Kabanata 24

812 63 3
                                    

Tinanggal namin ang takip sa bibig nila. Tinitigan ko si Yuan dahil parang may gusto talaga siyang sabihin pero hindi niya masabi dahil nanghihina siya. Wala siyang lakas para magsalita.

Inalis din namin ang tali sa kamay at paa nila. Hindi nagsasalita si Yana at para itong takot na takot. Si Neil ay sumusuka ng dugo. Fuck. Bakit parang naging normal nalang sa akin ang makakita ng dugo?

"Hindi mahigpit ang pagkakatali sayo..Peppa, kaya madali kong natanggal." rinig kong sabi ni Dino.

"Uh oo. Pinipilit ko kasing tanggalin kanina. Kaya lumuwag." sagot ni Peppa.

Hinawakan ko ang braso ni Yuan nang akma itong tatayo. "No.. you can't." sabi ko. Baka mamatay pa siya kapag naglakad siya.

Hindi ko alam kung paano nila natamo ang ganitong mga sugat.. no, hindi na ito sugat. Mas malala sa sugat. Parang katulad ng natamo ni Rein..

"So, who did this to you all?" tanong ni Vincent. Nakatayo ako sa kalapit ni Yuan dahil natutumba tumba siya.

Napatingin ako kay Yana nang ibubuka na niya ang bibig niya pero bigla itong natigil na tila takot na takot. Na para bang may nanonood sa kanya. Ibang Iba siya sa ugali niya kanina..

"Bakit ayaw nyong sabihin?" tanong ni Dino. Nakayo lang siya at nag-aabang sa isasagot nila. Humarap siya kay Peppa. "E, ikaw? Sa inyong lahat ikaw lang ang may kakayahang magsalita ngayon. Tell us. Who did this to you?"

May tumulong luha sa mata ni Peppa. "A girl.. she's alone." sabi niya. Nang marinig ko ang hikbi niya ay hindi ko alam.. hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

It's not real. Hindi totoo ang iyak niya.

"May hawak siyang martilyo nang makita ko siya tapos dinala niya ako dito.. at nagising na lang ako, nakatali na ako dito." sambit niya.

Kumunot ang noo ko sa sinasabi niya. Imbis na maawa ay parang nagdududa ako sa kanya.

"But.. how did you left a note?" tanong ko. Humarap siya sa akin na may luhaang mata. Wala akong mahanap na awa sa sarili ko. Ang sama ko na bang tao?

Ang pagiyak niya ay napalitan ng pagtawa. Tumayo siya at kinuha ang martilyo sa kanang bahagi ng upuan niya. "Hmm. Anong kasinungalingan pa ba ang gusto mong marinig? Leriah girl."

Napatayo si Vincent sa kinauupuan niya. "Shit.. this is shit."

"I knew it. Ever since that day.. I know something is weird." wika ni Dino. Humarap sa kanya si Peppa at tumawa.

"What's weird? Bakit ganiyan kayo makatingin sa akin? Kasi ba tumatawa ako? Ganito naman ako lagi diba?"

"It's you. The mastermind." sambit ni Dino. Tumawa siya ng mapait. "The mastermind of this fucking game!"

Tumawa na naman si Peppa at pinaglaruan ang martilyo na hawak.

"Hindi ba kayo natuwa sa mga palaro ko?" tanong niya.

Kinuyom ko ang kamao ko. Ni minsan.. hindi ko naisip na si Peppa. Hindi ko man lang naisip na magagawa niya ito. She's the kindest friend. Kindest classmate. How? Anong nangyari? Bakit niya ito nagawa sa amin?

Naalala ko noong nasa bus pa lang kami. Siya ang sumigaw kay Gemary at sinisisi ito. Kung hindi niya iyon ginawa, buhay pa sana si Gemary. At noong nasa room kami kung saan nakita ang sunog na katawan ni Gemary.. umiyak siya. Sabi niya hindi siya, at iyak siya nang iyak. Pero nang magsimula ang laro bloody falls parang naiba agad ang mood niya. Nakita namin ang picture ni Nery, umiyak siya. Pagkatapos niyon, nagiba na naman siya. Tinanong niya ako kung pinagkakatiwalaan ko ba siya. Pinag-ayos niya kami ni Dino.

"Damn you, Peppa! Sa ating lahat na magkakaklase ikaw ang pinaka pinagkatiwalaaan ko! Kasi akala ko ikaw ang hinding hindi makakagawa ng ganito.." wika ni Vincent.

Inis na humarap si Peppa sa kanya. "Why? Bakit ganyan ka makagpagsalita sa akin? Hindi ko naman sinabing magpatayan kayo, diba? Pinatay mo si Kalil dahil utos iyon ni Yana. Kasalanan ko bang mabait pala si Yana?"

"Sa unang laro, hindi ko naman sinabing mag damayan sila diba? Sa pangalawang laro, si Kalil at Lance ang pumatay kay Paolo, hindi ako. Sa pangatlo, Pinoy Henyo.." tumawa siya. "I can't answer that."

Napatingin ako kay Vincent nang tumakbo siya palapit kay Peppa habang hawak ang itak na ibinato niya kay Kalil. Nakuha pala niya iyon. Napatigil siya dahil may inilabas na baril si Peppa galing sa gilid niya. Napatayo ako nang pinaputok niya iyon at natamaan si Vincent sa hita niya. Gusto ko siyang lapitan pero si Yuan ay hindi ko maiwan. Parang kaunti na lang na kilos ni Yuan ay mauubos na ang dugo niya!

Natumba si Vincent at nagsisigaw siya sa sakit. "Fuck!" Nabitawan niya ang hawak na itak. Gumapang siya para abutin ang itak.

"Siguro maraming pumapasok sa utak mo, Vincent. Kasi matalino ka." ngumisi si Peppa. "Kung pasabugin ko kaya ang utak mo?"

Kinasa niya ang baril at akmang ipuputok iyon sa ulo ni Vincent. Hindi lang niya iyon natuloy dahil pinukpok siya ni Dino ng malaking bato. Nagtuluan ang dugo niya at natumba.

"She's not dead.. right?" tanong ni Dino. Hinipo ni Vincent ang pulupulsuhan ni Peppa.

"She's still alive."

Napagdesisyunan namin na itali siya. Gusto pa namin siyang tanungin. Tungkol sa lahat. Gusto naming malaman ang dahilan. Bakit? Bakit kami pa? Paano niya nagawa lahat ng iyon sa amin?

Medyo nakabawi na si Yuan sa lakas niya. "Thank you." sabi niya pagkatapos kong lagyan ng tela ang sugat niya sa ulo. Humarap siya sa katawan ni Peppa na walang malay, nakatali siya.

"I really can't believe it.." wika niya. "Sa ating lahat.. hindi ko inasahan na si Peppa."

Tumango ako. Ganon din ako. "She's the kindest.. pero hindi siguro tunay na Peppa ang nakilala natin." Humarap ako sa duguan at walang malay na katawan ni Peppa. "That's the real her.."

"Sa totoo lang, wala tayong alam na kahit ano sa pagkatao niya." sabi ni Yuan.

That's true.. hindi siya nagsasabi sa amin ng kahit ano. Kapag minsan ay may free time kami lagi kaming tumatambay. At kapag niyayaya namin si Peppa na sa bahay naman nila kami tatambay ay lagi siyang tumatanggi. Kaya hindi na namin siya pinipilit. Ang alam lang namin, may koneksyon siya sa school. Sa school na pinapasukan namin.

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now