CHAPTER 13

36 5 0
                                    

CHAPTER 13

"Possible bang makipagsex ka sa lalaki Yohan?"tanong ni Arya kay Yohan.

kanina pa kami nandito sa may mall pero puro topic nila about sa sex. ang bunganga talaga ni Arya hindi mapigilan, ang bastos pa ng mga sinasabi niya sarap lagyan ng tape ang bunganga niya.

"possible 'yon tanga, tsaka tigilan mo nga kakatanong sa'kin ng mga ganyan nakakadiri ka mare."Nadidiring sabi ni Yohan.

natawa na lang ako sakanilang dalawa, palagi na lang nagbabangayan at nag aasaran halatang may future 'tong dalawang 'to hindi na ako magtataka kong magkakatuluyan 'to.

Bumili na lang ako ng gagamitin ko para sa paggawa ng essay, wala pa naman sinasabi si Mrs Agapi kung kailan ang deadline. pero gagawin kona ngayon baka madami pa akong aasikasuhin.

"mareng Kaz maganda ako diba?"sabi ni Yohan.

I looked at his face, he was still wearing lipstick, I immediately took a nice lipstick and put it on his lips.

"yan mare maganda ka na, pangit ng pinili mo"sabi ko sa kan'ya sabay abot ng salamin.

tinignan ko naman si Arya at bigla naman siya nag iwas tingin. napangisi na lang ako sa kan'ya, nagseselos ampota.

Naglibot-libot na lang ako bahala 'yong dalawa maglandian. ano kaya magandang bilhin? wala akong maisip na magandang bilhin. hindi ko namalayan nakarating ako sa mga school supplies.

Mauubos na 'yong diary ko siguro kailangan kona bumili ng bago, agad akong naghanap ng diary hanggang sa kukunin kona sana ng may biglang kukuha rin.

nakita ko Isang lalaki pogi siya infairness mas pogi pa siya doon sa Kluxter, my gosh kaz palagi na lang pumapasok sa Isip mo 'yong kluxter kapag may nakikita kang gwapo.

"akin na miss"matigas nasabi no'ng lalaki.

"akin na mister ako nauna sa'yo" walang emosyon nasabi ko sa kan'ya.

makikipag-away ba Ito? agad kong inagaw sa kan'ya iyong diary pero inaagaw niya rin sa akin, Parang isip bata nakikipag agawan pa. pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa kan'ya ang ingay niya kasi.

"pwede ba? Akin iyan" matigas nasabi ko sa kan'ya atsaka tuluyang kinuha iyong diary.

natumba ako dahil doon, bwisit bigla-bigla niya kasing binitawan kaagad hindi man lang binigay na lang. pinapahiya niya ba ako? sarap niyang patayin ngayon.

"fine sa‘yo na iyan"pagkasabi niya tsaka niya ako iniwan.

agad akong pumunta sa counter para magbayad, halatang Wala na ‘yong dalawa sa Loob ng pinasukan namin kanina kaya nasa Ibang Store na Iyong dalawa.

bwisit talaga iyon, agad kong hinahanap sila Arya at nakita ko silang dalawa nasa may Starbucks nagkatitigan sa isa't isa. sinasabi ko na nga ba kapag nagsama talaga Itong dalawa may mangyayari.

agad akong lumapit sa dalawa tsaka parehas inakbayan, dapat mamaya na sila nag titigan masyado pang maaga.

"let's go home, It's already 5pm"sabi ko sakanilang dalawa.

agad naman silang dalawa tumayo at nag iwasan pa ang dalawa. nagkatitigan lang nag-iwasan na kaagad ganun ba sila ka abnormal?

sumakay na kami sa kotse nila Arya. habang nasa saksakyan kami walang nagsalita sakanilang dalawa, sana pala hindi ko na lang sinira eyes to eyes nila sa isa't isa para maingay.

Ang bad ko talaga. magkakatuluyan na Iyong dalawang ship ko kaso umepal ako malas ko talaga kahit kailan.

“can you two make noise? You're too quiet”Inis nasabi ko sakanilang dalawa.

WILL BE BACK FOR US (COMPLETED)Where stories live. Discover now