"Nakalimutan ko ulit sabihin... kapag pinatay mo ang sili, ikaw ang magiging sili."
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Humarap ako kay Gio na ngayon ay nakatulala nang nakatingin sa screen sa harapan. Umiling-iling siya.
"Hindi...hindi.." sabi niya habang tumatawa. Naramdaman kong humigpit ang hawak sa akin ni Dino.
"The things we don't expect will happen...today." mahinang sambit ni Dino. Tumingin ako sa screen sa harapan. 35:46. Anong gagawin namin?!
"K-kukuha ako ng armas.." sabi ni Andrea. Lahat ay napatingin sa kaniya, nginitian niya kaming lahat. "Ayako pang mamatay.." natatawa niyang sambit.
"Ako..rin." sabay na sabi ni Daniella at Kate. Lahat ay nakatingin sa kanilang tatlo nang dahan-dahan silang lumapit sa lamesa na puno ng armas– malapit kay Gio.
Nang makakuha sila ng sari-sariling kutsilyo ay humarap sila sa amin at nakangiting kumaway. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti at walang nangyaring masama! Kaibigan ko rin silang tatlo.. at talagang mabuti silang tao. Akmang babalik na sila sa amin ng may tumunog na napakalakas. Nanlaki ang mata ko!
Iyung goggles ni Kate... umiilaw ng kulay pula.. At doon ko napansin, si Gio. Nasa likod ni Kate, nakahawak sa balikat nito.
"What's happening? Guys..." naiiyak niyang tanong. Si Daniella at Andrea ay napatingin kay Gio na nasa likod nila. Their eyes...met.
Naalala ko ang sabi ng boses sa screen kanina. Kapag nahawakan ka ng sili.. mamamatay ka.. iyung goggles sumasabog.. Oh my God..
"Pinatay ko si Jeremy para iligtas tayong lahat.. pero... ako ang naging sili.. kasalanan ninyo iyon.." nakatulalang sambit ni Gio.
"Guys.. tulungan ninyo ako.. ayako pa mamatay.." naiiyak na wika ni Andrea. Lumapit siya sa pwesto namin pero lumayo kaming lahat sa kaniya. Naiiyak na ako. Napakaduwag ko! Wala akong silbi. Naging kaibigan ko silang lahat.. tinulungan nila ako noong nag-iisa ako pero ngayon na sila ang may kailangan ng tulong ko.. hindi ko sila matulungan.
"Huwag kayong tumingin sa akin." wika ni Kate. Ang ingay pa rin nung goggles niya. "I am really thankful.. I met you guys. Sayang lang hindi na yata tayo makaka-graduate.. please.. surviv–" Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil sa tunog na parang sumabog. Oh my God.. this cant be..
Kahit hindi ko kaya.. kinaya ko pa ring humarap sa kaniya. Si Kate. Na-detect siya ng goggles ko. Katelyn Alonzo, twenty-two years old, dead. Napa-upo ako sa nakita. Nakarinig din ako ng iyakan sa likod. Nakahandusay ang katawan ni Kate sa lapag. Walang ulo. Napaka-raming dugo.
Humarap ako sa screen. 29:34.. Twenty-nine players, three dead, three sili, twenty-three tubig.
"Panaginip lang ito.." bulong ni Andrea. Umiling-iling siya, maya-maya ay ngumiti. Lumapit na naman siya sa amin, hindi, kay Andrei. Kakambal niya. Pilit na umiiwas ng tingin si Andrei sa kaniya.
"Huwag kang lumapit sa akin!" sigaw ni Andrei. How can he say that.. Natigil si Andrea sa paglapit. Tumawa siya.
"Simula bata tayo.. lagi na lang ikaw. Ikaw ang magaling, matalino, talented, ikaw ang favorite nila Mama. Paano naman ako? Andrei.." umalog ang balikat ni Andrea. Umiiyak siya. "Sabihin mo kila Mama na.. mahal na mahal ko sila.."
Tumango si Andrei, hindi pa rin humaharap kay Andrea. "Mag-promise ka.. pinky swear." wika niya. Nanlaki ang mata ko. What!? Nakita kong nag-pinky swear sila. Oh my God..
Tumunog ng napaka-lakas. Umilaw ang goggles ni Andrei. Nanlalaki ang mata niya na humarap kay Andrea.
"Anong.. "
YOU ARE READING
DO YOU WANT TO PLAY A GAME?
Mystery / Thriller[COMPLETED] "To kill... or to be killed?" College student Leriah Cervantes believes she already understands the true purpose of life. But that changed when they were forced to play a game where they had to risk their lives due to an unexpected trag...