"Buti naman malapit na mag umaga.." sabi ko habang inaalis ang sanga na nakaharang sa daan namin.
"What do you think happened with Yana and Neil?" tanong ni Vincent. Nakapamulsa siya. "I mean.. sila na lang ang naiwan doon, dahil umalis kayo."
Tumawa ng mahina si Dino. "Siguro, nagpapatayan na sila don."
Hindi ko alam kung paano nasasabi iyan ni Dino na parang wala lang! Kita na ang dinadaanan namin dahil sa papalitaw na araw. Nasa gitna yata kami ng gubat dahil wala kang makikita dito kung hindi puno at mga bato.
"Parang pabalik balik lang tayo.." sambit ko habang pinagmamasdan ang dinadaanan. "Dumaan na tayo dito kanina, diba?" tanong ko at humarap sa kanila.
Tumango si Vincent. "In fact, we're here for a.. five times?"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Alam naman pala niya! Humarap ako kay Dino, tahimik lang siyang nakamasid. Biglang kumunot ang noo niya at naglakad palapit sa akin, sa puno sa lapit ko.
May kinuha siya doon. "This.." pinakita niya sa amin ang kinuha niya, manipis na tela iyon na kung hindi mo tititigan maigi ay hindi mo makikita.
"Sa damit ito ni Rein.." sambit niya. Nanlaki ang mata ko.
"Which means.. dumaan din siya dito." mahinang bulong ko. Tumikhim si Vincent kaya napaharap kami sa kanya.
Itinuro niya ang likuran namin. "And she's really here."
Sabay kaming napaharap ni Dino sa likuran namin. Halos hindi ko siya makilala sa itsura niya ngayon.. puro dugo ang katawan niya, ang buhok niya ay umikli, hindi iyon pantay-pantay. Hingal na hingal siya at tila kagagaling lang sa pagtakbo. Ang hawak na kutsilyo ay may tumutulong dugo.
"Finally.. we met again." sambit niya. Dahan dahan siyang naglalakad patungo sa amin ni Dino. Pinaikot-ikot niya ang hawak na kutsilyo.
Hinawakan ko ang kamay ni Dino. "Gagawin mo talaga ang inutos sayo ni Yana?!" tanong ko. Napatigil siya sa paglalakad at bahagyang tumawa.
Umiling-iling siya habang tumatawa. "Hey.. alam nyo ba kung sino ang nakasalubong ko kanina? Si Peppa."
Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Dino. "Anong ginawa mo sa kanya!?"
"Akala ko siya ang pinaka madaling patayin sa inyong tatlo..pero nagkamali ako. Hindi ko pa pala siya kilala. Hindi nyo pa siya kilala."
"What the hell are you talking about?!" sigaw ni Dino.
Hindi nakapagsalita si Rein dahil bigla siyang napaluhod. May naglabasan na dugo sa bibig niya, umubo-ubo siya pero kada gagawin niya iyon ay lalong lumalabas ang mga dugo. Napatakbo kami ni Dino palapit sa kanya. Pati si Vincent at lumapit na rin.
"Hey! Rein! What happened!?" sigaw ni Dino. Hinawakan ko sa braso si Rein para alalayan. Dahil doon ay nakita ko ang likod niya. Nabitawan ko siya dahil don. Napaharap sa akin si Dino at Vincent. Itinuro ko ang likod ni Rein.
Kung saan may nakasaksak na lagari. Medyo kita na ang laman ni Rein sa likod niya. Sa hawakan ng lagari ay may nakadikit na papel. Kulay puti ang papel pero medyo natatakpan iyon ng dugo. Kinuha ko ang papel. May nakasulat doon.
' Playground. I am here with Yuan.'
-PeppaIyon ang nakasulat. Binigay ko iyon kay Dino. Pinagmasdan ko ang itsura ni Rein. Hindi na siya humihinga. Si Peppa ba ang may gawa nito sa kanya?
