko. "Tumingin siya sayo!" sigaw niya. Hinampas pa niya ako. Mas kinilig pa siya sa akin! May kasama pang hampas!

"Nadito na ba lahat?" our homeroom teacher asked. Mrs. Dela Rosa.

"Yes ma'am!" sigaw ni Gemary. Our class president. Slash iyakin.

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now