"My.. favorite fruit is Adamson.. anong pangalan.. ng first love mo?"
Nanlaki ang mata ko. Tumigil na naman sa akin ang kanta. Hindi na ako nagisip pa. Para matapos na ito.
"Y."
Umiling si Vincent. "You sure?"
Tumango ako. "A." ipinasa ko iyon kay Yana.
"B.."
"C.. D.. E.."
"F..G...H..I..J..K"
"L,M,N,O,P,"
"Q..R..S..T..U..V..W.."
Oh my freaking shit. I just.. did this to myself.
"X.." wika ni Bobby. Nakatingin sa akin.
"Y.." mahina ang pagkanta ni Yuan niyon at ipinasa sa akin ang kamay niya.
I am out because of myself. God.
"Good luck." sabi ko sa kanilang lahat at tumayo. Lumapit ako kila Peppa at Dino. This is so embarrassing.
Natatawang umiling si Peppa. "I think we're really meant to lose."
Pinanood namin sina Yuan maglaro. Tumigil ang kanta kay Bobby. "P.." wika niya.
Natatawang umiling si Vincent. "Really?"
Nagsimula silang kumanta ng ABC at nang makarating sa 'P' ay tumigil iyon kay Bobby. Napasapo na lang si Peppa sa kanyang noo. Lumapit sa amin si Bobby.
"What the fuck. This is embarrassing." sambit niya. Hinawakan ko siya sa braso.
"I know how you feel."
Pinagpatuloy nila ang laro. Tatlo na lang sila. Vincent - Yuan - Yana
This time, kay Yana tumigil ang kanta. Lumungkot ang mukha niya at umiwas ng tingin. "J.."
Nang matapos ang kanta ay tumigil iyon kay Vincent. Ibig sabihin ay out na siya. Dismayado siyang tumayo at lumapit sa amin.
Si Yuan at Yana na lang ang natitira. Tumayo sila at naghawak ng kamay. Isa sa kanila ang mananalo at magtatanong sa amin kung truth or dare. Pero think about it, isa sa kanila ang magiisip ng ipapagawa sa amin.. at hindi nila hahayaan na may mamatay sa amin.
Nagsimulang kumanta si Yana.
"My.."
".. favorite fruit is Adamson.."
"..anong pangalan ng.."
". first..."
"..love...."
"...mo?"
Nang matapos ang kanta nila ay si Yana ang magsasabi kung ano ang letter. Ngumisi siya. "B.."
Pagkasabi niya noon ay ang pagsabay ng malakas na kulog. Doon ko rin napansin na papadilim na. Si Yana ang nanalo.
Napatingin kaming lahat sa itaas nang umilaw doon. Walang screen doon, ilaw lang na parang nakalutang. May lumabas na picture ni Yana doon.
Winner
Alyana CruzSa baba niyon ay picture naming mga natalo.
Loser
Rein Asoeta
Kalil Rectsa
Peppaline Valdez
Neil Javier
Dinola Hermies
Leriah Cervantes
Bobby Fernandez
Vincent Fredo
Yuan Santos"Now that we finally know who is the winner.. Alyana Cruz. Start your game.. the last game."
Last game!? Napayakap sa akin si Peppa. "This is it..Leriah girl. Our last game."
"I will miss you guys.." bulong niya. Ginantihan ko na lang ang yakap niya. Lumapit kaming lahat kay Yana. Nakaupo na siya ngayon sa isang swing.
"Yana! Let's end this shitty game!" Sigaw ni Bobby.
Walang reaksyon si Yana kaya natigilan si Bobby. "Hey.."
Humarap ang walang emosyon na mukha ni Yana kay Bobby. Pati kami ay natigilan na rin. What the hell is wrong with her.
Ngumiti siya pero peke iyon. "Truth or Dare? Bobby." nakakakilabot ang boses niya.
Kumunot ang noo ni Bobby pero tumango siya kahit naguguluhan sa inaasta ni Yana. "Truth.." sambit niya.
