Dinola

1.3K 88 61
                                    

Yuan is my childhood friend, simula pag-kabata ay lagi na kaming magkasama dahil magkapit-bahay lang naman kami. Noong mag highschool kami pinakilala ko siya sa best friend ko, si Leriah.

Sa ibang school kasi pumasok si Leriah noong elementary pa kami kaya hindi niya nakilala si Yuan. Magkaibigan ang mga magulang namin ni Leriah kaya naging mag-kaibigan na rin kami simula pag-kabata.

Noong pinakilala ko si Leriah kay Yuan.. alam ko.. they liked each other. Kapag nakikita ko silang magkasama na hindi sinasabi sa akin, doon ko na talaga napatunayan na meron sa kanila na hindi ko maaabot. 

There's this time na lumalabas na sila pero hindi ako kasama. Masaya sila kaya okay lang sa akin. Hindi naman nila alam na nasasaktan ako kaya okay lang.

Doon ko nakilala si Peppa. Grade 11 kami noon nang mag-transfer sa school namin si Peppaline Valdez. Mabait siya at masayang kasama. Naging kaibigan ko siya. Kapag umaalis sina Leriah at Yuan, si Peppa ang nakakasama ko.

Nalaman ko rin na anak siya ng may-ari ng school na pinapasukan namin. Sabi niya ako pa lang daw ang nakakaalam noon. I respect her privacy kaya kahit kanino ay wala akong pinagsabihan niyon.

It was rainy day that time..

Nasa trabaho ang magulang ko kaya walang susundo sa akin.

"Yuan, pwede ba ako sumabay sayo pauwi? Nasa trabaho pa sila Mama, e."

"Sure. Puntahan muna natin si Leriah, nasa room pa siya." sabi niya.

Natahimik ako sa sinabi niya. Dati kapag may sasabihin ako kay Yuan gagawin niya agad. Pero simula ng ipakilala ko siya kay Leriah, nagbago ang lahat. Gusto ko maging selfish.

Kahit ngayon lang..

"Pero kasi Yuan, ang alam ko susunduin siya ng magulang niya." pagsisinungaling ko. Tumingin ako sa gate at nakitang lumalakas na ang ulan.

Lumabas na rin sa room namin si Nery at Bobby. Napalunok ako. Tahimik lang si Leriah kaya alam ko hindi siya close sa iba naming kaklase. Wala siyang masasabayan sa pag-uwi..

"Ganon ba?" tanong ni Yuan.

"H-huh? Ah.. oo, narinig ko kanina tinatawagan niya ang magulang niya." sabi ko. Nanginginig ako habang sinasabi iyon, hindi dahil sa lamig kundi dahil sa guilt ko.

Umalis kami noon nang hindi kasama si Leriah. Nang makauwi ako sa amin ay nakita ko agad ang tawag ni Yuan.

"Hello?"

"S-si Leriah.."

Kinabahan agad ako dahil sa tono niya. Doon ko nalaman na naaksidente si Leriah at ang magulang niya. Dead on arrival ang magulang niya, si Leriah naman ay matagal bago naka-recover.

Inis na inis ako sa sarili ko. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kasi kung sinabay lang namin si Leriah noon, hindi sana mangyayari ito. Kung hindi lang ako naging selfish..

"Hush.. I'm here. I won't leave you.." sabi ko sa kanya. Nang magising si Leriah ay iyak lang siya ng iyak.

Hindi ko siya iniwan. Ginawa ko ang lahat para um-okay siya. Isinantabi ko ang pagtingin ko para kay Yuan.

Hanggang sa nakapasok na ulit siya sa school. At simula nang araw na iyon, hindi na pumasok si Peppa sa school.

Nagulat na lang kami noong mag college kami. She came back. Katulad pa rin siya ng dati. Maganda, mabait, makulit at masaya kasama. Kapag kailangan mo talaga ng kasama, siya lagi ang nadiyan.

"Guys! Tawag si Gemary sa office!" sigaw ni Yana.

"Sama ako." sabi ni Peppa.

"Ako rin!" sigaw ko naman.

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now