"Game clear! Congratulations 10 players!"
Napatulala kaming lahat dahil sa nasa harapan. Ang katawan ni Jamilla na walang buhay.. naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Narinig ko ang hikbi ni Yana na naging hagulgol na.
"She's my best friend.. why?" tumingin siya kay Neil at pinagsasampal ito. "May baby siya.. pinatay mo siya at ang baby niya.. napakasama mo.."
Nabitawan ni Neil ang kutsilyo na hawak at napasabunot na lang sa buhok niya. "What else can I do!? Muntik na tayong mamatay lahat dahil sa kaniya!"
"Pwede namang hiwain ko na lang ulit ang kaliwang kamay ko! Gagawin ko na eh.. pero pinatay mo siya.. pwede naman tayong maligtas ng walang namamatay!" sigaw ni Yana. Patuloy siya sa pag hampas kay Neil habang umiiyak. "Alam kong gusto na niyang mamatay.. dahil wala na si Paolo.."
Nakita kong napaiwas ng tingin si Kalil dahil doon. "Pero gagawin ko ang lahat para mabuhay siya.. para sa anak niya.. Bago magsimula itong laro na ito, sabi ko sa sarili ko.. handa na akong mamatay basta mabuhay lang siya.. Wala naman ng pamilya na naghihintay sa akin kahit mabuhay pa ako.. pero si Jamilla.. may anak siya.. may future pa siya.."
Hindi ko napigilang mapaiyak dahil sa sinabi niya. Parehas kami na walang naghihintay kahit mabuhay pa kami. Ang pinagkaiba lang ay nakatira siya sa bahay nina Jamilla. Pinatuloy siya ni Jamilla doon nang mamatay ang kaniyang magulang.
"Please proceed.."
Biglang nagkaroon ng ilaw ang mga bato sa gilid. Straight iyon at sa dulo ay may arrow. Wala pa ring kumikilos sa amin. Narinig ko ang buntong hininga ni Dino. Siya ang unang tumayo at naglakad patungo sa mga batong may ilaw. Sumunod sa kaniya si Kalil at Rein na nakatungo lang. Naramdaman kong gusto na rin ni Peppa na umalis doon kaya nagpahila na lang ako sa kaniya. Naiwan si Yana na nakayapos sa sa walang buhay na katawan ni Jamilla. Gusto kong lumapit sa kaniya at sabihin na 'okay lang yan, malalagpasan mo rin yan' pero alam kong mahirap iyon.
Nagpahila na lang ako kay Peppa hanggang marating namin ang dulo ng bato na may ilaw. May arrow sa dulo na nakaturo sa harapan. Sa harapan namin ay isang playground. Walang kama o kahit anong higaan. As in playground lang siya.
"What the hell? Are we going to play again?!" sigaw ni Kalil.
Pumunta kami sa playground na iyon. Walang screen ngayon. Tanging mga palaruang pangbata lang ang nadito.
Umupo ako sa isang swing at tumingin sa mga ulap. Kulay itim ito, uulan. Nakita ko ang nagbabadyang ulan, nang pumatak ang mga ulan kasabay niyon ang pag-patak ng aking mga luha. Tahimik akong umiyak habang umuulan. Wala pang nagsasalita sa amin parang lahat ay dinadama ang mga patak ng ulan.
"Tingin nyo ba may makaka-ligtas sa atin?" biglang tanong ni Vincent. "Tingin nyo pagtapos ng laro na ito, buhay pa rin tayo?"
"Maybe.." wika ni Dino. Tumawa siya ng mahina. "..maybe not." Niyapos niya ang sarili niya.
Nakaramdam ako ng lamig kaya niyakap ko rin ang sarili ko. "I feel like a murderer.." banggit ko.
"I just.. can't do anything. Whenever I remember our friends dying or getting killed and me still alive.. I feel like I'm not worth of being alive.. they deserve it more.." pagpapatuloy ko sa aking sinasabi. Hinawakan ni Peppa ang kamay ko at pinisil iyon. She smiled but it didn't reach her eyes.
"We're all the same.. but is it our fault? We're all a victim here and we just.. want to survive.. because someone is waiting for us too." She said.
Pero kahit ganoon feeling ko hindi ko pa rin deserve mabuhay, parang mas deserve nila. Baka nga tama iyong sinabi ni Jamilla dati na kasalanan ko kung bakit nangyayari ito sa amin.. kasi malas ako. Kung hindi kaya ako sumama sa class trip namin mangyayari pa rin 'to?
"Alam nyo ba? Hindi ako pinayagan ng magulang ko na sumama sa class trip natin.." tumawa si Bobby pero alam mong peke iyon. "Pero hindi ako nakinig sa kanila at sumama pa rin.. at ngayon eto!"
"My parents doesn't really care about me.. they just care about my grades. I hate them but I would choose to be with them than to play this game." Vincent said with a low voice.
Tumawa si Yuan. "Bakit ganyan kayo magsalita? Para kayong namamaalam.." sinuntok siya ni Bobby sa braso pero pabiro lang.
"Fuck you pre. Panira ka ng moment."
Habang dinadama ang patak ng ulam, bigla akong may naalala. I was on senior high that time, grade 11. It was raining hard and I can't go home because of the rain. I called my parents to get me but they said it was raining so hard, madulas daw ang daan at makisabay na lang daw muna ako sa iba kong kaklase. But I don't want to. Kahit may mga kaklase pa ako dito na sinusundo ay sinabi ko pa rin na wala na akong kaklase doon at ako na lang ang naiwan sa school. Kaya nagpunta pa rin sila kahit maulan. Dumating sila sa harap ng school namin kung saan ako naghihintay. Habang pauwi kami ay pinagalitan nila ako dahil nakita nila na may iba pang estudyante sa school at nagsisinungaling lang ako.
Tapos bigla na lang may malaking truck na may dala dalang malalaking kahoy sa harapan namin. Tila nawalan iyon ng preno, dahil sa laki ng truck ay hindi iyon naiwasan. Ang mga kahoy na dala-dala ng truck ay tumusok sa salamin ng kotse namin at pumasok iyon sa loob. Kahit nanlalabo na ang mata ko ay nakita ko pa rin na tumusok ang ilang kahoy sa mga magulang ko. Bago ako mawalan ng malay ay may nakita akong babae na tila kasing edad ko, umiiyak siya at nakatingin lamang sa harapan niya. May sirang payong doon at puro dugo. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nawalan na ako ng malay.
Bumuntong hininga ako dahil sa naalala. I know.. it's my fault that my parents died..
YOU ARE READING
DO YOU WANT TO PLAY A GAME?
Mystery / Thriller[COMPLETED] "To kill... or to be killed?" College student Leriah Cervantes believes she already understands the true purpose of life. But that changed when they were forced to play a game where they had to risk their lives due to an unexpected trag...