CHAPTER 26

29 2 3
                                    

CHAPTER 26

"Ano bang problema mo huh!?"sigaw ko naman sa kan'ya nakakairita na siya.

"Ikaw ang problema ko dito!"sigaw niya panay duro niya sa akin.

Napaatras naman ako dahil sa kan'ya, a-ako?bakit ako? siya nga itong biglang sumisigaw dito tapos ako sisihin niya?nababaliw na ba siya? Kung hindi ko lang siya mahal baka nasapak ko na siya ngayon pasalamat siya.

"huwag mo akong sisihin wala naman akong ginagawang masama sa'yo!"sigaw ko ulit sa kan'ya.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko ng bigla kong naramdaman na naninikip ito, my gosh. wag sana itong mangyari ulit sa akin ito. no.

Aalis na ako ng biglang hawakan ni Kluxter ang kamay ko, kailangan ko yong gamot ko.
bakit ko kasi nakalimutan inumin 'yon? argh kainis.

Inagaw ko kamay ko kay Kluxter hanggang sa makakaya ko pero ang sa lakas niya hindi ko kaya wala na rin akong lakas. nanlabo na paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng malay, narinig ko pang tinawag ni Kluxter pangalan ko.

"Tinsley hindi kaba talaga makikinig sa akin huh!?"sigaw ni Mommy habang nasa labas siya ng kwarto ko

Kailan ba ako nakinig sa kan'ya? tanga niya talaga kahit kailan.

"Ang ingay mo kaya pwede manahimik ka muna!?"sigaw ko sa kan'ya.

hindi tuloy ako makafocus sa ginagawa ko dahil sa kan'ya, kanina pa siya panay sermon sa akin nakakairita na siya. hindi ko naman kasalanan 'yong nangyari kay Thalia ako na naman sinisisi nilang lahat, ni hindi ko nga nahawakan ni Isang piraso ng Buhok niya tapos ako sisihin nilang pumatay? gano'n ba tingin nila sa akin?mamatay tao? tss.

Kasalanan ng magulang ni Thalia kaya siya namatay at hindi ako ang dahilan, Mga epal kasi 'yong mga bitch sa school namin. nakita daw kami magkasama?

totoo naman 'yong magkasama kami pero hindi ko siya pinatay kinausap niya lang ako, sinabi niya sa akin problema niya. she tried to kill her self that day night.

'yong nagawa niya na ako naman ngayon nagkaroon ng kasalanan dahil sa kan'ya, tanga niya naman kasi hindi siya nakinig sa akin nagpaapekto siya sa magulang niya.

"Tinsley Kaz Montano Lumabas ka d'yan ngayon din!"sigaw ni Mommy.

Agad kong binitawan ang ballpen na hawak ko atsaka tumayo at binuksan 'yong pinto.
nakita ko si Mommy nasa labas ng pinto ng kwarto ko, walang emosyon ko siyang tinignan.

"Tinsley Umamin kana kasing Ikaw pumatay kay Thalia para matapos na ang lahat ng Ito"sabi ng pinsan ko na si Terron.

Ano ako tanga? alam kong ipapahuli nila ako, hindi nila ako maluluko. kasama ni Mom si Terron atsaka 'yong Isang pulis at magulang ni Thalia, nagpunta pa talaga sila dito? para ano? para may masisi sila sa ginawa nila kay Thalia?

"pwede ba wag niyo sa akin sisi ang bagay na hindi ko ginawa kahit kailan!"sigaw ko sakanilang lahat.

"Iha umamin kana para matigil na 'to"sabi ng daddy ni Thalia napangisi naman ako dahil sa sinabi niya.

ang kapal ng mukha niya talaga.

"Ikaw tanda, ginahasa mo si Thalia diba?! at ikaw naman mrs. Cole pinagbubuhatan mo si Thalia diba?! nagpakamatay si Thalia dahil sainyo! mapangabuso kayong tao! wag nyoko-"hindi ko natapos sasabihin ko ng bigla kong naramadaman na sumisikip ang dibdib ko.

Ano nangyayari sa akin?

bigla na lang sumikip ang dibdib ko, ano bang nangyayari sa akin? Nahihirapan na ako huminga. Bigla na lang nanlabo ang mga mata ko atsaka nawalan ng malay.

WILL BE BACK FOR US (COMPLETED)Where stories live. Discover now