Kabanata 25

1K 70 5
                                    

"Why didn't you kill her already?! Kill her! Baka kapag nagising siya, patayin niya tayo!" sigaw ni Yana.

"Then kill her yourself.." mahinang wika ni Dino.

Nakatingin ako sa apoy na ginawa nina Yuan at Vincent. Inabot na kasi kami nanaman ng dilim, dahil sa paglilinis nila sa mga sugat nila.

"Anong nangyari nong naiwan kitang kasama si Peppa?" tanong ko at humarap kay Yuan. Nakatayo siya sa gilid ng apoy at naglalagay ng kahoy doon. Tumigil siya dahil sa tanong ko.

Si Dino ay tumingin din kay Yuan para makinig.

"Nong pagkaalis mo, hinabol ka namin. Hanggang sa hindi ko namalayan bigla na lang siyang nawala.. hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Nakasalubong ko si Rein habang hinahanap ka." Tumigil siya sa pagkukwento at umupo sa lapag.

"Nalaman ko na inatake ka niya.. sabi niya ay pinagsisisihan niya raw iyon." sabi niya at saglit na tumingin sa akin. Tumango ako. "Nalaman ko kung saan ka nagpunta, habang papunta ako doon sa bandang sapa, si Peppa ang sumalubong sa akin. Nakahawak siya sa braso niya na may tumutulong dugo. Nag alala ako.."

"Tinanong ko siya kung sino ang gumawa niyon sa kanya.. pero imbis na sagutin niya ako ay tumakbo siya papunta sa akin at bigla akong pinukpok ng martilyo. Hindi ako nakapalag noon dahil hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Nagkamalay ako nang hinihila niya ako papunta dito sa playground." tumingin siya kila Yana at Neil. "Umiikot ang paningin ko pero nakita ko sina Yana at Neil non."

Bumuntong hininga si Yana. "Yes.. at nagulat talaga ako, kami ni Javier nang makita ka na ganoon.. at si Peppa ang may humihila sayo. Sabi niya sa amin nakita ka na lang daw niya sa gubat na ganiyon na. Hindi ako naniwala kasi may hawak siyang martilyo! At puro dugo iyon na sariwa pa. Inilabas ko agad ang kutsilyo na hawak ko at itinutok iyon sa kanya."

"Unfortunately.." bulong ni Neil. "May baril siya. Hindi pa namin nalalaman na siya ang mastermind nitong game. Akala lang namin ay baka.. may galit siya sa amin. Dahil sa nangyari kay Nery.. Napatunayan lang namin na may kakaiba sa kanya dahil bigla siyang tumawa nang binanggit namin ang tungkol kay Nery."

Tumawa si Peppa nang banggitin nila si Nery.. how could she? Sila ang pinaka close sa amin.. at umiyak siya noong nakita namin ang picture ni Nery sa screen. Ibig sabihin hindi totoo ang lahat ng iyon? Lahat ng ipinakita niya sa amin.. hindi totoo. Hindi siya iyon.

Tumayo si Yana para kumuha ng tela na nasa upuan. Mga tela iyon ng mga damit namin na pinag-putol putol.

"Hindi ako nakakilos noong bigla niyang ikasa ang baril.. itinapat niya iyon sa ulo ni Yuan. Wala naman akong pake kung ano ang gawin niya kay Yuan," sambit niya at pinunasan ang mga dugo sa katawan. "Ang akin lang.. gusto ko malaman kung sino ba talaga siya.."

"Tumakbo ako nang mabilis papunta kay Peppa, nakipag agawan ako ng baril sa kanya. Pero I never thought.. na ang lakas niya.. tinulungan ako ni Javier na kuhanin sa kanya iyong baril pero pinagpupukpok niya si Javier sa ulo."

Tumingin ako kay Neil. Kaya pala mas grabe ang dugo niya sa katawan kanina..

"Kung nakita nyo lang siya dito that time.. parang ibang iba siya. Parang ibang tao ang kaharap namin." wika ni Neil. Tumango si Yana.

Tinignan ko ang katawan ni Peppa na nakatali at walang malay. Siya pa rin naman.. walang nagbago sa itsura niya.. pero nag iba siya. Hindi ang itsura kundi ang pagkatao.

"Ako na lang ang naiwan non, hindi ako takot sa kamatayan pero sa kanya.. natakot ako." sabi ni Yana. "Tawa siya nang tawa sa reaksyon ko. Ang huli ko lang naalala ay ang paglapit niya sa akin.. at nagising na lang ako, nakatali na kaming tatlo, may takip sa bibig, at duguan."

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now