Kabanata 4

1.3K 88 6
                                    

Nang matapos kaming kumain ay kanya-kanya na kaming pumunta sa kutson na nasa lapag. Kalapit ko sina Dino, Yuan, Peppa, Bobby, at Nery. Tumingin ako sa damit ko, may mga bakas doon ng dugo. Humiga ako sa kutson at pumikit. Sana panaginip lang lahat ng ito.

"Tingin ninyo.. kailan kaya ang next game?" rinig kong tanong ni Peppa. Nakapikit pa rin ako.

"Siguro bukas?" sagot naman ni Nery. Biglang tumawa si Bobby.

"Hindi nga natin alam kung anong oras na ngayon. Wala man lang bintana dito! Puro puti lang ang makikita mo!"

Dahil doon ay minulat ko ang mata ko at tumingin sa kisame. Kulay puti lang iyon tapos ay mga ilaw. Tumayo ako sa pag-kakahiga at pinag-masdan ang ibang kaklase na gaya namin ay nakatumpok. Si Levi, Kalil, Yana, Vincent, Jamilla, Serra, at Sofie ay nasa isang gilid, pare-parehas tulala. Sa kabilang gilid naman ay sina Lance, Jamilla, Jamille, Rein, Franziz, at Francis. Sa kabila nila ay sina James, Andrew, Neil, at Paolo. Pare-parehas tulala at may mga bakas ng dugo sa damit.

"Leriah, huwag kang lalayo sa akin huh?" sabi sa akin ni Dino tapos ay hinawakan ang kamay ko. I smiled at her.

"Ehem. Baka mag-selos si Yuan niyan." bulong ni Peppa. Binatukan naman siya ni Yuan.

"Hindi ba kayo curious kung bakit tayo ang nasali sa larong ito?" tanong ni Dino. Yes, I'm curious. Sa dami ng tao bakit kami pa!?

"Papatayin ko talaga ang mastermind nitong laro na ito!" sigaw ni Nery.

Humarap ako kay Dino nang marinig ko siyang tumawa ng mahina. Kumunot ang noo ko. Humarap siya sa akin, nagtataka.

"Why? Is there something wrong?"

I shooked my head. Baka guni-guni ko lang iyon dahil sa dami ng nangyari. Pinilit kong matulog pagkatapos niyon pero kada pipikit ako, nakikita ko ang mga itsura ng mga kaibigang namatay.. kung paano sila namatay. Umupo ako sa kutson at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto. Tulog na silang lahat at ako nalang ang gising. Napansin ko rin na may screen pala sa harapan, sa kalapit niyon ay may pinto, pero may harang iyon. Sa dami ng iniisip ko, sa huli ay natulog na rin ako. Nagising ako dahil sa ingay. Kinusot ko ang mata ko para makita kung ano ang nangyayari. Nasa gitna silang lahat. May mga pagkain doon! Napakarami! Kailan nagkaroon ng pagkain doon? Diba naubos na namin iyung mga pagkain? Sinong naglagay ng pagkain doon?

"Peppa, bakit may pagkain ulit?" tanong ko. Umiling siya.

"Hindi ko rin alam eh, nagising ako may mga pagkain na ulit diyan."

Lumapit kami parehas doon sa gitna, nandoon na pala sina Yuan, Dino, Bobby, at Nery. Kahit nagtataka ay kumuha pa rin ako ng pagkain. Naubos ko lahat ng kinuha, tumingin ako sa lamesa. Ubos na iyung pagkain.

"Sino kaya nag-lagay ng pagkain?" tanong ni Kalil. Narito kaming lahat sa gitna, naka-pabilog ang upo namin.

"Siguro iyong mastermind nitong game!" sagot ni Serra. Tumango naman ang kalapit niya na si Sofie.

"Pero bakit hindi man lang tayo nagising?" tanong ni Lance. "Nakakapagtaka lang."

Napatingin kaming lahat kay Vincent nang tumayo ito. Lumapit siya doon sa pinaglagyan noong pagkain.