Inayos namin ng higa ang walang buhay na katawan ni Rein. Isinandal namin siya sa isang puno.
"This must be kidding us. We all know Peppa.. She can't.. do this, right?" wika ni Vincent. "This must be a trap."
Tumango ako. That's right, this must be a trap. Napatingin ako kay Dino nang magsalita siya.
"Let's go there. We need to know the truth." Inayos niya ang damit niya at dinampot ang kutsilyo na nasa damuhan. Inilagay niya iyon sa gilid ng short niya. Inipit niya rin ang mahaba niyang buhok gamit ang isang kahoy.
Tumayo ako. "Pero..baka trap lang ito ng mastermind..or ni Yana.."
"Sulat ni Peppa iyong nasa papel. Alam ko kung paano siya magsulat." sagot niya.
Lumapit sa amin si Vincent. "Baka pinilit lang siyang sulatin 'yon?" anito.
Tumango ako. Pero pursigido pa rin si Dino na pumunta doon. What's with her?
"No. Kung pinilit siya, dapat gulo-gulo ang sulat niya at hindi mababasa dahil sa kaba. Pero look," tinuro niya iyong sulat sa papel. "Ang ganda ng sulat niya."
Vincent signed. "Yeah.. you have a point. Pero diba kasama si Peppa si Yuan?" tanong niya sabay harap sa akin.
"Oo. Hinanap ko si Dino.. tapos naiwan ko silang dalawa. Kaya alam ko na ligtas si Peppa.."
Tumango si Dino. "Ligtas nga si Peppa kay Yuan.. pero ligtas ba si Yuan kay Peppa?" tanong niya. Kumunot ang noo ko.
"What are you talking about?"
Hindi siya sumagot sa tanong ko at nagsimula nang maglakad. Sumunod na ako sa kanya dahil kahit nalilito ay gusto ko paring malaman ang totoo. Kasama pa rin namin si Vincent. Kahit na tahimik lang siya ay alam kong curious din siya.
Dahil medyo nakakalito ang daan sa gubat ay naligaw kami. Pero sa pangalawa ay nilagyan namin ng tanda ang mga nadadaanan. Natagalan kami bago nakarating sa playground.
Medyo kinakabahan ako, hindi dahil sa pahamak na nakasunod sa buhay ko, kung di dahil sa malalaman naming katotohanan.
Pumunta kami sa gitna ng playground at doon naabutan si Yuan, Peppa, Neil, at Yana na nakaupo sa upuan. May takip ang bibig nila maliban kay Peppa. Nakatali ang kamay at paa nila sa upuan. May sugat sa pisngi si Yuan, daplis ng kutsilyo, ang leeg niya ay puro dugo dahilan kung bakit puro dugo ang suot niya. Si Neil at Yana ay may malaking sugat sa ulo. Parang pinukpok sila ng martilyo.. Si Peppa, halos puro dugo na ang katawan. Naliligo na siya sa dugo. Sa kanang bahagi ng upuan niya ay may martilyo.. at kutsilyo.
"The fuck?!" sigaw ni Vincent at dali-daling lumapit sa kanila. Lalapit na rin sana ako pero parang may gustong sabihin si Yuan sa akin. Umiiling siya.
Bakit? Ayaw niya ba akong palapitin? Is it some kind of trap? Lumingon ako sa paligid pero wala namang ibang tao. Wala ka ring maririnig na kahit anong tunog. Si Dino ay lumapit na rin sa kanila. Lumapit na rin ako dahil hindi ko maatim ang itsura nila. Kailangan naming malaman ang nangyari.
YOU ARE READING
DO YOU WANT TO PLAY A GAME?
Mystery / Thriller[COMPLETED] "To kill... or to be killed?" College student Leriah Cervantes believes she already understands the true purpose of life. But that changed when they were forced to play a game where they had to risk their lives due to an unexpected trag...