Kabanata 12

936 66 1
                                    

"Congratulations! Eleven winners please follow the arrows." May arrow na umilaw sa kada puno, sinundan namin iyon. Narito ako sa likod nilang lahat.. no one dares to talk to me. Binalingan ko ng tingin ang pinaglaruan namin kanina. Naroon pa rin ang katawan ni Lance at Nery.. I still can't believe it. Si Nery. He's like a brother to me! But now.. I promise, I'll avenge your death. Not only him but all our friends who died. I will give justice to their death.

Nag-simula na ulit akong mag-lakad, nakasunod lang ako sa kanila. Like an outsider. Napapansin ko minsan na tumitingin sa akin sina Peppa pero iiwas din agad. Hindi ko naman sila masisisi.. kung ako ang nasa kalagayan nila ganiyon din ang gagawin ko.. pero nakalimutan ba nila na kaibigan nila ako?

"Welcome! Please enjoy your stay and wait for the next game. Come in!"

Napansin ko na tumigil na sila sa pag-lalakad. Na saan kami? Hindi ko makita ang tinititigan nila dahil nasa likod ako, pero ramdam ko ang pagkamangha sa kanilang lahat.

"Wow..." rinig kong bulong ni Yana.

"This is.. like a paradise." si Jamilla naman. Ano kaya iyon? Nang magsimula na ulit silang mag-lakad ay sumunod ulit ako sa kanila. Napatigil ako nang makita na ang aming napuntahan. What the... All I can say is WOW. It's like a beach house but.. it's way more elegant and peaceful. Nasa gitna kami ng gubat? May falls dito at as in napakalinaw ng tubig.

Wait.. kung nasa gitna kami ng gubat.. there's a chance na pwede kaming makatakas! Tumakbo ako palapit sa kanilang lahat. Hindi ako nag-salita at sumunod na sa kanila papasok sa isang magarbong bahay. Modern house huh.. mayaman siguro ang mastermind nitong game. Si... Dino kaya? Hindi.. hindi.. as far as I remember mahirap lang si Dino at wala na akong ibang alam tungkol sa kaniya.. hinihintay ko lang naman siyang magsabi sa akin.

"Ang ganda.." sabi ni Vincent. "It must be nice kung kumpleto pa tayong lahat."

They all looked at me. Napatungo ako. Tingin ba talaga nila ako ang mastermind!? Even Peppa and Bobby.. how can they not trust me!?

"Really.. I'm not the mastermind. Believe me!" I said. Pero binalewala lang nila ang sinabi ko. I looked around, madaming kwarto.. eleven rooms, meron ding kusina. Pumunta ako sa pinakadulong kwarto at pumasok na doon. May cabinet sa loob at napakaraming damit. May cr din dito sa loob ng kwarto.. pumasok ako doon at tinitigan ang sarili sa salamin. Puro dugo ang damit ko. Kay.. Nery itong dugo. Naligo na ako, tinanggal ko lahat ng dugo sa katawan. Nagsuot ako ng t-shirt at pantalon.

Bumalik ako sa kama at nag-hanap ng iba pang gamit doon. Damit, suklay, tsinelas, flashlight, electric fan.. Sinilip ko ang ilalim ng kama dahil kanina ko pa naaamoy na parang may mabaho doon. Nanlaki ang mata ko.  The fuck.. may mga dugo doon. Hindi na ako natatakot sa itsura ng dugo kaya't dali-dali kong inusog ang kama at ni-lock muna ang pinto. Nang humarap ako doon sa may dugo ay muntik na akong mapasigaw. May kamay doon na nakaipit! At apat lang ang daliri.. tila sunog iyon dahil nangingitim. Nakaipit iyon sa lapag, pinagmasdan ko iyon at napagtantong may pintong maliit doon! Dahan dahan akong lumapit at binuksan iyon. Napakapit ako sa ilong dahil sa baho niyon. Babae... pinagmasdan kong mabuti iyong mukha dahil familiar siya.. si.. si G-gemary!? Sunog na sunog ang mukha at napansin ko rin na putol ang isa niyang kamay!