"Look." tinuro niya iyong lamesa. "There's a metal, down there."

Tumingin ako doon sa ibaba ng lamesa, meron nga!

"I think this room.. was all controlled by the mastermind." Tumingin siya sa kisame, sa mga ilaw. "They can see us! They are watching us!"

"Huh? What do you mean?" takang tanong ni Peppa.

Itinuro ni Vincent ang ilaw sa itaas. "That light has a camera. Look carefully."

Pinagmasdan ko iyon at napagtantong hindi lang iyon basta-bastang ilaw. Sa look niyon ay may camera.. pero hindi basta-bastang makikita dahil kulay puti rin iyon.

"Damn it! We need to do something!" sigaw ni Bobby.

"What can we do?" tanong ko. "We can't do anything!" sigaw ko na nagpatahimik sa kanila. Huminga ako ng malalim. Biglang tumayo si Jamilla sa kinauupuan niya at dinuro ako. Naramdaman ko agad na hinawakan ni Dino ang kamay ko.

"You know what?" bigla siyang tumawa. "I really think.. this all happened because of you... kasi malas ka.."

Naramdaman kong tumulo ang luha ko, pinahid ko agad iyon. Malas.

"What the hell, Jamilla!?" sigaw ni Dino sa kaniya. Pero tumawa lang si Jamilla. Walang nagsasalita na kahit sino.

"Bakit? Totoo naman diba? Noon naman kada pumupunta tayo sa class trip wala namang nangyayari na masama! Pero nang sumama siya.. eto! Eto ang nangyari!"

Akmang susugudin ni Dino si Jamilla pero pinigilan ko siya. I gave her a smile. "It's okay."

"What? That's okay!? Really Leriah?"

"That's enough." mahinahong wika ni Yuan. "Let's all just rest–"

Hindi natapos ni Yuan ang sasabihin ng bumukas ang screen sa harapan namin. Oh my God.. Napatayo kaming lahat dahil doon. Biglang may lumabas na manika sa screen.

"Do you want to play a game?" tanong ng boses sa screen.

"The next game will start.. please this way." may lumabas na arrow doon, nakaturo sa pintong may harang. Nagulat ako nang matanggal ang harang doon.

Wala pa ring pumapasok doon sa pinto. "This room will explode in.. ten..nine..."

Dali-dali silang nagtakbuhan at kinuha ang kanilang gamit. Ganiyon din ang ginawa ko. Pagka-kuha ng bag ko ay pumasok na ako doon sa pinto.

"Four.. three.."

"Two.."

"One."

Pagkatapos ng timer ay biglang sumara ang pintuan na pinasukan namin. Napapikit ako nang marinig ang malakas na pag-sabog. Humarap ako at pinag-masdan ang kwartong pinasukan. It's not white this time. It's too colorful! As in parang pang-bata. Sa harapan ay may screen na malaki. Napakalaki! Lumapit sa akin si Dino at hinila ako palapit kina Yuan, Peppa, Bobby, at Nery. Nginitian nila akong lahat.

"Are you all ready? Did you have fun in your previous game, sili-silihan?" Biglang tumawa iyong boses na nanggagaling sa screen. "This second game.. is much more fun."

Walang nag-sasalita sa amin. Lahat ay kinakabahan. Fun. What fun means to them? Does killing fun to them?! Biglang may lumabas na lamesa doon sa harapan. So they can really control this room. Mayroong parang orasan na maliit doon sa lamesa, may nakasulat doon na number three.

"Get one, please."

Kumuha kami niyon. Pinagmasdan ko iyon, parang timer.. number three..

"Ilagay ninyo iyan sa parteng malapit sa puso ninyo." Kahit natatakot ay ginawa namin iyon. Inilagay ko iyong parang timer malapit sa puso ko. Dumikit iyon! Sinubukan kong tanggalin pero aayaw na matanggal!

"Shit! Ayaw matanggal!" sigaw ni Levi.

"This time.. you will play, bato-bato pick."

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now