Kabanata 11

842 66 5
                                    

Who lied?

Nag-karoon na naman ng panibagong timer. At ngayon mas konti ang oras. Shit 5 minutes lang!

4:59 Remaining time
Second round
Category : Thing

So bagay naman ngayon ang nakasulat sa taas ng sumbrelo namin. Pero.. kahit ganoon ay kita ang kaba sa aming lahat. Sinong nag-sabi kay Lance ng mali? Isa lang sa amin iyon. Lumapit na sa pwesto namin sina Jamilla at Yana. Ang naiwan na lang sa isang banda ay sina Rein, Neil, at Kalil.

"Tingin ko si Kalil ang nag-sinungaling kay Lance!" sigaw ni Jamilla. Sumang-ayon naman sa kaniya si Yana.

"We can't be sure." wika ni Vincent. "Nakita ko kanina na kausap ni Lance si Neil."

"Mamaya na 'yang usap na yan! Tumatakbo ang oras! Ano nakalagay sa'kin?" sambit ni Nery.

Sinabi namin sa isa't-isa ang mga nakasulat na bagay sa sumbrelo namin. Ang akin ay lapis. Nang matapos ang oras ay sinigaw na namin ang kanyan-kaniyang bagay. Tila mahihimatay ako nang biglang may tumalsik na dugo sa mukha ko, kasabay ng pag-putok ng baril. Nanginginig na hinarap ko ang nakalupasay na katawan sa tabi ko.

"Nery Victero, out!"

What... Why? Am I dreaming? Napa-upo ako sa nakita. Natulala ako doon. Si.. si Nery.. how? Nanlalabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Oh my God.. Hindi ko na masyadong nakikita ang nangyayari pero naririnig ko ang pag-iyak ni Peppa.

"Nery... you're just joking.. right? This can't be true." rinig kong wika ni Dino, umiiyak na rin siya.

"Sabi mo makaka-survive tayong lahat! Nery!"

Pinahid ko ang luhang kanina pa lumalabas. Akala ko sanay na akong maiwan.. pero ang sakit pa rin pala. Lumapit ako kay Peppa at hinagkan siya. Sa aming lahat.. siya ang alam kong pinaka-nasasaktan. Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak sa balikat ko. Hanggang sa bigla siyang tumayo.

"Sinong.. nag-sinungaling sa kay.. N-nery?" tanong ni Peppa. "Sabi ko sa kaniya kanina aklat ang kaniya! Bakit hindi siya naniwala sa akin.."

"I think it's Yana.." Dino said with a low voice. We all looked at her. "I saw them earlier, they're talking?"

"What!?" sigaw ni Yana. Napaatras siya at tila ba kabang-kaba.

"You look so nervous... It must be true." Peppa said. Akmang susugudin na niya si Yana pero pinigilan ko siya.

"Calm down.. " humarap ako kay Yana. "Anong pinag-usapan ninyo ni.. Nery?"

Bigla may tumulo na luha sa mata niya. "Tinanong ko siya kung ano ang nakasulat sa akin.."

"Diba sinabi na ni Jamilla sayo 'yung sayo?" tanong ni Vincent. Tumungo si Yana.

"It just means she doesn't trust me." sagot ni Jamilla.

"Sorry.. sorry.. hindi naman sa ganoon." umiiyak na sambit niya. Humarap siya sa katawan ni Nery na nakalupasay. "Pero maniwala kayo... sabi ko kay Nery, aklat ang kaniya! Hindi ako nag-sinungaling sa kaniya.."

"Then.. who?" Yuan asked.

Who is it? Ibig sabihin kasama namin ang nag-sisinungaling... wala iyon kina Kalil, Rein, at Neil. It can't be Yuan.. Peppa, Bobby, and Dino.. were friends we can't kill each other. Then it must be Jamilla.. or Vincent. But they can't do that too! Now.. were doubting each other, like what the mastermind of this game want us to. And then, the third round or the last round begin.

9:59 Remaining time
Third round/Last round
Category : Name

We have ten minutes.. Nahagip ng mata ko si Nery, napapikit ako dahil doon. I'll make sure.. to know who is it. Nery doesn't deserve all of this. He has family waiting for him! Ang alam ko pangarap talaga niya mag engineer para magawan niya ng magandang bahay ang magulang niya... but now?

"Leriah.. anong nakasulat sa akin?" Dino asked.

"N-nery.."

Her eyes widened. Napaluha siya dahil doon. I hugged her. I want to tell her it's okay but it's definitely not okay.

"Yung sayo.. Crystal." I nodded. Crystal.

Lumapit ako kay Peppa, nakatulala lang siya habang nakatingin kay Nery. Hindi pa yata niya alam ang sa kaniya.

"Hey.." I said. She looked at me and smiled. Tinignan ko ang sumbrelo niya.

"Gemary.. ang sayo." wika ko.

"Thank you. Gio naman ang sayo."

I nodded. Gio. What? It's Crystal..

"T-thank you.." 

Iniwan ko muna siya at lumapit kay Yuan. "A-anong nakalagay sa'kin?" tanong ko. Tinitigan niya ng seryoso ang sumbrelo ko.

"Gio. Diba tinanong mo na kay Dino?"

Gio? Who's telling the truth? Dino won't lie to me. Shes the most trustworthy person I know. But Yuan and Peppa have the same answer..

"What's wrong?" he asked.

"Gio.. ba talaga 'yung nakalagay sa'kin?"

"Don't you trust me? It's really Gio." takhang wika niya. If it's really Gio.. then Dino is lying..

"It's not like that.. uh... thank you."

Tulala ako nang lumapit kay Dino. I smiled at her but she ignored me.

"Dino.." are you lying? Akmang hahawakan ko ang kamay niya pero inilayo niya iyon.

"What's wrong?"

"Don't talk to me!" sigaw niya na nakaagaw ng atensiyon ng iba. Why is she angry? I'm the one who should be angry!

"Hey.. hey, what's happening?" Yuan asked. Because of that everyone gather here, even Kalil, Rein, and Neil.

"She.. lied to me." Dino said. Nanlaki ang mata ko dahil doon. What?!

"You're the one who lied! Sabi mo si Crystal ang akin, pero tinanong ko kay Peppa at Yuan ang sabi nila si Gio!"

"What?" biglang may tumulong luha sa mata ni Dino. Palipat lipat ang tingin sa amin ng iba. "You're a liar.. ang sabi ko sayo si Gio!"

What the hell... nag-kamali lang ba ako nang pandinig? Pero totoo.. Crystal talaga ang sabi niya kanina. I can't believe it.

"Tinanong kanina kung ano ang akin.. sabi mo Gemary! Pero nung tinanong ko si Vincent at Bobby ang sabi nila Nery!"

"So.. it means Leriah is the mastermind of this game?" takhang tanong ni Vincent. What? Me?

"No.. she can't be!" sigaw ni Dino. My eyes widened. Why is she..

"Why are you protecting her?! She just lied at you!" rinig ko ang pagkairita sa boses ni Jamilla. Biglang humikbi si Dino.

"She's still my best friend..." she said.

Why... I'm the bad here.. Should I feel happy because Dino is still protecting me? I looked at Peppa. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero agad ding iniwas. Nang matapos ang oras ay isinigaw na namin ang pangalan na nakalagay sa sumbrelo. No one died. But in the end it feels like I'm an outsider.

Happy birthday self.

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now