SPECIAL CHAPTER

804 25 11
                                    

Tumayo ako at humarap kay Peppa. Our classmate, nag-transfer siya sa school na pinag-aaralan ko. She's pretty. Mukha siyang anghel. Maputi, maganda ang mata— medyo singkit. Matangos ang ilong at mapula ang labi. She's very natural. Wala man lang nakalagay sa mukha niyang kahit ano.

"Are you okay?" tanong ko nang makalapit sa kaniya.

She only nodded. Kanina pa kasi siya nakatungo at tila may nararamdamang masama.

"Really?"

"Yes... Wala lang 'to."

Tinignan ko siya ng maigi. Is she really okay?

"Ano ka ba, Yuan?! Kinukulit mo na naman yata si Peppa!" rinig kong sigaw ni Nery na nasa kabilang row.

Narinig ko agad ang yapak niya papunta sa amin. Nakasunod sa kaniya si Leriah at Dino.

Mahinang tumawa si Peppa nang makalapit sila. "It's okay. He's just concerned about my condition." Dispensa niya.

"Bakit? May sakit ka, Peppa?" tanong ni Leriah at lumapit kay Peppa upang hipuin ang noo nito. Nanlaki ang mata niya. "Huy! Ang init mo! Dalhin ka namin sa clinic teh!"

Si Dino naman ang lumapit at hinawakan din ang noo ni Peppa. "Luh, uy, malala na 'to. Nananahimik ka, Peppa, may lagnat ka na pala. Tara," humarap siya sa amin. "Clinic."

Peppa smiled softly. "Thank you guys... "

"Huh? Para saan?"

"Wala... Thank you lang."

Dinala namin siya sa clinic. Binantayan namin siya kaya't na-excuse kami sa klase. Sina Nery ay nag-panggap na may sakit din para hindi sila pabalikin sa klase, habang ako naman ang bantay nila kaya't sama-sama kami dito. Maya-maya ay dumating din si Bobby.

"Na-late ako sa klase. Nag first subject pa ako kaya ngayon lang ako naka-dating, hinintay ko pa mag-recess." Sabi niya pagkarating.

May dala siyang pagkain. Isang lugaw at puro junk foods. Inabot niya ang lugaw kay Peppa na naka-upo na sa kama.

"Thank you, Bobby." Si Peppa.

Lumaki ang ngiti ni Bobby at umupo sa tabi nito. "Ihh, walang anuman. Ikaw pa..."

Inabot naman niya ang kung ano-anong pagkain sa amin. Umupo ako sa kamang hinihigaan nina Leriah.

Napuno ng tawanan at k'wentuhan namin ang buong clinic. Mabuti na lang at nasa labas pa ang nurse at bumibili rin ng makakain.

"Mag-kukunwari na lang din kaya akong may sakit? Iniwan niyo ako sa room, e. Para tuloy akong lonely person sa room natin, kasi lahat kayo narito." Suhestiyon ni Bobby habang sinusubo ang siomai na nabili.

Binatukan naman siya ni Dino. "Mahahalata tayo n'yan."

"Kaya iiwanan niyo na lang ako, gano'n?"

"Bahala ka sa buhay mo." Inis na wika ni Dino.

Mahinang tumawa si Peppa na ikinatigil nila.

"I'm sorry, you can continue your conversation... Natawa lang ako." She pressed her lips to stop it from smiling.

"Tawa ka pa, Peps. Sobrang ganda mo lalo kapag nakangiti ka. Bagay sa'yo ang nakangiti." Komento ni Leriah matapos niyang ubusin ang pagkaing binigay ni Bobby sa kaniya.

Tumango ako. "She's right... You're really.. beautiful when you smile." Sabi ko bago nag-iwas ng tingin.

She smiled without showing her teeth. "Thank you.." mahinang wika niya. "Sana lagi tayong ganito.. sama-sama.. 'yung walang iwanan.."

"Ay talaga! Walang iwanan hanggang dulo!" sigaw ni Bobby.

""Wala tayong iwanan, okay?" ani Nery.

Peppa smiled widely.

"Kapag may problema ang isa, lahat tayo tutulong." si Bobby naman.

"Dadamayan natin ang isa't isa." Sabi ko naman habang nakangiti rin.

"Because we're friends!" sigaw ni Peppa.

We all laughed dahil may sakit pa siya pero nakaya niya pa ring sumigaw. Sana lang ay umigi na siya.

"Promise?" si Leriah.

"Promise.." Dino said.

We promised each other na walang iwanan. Na lahat tutulong kung may problema ang isa sa amin, pero imbis na pag-tulong ang gawin, ay mas pinili namin ang pag-tulog.

Dadamayan ang isa't-isa... Dahil mag-kakaibigan kami.



DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now