CHAPTER SEVEN
MAAGA akong nagising dahil sa tunog mula sa intercom. Ngayon ko lang din napansin na may maliit na speaker sa taas no'ng pinto. Mabuti at nakatulog ako nang mahaba kahapon at hindi na problema sa akin ang magkulang sa tulog ngayon.
"The time is five o'clock. Rise and prepare. The time is five o'clock. Rise and prepare. The time is five o'clock. Rise and prepare."
Parang sirang plakang nagpapaulit-ulit ang parang robot na boses ng babae sa intercom. Kahit labag sa kalooban ko ay bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Ugh! Do I really need to take a bath this early?
Wala sa sarili akong naghubad at binuksan ang shower. Napasigaw ako nang malakas nang tumama sa balat ko ang malamig na tubig. Paano ba i-adjust ang temperature nito!?
After five minutes, narinig ko na naman ang boses mula sa intercom. Ano ba!? Paulit-ulit!? Ugh!
Before seven-thirty, I was already on my way towards the dining hall. Wala pang ibang tao ro'n maliban sa mga katulong na nag-aayos ng mga pagkain sa hapag. Pagdating ko ro'n ay dire-diretso akong naupo sa upuang inupuan ko kagabi. That's when the memories from last night haunted me. Ugh! How dare me ask those things to the Headmaster? I should've swallowed my tongue.
After how many minutes, they finally came one-by-one. Ang huling dumating ay si Mafi, sino pa ba? Hanggang dito ba naman late siya?
"Ay sorry. Nandito na pala kayo," nahihiya niyang bungad saka naupo sa tabi ko. "Dapat hindi n'yo na ako hinintay at nauna na kayong kumain."
"Let's eat," Kingston cued. Breakfast is the most important meal of the day. And I am so happy to see eggs on my plate. Hindi ko alam, parang 'yon ang nag-lift ng mood ko ngayong umaga.
Nasa kalagitnaan kami ng tahimik na pagkain nang tumunog ang intercom dito sa loob ng dining hall. Itong mga intercom na 'to, talaga bang hindi nila kami titigilan!? Nakakarindi na!
"I need you on the field at exactly six o'clock. Lates would be punished with fifty push-ups."
Irita akong napakamot sa leeg ko. Ang sarap magdabog!
"Anong oras na ba?" Tanong ni Shin. Agad naman kaming napatingin sa mga relo namin. Tsk. Wala pala akong relo.
"It's five forty-nine," sagot ni Kingston saka napatingin sa amin na nanlalaki ang mga mata. Oh shoot!
Sabay-sabay kaming nagtayuan kahit hindi pa kami tapos kumain. We rushed through the door. We half sprint and half walked out of the manor. The field is on the other side of the school. If we don't hurry, we will surely arrive late. Ugh! Ito ang unang training namin at hindi ko na agad nagugustuhan ang mga nangyayari.
When we reached the field, we were already breathless. Naabutan namin ang pamilyar na lalaking nakatayo sa gitna no'ng oval. As far as I can remember, he's Mr. Edward Wilson. Isa siyang Self-Defense teacher at ayon sa mga naririnig ko, isa siya sa mga unang players ng league. He played on the first Arinthian League as a captain and survived. Unfortunately, he was the only survivor from their team. And we sadly lost on the first league.
He is a lanky man with fair skin. I heard his ability was super strength. At sabi-sabi rin na sobrang sungit niya raw at laging galit. He's standing there like a mannequin and eyed us while we catch our breaths. He peeked on his watch and raised a brow.