"This time.. you will play, bato-bato pick."
"Madali lang!" sigaw ni Jamilla. Biglang tumawa iyong boses sa screen.
"Do you really think so?" Katahimikan ang bumalot sa amin matapos niyon. "That thing you put on your heart part..."
Tumingin ako doon sa parang timer na nakadikit sa parteng malapit sa puso ko. May nakasulat pa rin na number three doon.
"Look at the number three.. that's your lives." Kinilabutan ako doon sa sinabi. What does it mean? Our lives? "So..now. Should I explain the mechanics already?"
"Yes.. please." sagot naming lahat.
"Siguro naman alam ninyo ang larong bato-bato pick. Ang bato ay talo sa papel, ang papel ay talo sa gunting, ang gunting ay talo sa bato.. right?"
"Damn it! Bilisan mo mag-explain!" sigaw ni James.
"Huwag kang maingay James!" sigaw naman ni Francis sa kaniya.
"Pipili ka ng kalaban mo at maglalaban kayo. There's no rules in here.. you can kill whoever you want.. just in case."
"We won't kill each other!" sigaw ni Serra.
"Really?"
"Wait.. so paano kami mananalo?" tanong ni Vincent. Tumingin ako kay Dino, ang seryoso ng mukha niya.
"That number three on your heart part - you need to make it five." sagot ng boses sa screen. Kumunot ang noo ko.
"Paano kung maging zero?" hindi ko na napigilan mag tanong.
"What do you think?"
"Will it.. explode?" tanong ni Peppa.
"Yes! It's interesting right?"
Nanlaki ang mata ko. Tumingin ako doon sa nakadikit sa parteng malapit sa puso ko.. we need to make it five or else we will die. Nakita kong napa-upo ang ilan sa kaklase ko. It's just a simple game before but now.. it's a matter of life and death.
Biglang may lumabas na lamesa sa harapan, puno na naman ng armas!
"What the hell.." rinig kong bulong ni Yuan.
"But.. you can make a big comeback. Kapag pinatay mo ang kalaban mo ay sayo mapupunta ang buhay niya.. so feel free to use any of these.." napatingin ako doon sa lamesang punong-puno ng armas. No.. we won't kill each other.. not again.
"Let's start?"
"Wait!" nagulat ako nang sumigaw si Andrew. Ngayon lang siya sumigaw ng ganito!
"Oh.. yes?"
"You know.. every game has a prize.. so what's our prize if we win this game?"
"You will found out after you win this game. " Naramdaman kong hinawakan ni Dino ang kamay ko. Humarap ako sa kaniya, she looks calm.. "So let the game begin."
Nawala na ang boses sa screen, napalitan na iyon ng tunog ng timer. We only have one hour to this game.. this freaking game.
"Leriah." tawag sa akin ni Dino.
"Hm?"
"Shall we play?"
My eyes widened. Kung siya ang kalaban ko ibig sabihin, isa sa amin ang matatalo! Tumingin ako sa paligid. Mayroon nang nag-lalaro! Lumapit ako doon, hinila ko si Dino palapit doon. Si Peppa at Jamilla ang naglalaro!
"Peppa!" sigaw ko.
"Hey Leriah girl!"
"What are you doing?!"
Humarap sa akin si Peppa at tinaasan ako ng kilay. "Playing?"
What the hell. Why is she so calm!?
"Let's start." wika ni Jamilla. Pinapalibutan na namin sila. Lahat ay tutok sa susunod na mangyayari.
"Bato-bato pick!" parang slow motion lahat para sa akin.. pumikit ako at nag-dasal. Oh my God. Sana si Peppa ang nanalo! Namulat ako nang marinig ang sigaw ni Peppa.
"Yes! I won!" ngiting ngiti si Peppa! Papel siya at bato naman ang kay Jamilla.
Nanlaki ang mata ko. Four na iyung nakalagay sa kaniya! I faced Dino and smiled.
"Don't celebrate, it's too early. I can win against you. I have 40% chance of winning, y'know." sabi ni Jamilla. I swallowed hard! Oh my God! The two bitch is on!
"Woah, I'm scared Jam!" nagkunwaring natatakot si Peppa. Bruha talaga!
"Bato-bato pick!"
Shit! Papel ulit si Peppa, si Jamilla naman ay gunting.
"I have 60% of winning now, Peppa!"
Parehas na ulit three ang number nila.
"This game is all about luck." bulong ni Nery sa likod namin. Humarap ako sa kaniya. That's true. It's all about luck. Kahit noong bata pa lang kami, kapag nag-lalaro ng bato-bato pick, swerte lang ang kailangan.
"No. It's not all about luck." nagulantang ako nang marinig si Vincent sa likod. Bigla-biglang sumusulpot!
"Why so?" tanong ko.
"It's psychology thinking." sagot ni Vincent. "Ang unang ginamit ni Peppa ay papel at si Jamilla ay bato, nanalo si Peppa, right?"
I nodded. Sumasakit ang ulo ko dito kay Vincent!
"Psychology thinking.. kapag nanalo ang isang tao, ang nasa isip niya ay mananalo ulit siya. That's what Peppa's thinking, so she decided to use paper again.. kasi naisip niya na baka swertehin ulit siya sa papel."
Tumango ako kahit hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi niya. "Then?"
"Naisip ni Jamilla na ganiyon ang gagawin ni Peppa kaya nag-gunting siya."
"Huh? Paano naman niya nalaman?"
Hindi sumagot si Vincent at itinuro lang ang ulo. Hindi ko talaga maiintindihan ang matatalino!
"Bato-bato pick!"
Tumingin agad ako kila Peppa at Jamilla nang marinig iyon. Nanlaki ang mata ko. Bato si Peppa at papel si Jamilla, ibig sabihin nanalo si Jamilla. So.. 2 si Peppa at 4 si Jamilla. Hindi maganda ito.
"Sinuwerte ka lang!" sigaw ni Peppa kay Jamilla pero tinawanan lang siya nito.
"It's not all about luck.. use your brain, Peppa." nakangising sabi ni Jamilla. Hindi maipinta ang mukha ni Peppa.
Kinilabutan ako nang tumawa si Vincent. "I knew it! I didn't know Jamilla would be this intelligent!"
"What do you mean?"
"Alam niya kung ano ang ititira ni Peppa. Listen carefully, kanina si Jamilla ang nanalo dahil nag-gunting siya, so ang nasa isip ni Peppa, gunting ulit ang gagamitin ni Jamilla kaya nag-bato siya, pero ang hindi alam ni Peppa.. plano iyong lahat ni Jamilla."
"Huh?"
"Plinano ni Jamilla na paisipin si Peppa na gunting ulit ang ititira niya, para sa susunod na laro mananalo ulit siya. Do you get it?" tanong niya. "Maybe not."
Tumingin ako sa timer sa harapan. WHAT!? 45:47! Kailangan ko na rin mag-laro or else mamamatay ako! Luminga-linga ako para hanapin si Dino, nasan naba siya? Kalapit ko lang siya kanina ah. Tumingin ako kay Peppa na mukhang kinakabahan na.
"Peppa.."
She faced me and tried to smile. "Yes?"
"Hanapin ko lang si Dino.. uh.."
"It's okay. I can take care of myself."
I nodded and start searching for Dino.
YOU ARE READING
DO YOU WANT TO PLAY A GAME?
Mystery / Thriller[COMPLETED] "To kill... or to be killed?" College student Leriah Cervantes believes she already understands the true purpose of life. But that changed when they were forced to play a game where they had to risk their lives due to an unexpected trag...