Tumakbo ako sa banyo at nagsuka doon. Sana lang ay hindi nila amoy dahil kung maamoy nila ito ay sigurado mas lalo nila akong paghihinalaan! Bumalik ako doon habang nakatakip pa rin sa ilong. Nanginginig na hinawakan ko ang pulso niya, she's dead. At sa amoy niya parang ilang araw na siyang patay. Pero ang nakakapagtaka paano siya naka-punta dito!? Sinilip ko iyong ilalim kung saan siya nakatungtong. There's like a hole.. secret hideout? May liwanag doon.. could it be.. may daan palabas diyan?! Ibinagsak ko ang katawan ni Gemary sa ilalim. Tinitigan ko ang kamay ko, puro dugo na ito.

"Leriah?" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa tawag sa akin. Boses ni Yuan iyon. Dali dali kong inusog ang kama ko para takpan ang butas na kinaroroonan ni Gemary, tumakbo ako sa banyo at naghugas ng kamay. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Okay. Bumalik ako sa kama at huminga ng malalim. Akmang bubuksan ko na ang pintuan nang mapansin na may dugo ang bedsheet ng kama! Fuck. Nanghalungkat ako ng damit at tinakpan iyong parte ng kama na may dugo.

Dahan-dahan kong pinagbuksan si Yuan ng pinto.

"H-hey.."

Tumingin siya sa kabuuan ng kwarto ko. Tumatagaktak ang pawis ko dahil sa kaba. Nakahinga ng maluwag nang humarap na siya sa akin.

"Kakain na raw." he said. I nodded.

"Okay.. susunod na lang ako."

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "I trust you." then he smiled.

Gusto kong maiyak sa sinabi niya pero pinigilan ko dahil ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako iiyak.. kahit kailan.

"Thank you."

Sumunod na ako sa kaniya matapos iyon. Nakarating kami sa dining room. May lamesa doon na mahaba at may eleven din na upuan. Sa lamesa ay napakaraming pagkain. Sea foods, may karne, prutas, gulay, at mga inumin. May wine pa yata doon. Why would the mastermind of this game waste such money for us..

Umupo ako sa pinakadulong upuan. Yuan sat beside me. I smiled at him. At least there is someone who's trusting me.. that's enough for me. Umupo na rin silang lahat, walang nagsasalita.

"Uh.." panimula ni Yuan. Lahat ay tumingin sa kaniya. "Let's hear Leriah out."

My eyes widened. Bumaling sa akin ang mga mata nila. Nanunuyo ang lalamunan ko - walang lumalabas na salita.

"Magkakaibigan tayong lahat.. at imposibleng isa sa atin ang mastermind nitong game." si Yuan. Damn. I'm really thankful for Yuan.

"Pwedeng plano ito ng mastermind na sisihin ang isa't isa. In the first place the mastermind won't play this shitty game, it will be just a waste of her or his time." 

"Well.. that's right. You have a point." wika ni Vincent. Kumuha siya ng crabs. "But.. if you're the mastermind.. what will you do? What will be your plan?"

"Act like a weakling." ani Jamilla, sabay harap kay Rein. Umiwas ng tingin si Rein at nanginginig ang kamay na kumuha ng wine at ininom iyon. Shes acting strange.

"Akala ko.. everyone agreed that.." sambit ni Kalil at humarap sa akin. "Leriah is the mastermind?"

"Who say everyone agreed, asshole?" Peppa asked with a cold voice. Gusto kong maiyak dahil doon. So.. everyone trust me?

"T-thank you.." tumungo ako. "For trusting me."

Bobby smiled. "Ikaw pa ba!"

"Act like a weakling huh?" biglang sambit ni Neil habang natatawa. Lahat ay tumingin sa kaniya. He raised his eyebrow. "What?"

"Leriah.." wika ni Dino. She's not smiling, she don't look sad either. "Sorry."

I only smiled at her. I still remember how she lied to me.. and act like I was the one who lied. Kumain kami na tila normal lang at walang nangyaring kung ano. Nang matapos kumain ay tumayo na kami at naglakad papunta sa sala, pero natigil kaming lahat dahil sa tanong ni Yana.

"Bakit ka may dugo sa sapatos, Leriah?"

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now