Walang sinabi na time limit iyong nagsasalita kanina. Ibig sabihin kahit abutin kami ng umaga ay pwede.
Tumango si Yana. Napatingala kami sa ilaw sa itaas nang tumunog iyon. Yung picture ni Bobby ay may nakasulat na 'truth' sa gilid.
"Say.. ikaw ba ang nagtago ng pintura kanina?" tanong ni Yana na nagpabigla sa amin. Natanggal ang hawak ni Peppa sa akin at nakita kong medyo nakakuyom ang kamao niya.
"Huh? What are you talking about?" tanong ni Bobby. Pinagpapawisan na siya.
Tumaas ang kilay ni Yana. "What? Ang sabi mo truth, kaya tinatanong lang kita. Anong masama doon? Sasagutin mo lang ang tanong ko, tapos ka na."
"That's right, Bobby. Sagutin mo na lang siya para matapos na." wika ni Dino.
"N-no. Hindi ko yun magagawa." nakaiwas ang tingin na sabi ni Bobby. Bakit siya nauutal? Fuck.
"Bakit may kulay pula ka pa rin sa kamay?" tanong ni Yana. Lahat kami ay napatingin sa kamay ni Bobby. May kulay pula nga doon.
"D-dugo ni Jamilla ito.. natalsikan ako kanina."
"Really?" bahagyang tumawa si Yana. "Kung dugo yan edi sana kanina pa yan tanggal. Umulan, diba?"
Hindi nakapagsalita si Bobby. Tumingin siya kay Peppa na nakatingin lang din sa kanya. Kinuwelyuhan siya ni Neil.
"Tang ina Bobby! Ano? Ikaw ba?! Bakit?"
Hindi sumagot si Bobby. Nakatulala lang siya.
What... Bakit? Bakit niya ginawa iyon? Kaya ba noong nalaman namin na nawawala ang mga pintura wala siya? Tapos.. bigla na lang siyang dumating at pawis na pawis.
"Bobby, ikaw ba ang nagtago ng pintura?" tanong ni Yuan. Napapikit siya at may inaalala. "Pero diba kasama ka nina Leriah that time? Nagpaalam ka sa amin na may sasabihin ka lang sa kanila.."
"No. " sambit ni Dino. "Lumapit lang siya sa amin noong nawawala na ang dalawang pintura."
Magsasalita pa sana si Yuan pero naunahan siya ni Bobby. "Pass."
Pagkasabi na pagkasabi niya noon ay may biglang umilaw sa padulasan. Doon namin nakita ang ibat ibang uri ng kutsilyo. Lumapit doon si Bobby at mabilisang hiniwa ang isa niyang daliri. Hiniwa niya iyon nang hiniwa hanggang maputol iyon. Nagsisigaw siya sa sakit.
Nalipat ang tingin ko sa itaas at napansin na nawala na ang 'truth' sa gilid ng picture ni Bobby. Pero nasa loser pa rin siya.
"So.. it is really you." natawa si Yana. "Hoy Kalil. Truth or Dare?"
Napalunok si Kalil. Nagisip siya saglit at sumagot. "Dare."
"Okay." ngumisi si Yana dahil doon, tila ba nagustuhan niya ang sagot ni Kalil. "Dahil ikaw naman ang pumatay kay Paolo.. I dare you.. to," humarap siya kay Bobby. "..kill Bobby."
Napa-upo si Peppa dahil sa sinabi ni Yana. Humarap siya kay Yana. "Yana, are you joking? Please this is not a good joke.."
Lumakad si Yana palapit sa amin ni Peppa. "I am freaking serious. Tang ina. Namatay si Jamilla dahil kay Bobby! Dapat mamatay na lang din siya!"
YOU ARE READING
DO YOU WANT TO PLAY A GAME?
Mystery / Thriller[COMPLETED] "To kill... or to be killed?" College student Leriah Cervantes believes she already understands the true purpose of life. But that changed when they were forced to play a game where they had to risk their lives due to an unexpected trag...