Kabanata 21

769 59 4
                                    

Winner
Alyana Cruz
Yuan Santos

Loser
Rein Asoeta - liar
Kalil Rectsa - dare
Peppaline Valdez
Neil Javier - dare
Dinola Hermies
Leriah Cervantes
Bobby Fernandez
Vincent Fredo - dare

"I dare you to.. kill me. Javier."

"You know I can't do that, Alyana.."

Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Yuan. "Tatakas tayo. Baka may daan dito palabas. Makakaligtas tayo." wika niya. Tumango ako at tumingin kina Dino at Peppa. Tumango sila sa akin. Tumakbo kami paalis doon. Pumasok kami sa gubat. Walang makita doon dahil sa dilim.

"Hanapin natin si Bobby." sambit ni Peppa. "I.. he's our friend right?"

Tumango si Yuan. "Yes. We will find him."

"Pero siya ang nag tago ng pintura. Pwedeng kasabwat siya ng mastermind nitong game!" sigaw ni Dino habang tumatakbo kami.

Tumigil si Peppa sa pagtakbo at hinarap si Dino. "Really, Dino? Kaibigan natin siya.. paano mo nagagawang pagbintangan si Bobby?"

Tumawa ng mahina si Dino. "Bakit? Posible naman iyon. Malay mo nga isa pala sa ating apat ang mastermind."

Nanigas sa kinatatayuan si Peppa. "You.. sa ating apat, ikaw ang pinaka-kahina hinala. Kada may laro.. kalmado ka lang na tila ba alam mo ang ginagawa mo.."

"Peppa.. that's enough. We should focus on escapin—" hindi ko natuloy ang sasabihin dahil nagsalita na naman si Peppa.

"Leriah.. alam ko, pinaghinalaan mo rin siya. Noong naglaro tayo ng Pinoy Henyo.. diba, nagsinungaling siya sayo?"

Napalunok ako dahil doon. Kinalimutan ko na iyon dahil ayakong paghinalaan si Dino. Narinig ko ang pagngisi ni Dino kaya napalingon ako sa kanya. "Dino.."

"No one will believe me anyway.. bakit ko pa ipagtatanggol ang sarili ko? Diba, best friend?" humarap siya sa akin.

"I believed you, and I will always believe you.." sabi ko at hahawakan sana ang braso niya pero iniwas niya iyon.

Umiling siya. May kinuha siya sa bulsa niya at kutsilyo iyon. "I can protect myself. So, leave me here." Humarap siya kay Yuan. "Protect her and I will protect myself.."

"But Dino.. sumama ka sa amin. Makakatakas tayo dito!" wika ni Yuan. Tinitigan siya ni Dino. Ngumiti ito, tunay na ngiti. "I love you.. so much, guys."

"Dino!" sigaw ko nang tumakbo siya sa ibang direksyon. Tinanggal ko ang kamay ni Yuan na nakahawak sa akin at sinundan si Dino. She's my best friend.. siya na lang ang meron ako. Noong time na wala akong kasama, siya nagbigay sa akin ng lakas.. Pinilit niya akong mabuhay kahil gustong gusto ko na mamatay.

Dahil sa kanya, buhay ako.

At ngayon ako naman ang sasama sa kanya.

"Dino!" sigaw ko. Dahil madilim ay hindi ko siya makita. "Dino! I will come with you!"

Tumakbo ako nang tumakbo, narinig ko ang tawag sa akin nina Yuan pero hindi ko iyon pinansin. Hindi ko napansin na may ugat pala na mahaba dahilan kung bakit ako nadapa. Hindi ko pinansin ang sakit at tumayo ulit para tumakbo. Natigil lang ako nang makita ko si Rein. May hawak hawak siyang kutsilyo.

"R-rein.."

Humarap siya sa akin. "Sabi nung babae na nagsasalita.. kapag daw nagawa ko ang inuutos ni Yana.. makakauwi ako." tumutulo ang luha niya habang nagsasalita.

"Maliligtas tayo kahit hindi mo gawin yon.. hahanap tayo ng paraan." sambit ko at bahagyang lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya na may hawak na kutsilyo. Aalisin ko sana iyon sa kamay niya pero iniwas niya iyon.

"No.. wala tayong mahahanap na paraan." Umiling siya. "Mamamatay din tayo.." ngumiti siya sa akin.

Gusto kong umatras pero naalala ko si Dino. Kailangan ko siyang mahanap. Hindi ako naniniwala na siya ang mastermind. Hindi. Dahil kaibigan ko siya. Hindi niya ito magagawa sa aming lahat. Palapit nang palapit sa akin si Rein habang hawak hawak ang kutsilyo.

Anong gagawin ko?! Napaka hina ko. Wala man lang akong nagawa.

"Please Leriah.. I want to live.. may naghihintay pa sa akin.. diba, sayo wala naman? Kaya ako na lang.. gusto ko pa mabuhay."

Akma akong tatatbo ngumit nahawakan niya ang buhok ko. Masakit iyon dahil medyo mahigpit ang pagkakahawak niya. May nakita akong bato sa may damuhan. Pinilit ko iyong kuhain. Hindi ko to gustong gawin..pero pinukpok ko siya ng bato. Dahil don ay nabitawan niya ang buhok ko at natumba siya. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tumakbo.

"Dino!"

Natigil ako sa isang puno nang may makita doon. Isang tela. Kaparehas iyon ng damit ni Dino.. ibig sabihin dumaan siya dito. Tumakbo ulit ako, hindi ko na alam kung nasaan ako dahil binabalot na ang gubat ng dilim.

"Fuck!"

Nagulantang ako nang may marinig na sigaw. Si Dino iyon! Pinakinggan ko kung saan iyon nanggagaling. May naririnig din akong agos ng tubig. Nang may makita akong sapa ay doon ako pumunta. Where is she? Tumingin ako sa mabatong dinadaanan. May bakas iyon ng dugo. Sinundan ko iyon at napunta sa mga bato na malalaki.

"Dino!" sigaw ko nang makita ko siya. Nagmadali akong lapitan siya dahil may saksak siya sa braso. "Who.. did this to you?" tanong ko.

Nagulat siya nang makita ako pero umiwas din siya ng tingin. "Why are you here? Sinabi ko bang sundan mo ako?"

Umiling ako. Kinuha ko ang kutsilyo sa kalapit niya at hiniwa ko ang damit ko. Nang marealize niya ang gagawin ko ay agad siyang umiling. "I can take care of myself!" sigaw niya.

"Really? E, namimilipit ka na nga sa sakit!"

Hindi na siya nakasagot pa. Lumuhod ako at dahan dahang tinanggal ang kutsilyo na nakasaksak sa braso niya. Napadaing siya pero hindi niya pinapahalata na nasasaktan siya. Ako pa ang mas nasasaktan para sa kanya. Nang matanggal ko ang kutsilyo ay tumakbo agad ako papunta sa sapa at binasa ang tela na pinutol ko mula sa damit ko. Bumalik ako sa kanya at nilinis ang sugat niya. Walang nagsasalita sa amin hanggang sa matapos ko iyong linisin.

"Salamat." she said.

"Sino gumawa niyan sayo?" tanong ko. Bumuntong hininga siya.

"Si Rein.."

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now