CHAPTER 57
Ngayon papasok na naman ako sa firm hindi na umabot ng 1 month ang Vacation ko, sinabi ko na rin kay Zayne 'yon 'tsaka sabi niya rin sa akin na, madami ring gusto akong maging attorney lalo na daw si Mr Walker.
Akala ko nakahanap na si Kluxter ng Attorney? bakit hanggang ngayon ako pa rin gusto niyang maging Lawyer niya? Madali lang naman ang kaso niya, bakit hindi niya nalang ipaasikaso sa iba? tss.
"Sigurado ka?" tanong ni Arya.
S'ya kasi pinabantay ko ng mga anak ko para maging close niya rin kahit papaano. baka magkasundo pa sila ni Klaus, para kasing naiirita si Klaus kay Arya dahil para daw baliw ang Tita Arya niya parang si Kreiya lang din baliw.
"Of course, I'm always okay before right? you don't have to worry. "I ordered and patted his shoulder.
"sabi mo eh, pero kung may problema magsabi ka lang ah?" sabi ni Arya at nakipagbeso sa akin.
Tumango lang ako bilang sagot. Umalis na ako sa bahay nang nakapagpaalam ako sa mga bata, Alam ko namang maiintindihan nila ako pero si Kreiya mukhang nag-tatampo siya kasi nga hindi ako tumupad sa usapan.
hindi ko naman na mababago ang tadhana, nangyari na kaya wala na rin naman ako magagawa pa. 'tsaka para makabonding rin nila ang Daddy nila, at makaclose rin nila kahit papaano.
Habang papalayo ako sa Villa ko nakita ko namang paparating ang sasakyan ni Kluxter, siguradong kukuhain niya ang mga bata. napailing nalang ako at tinuon ang sarili ko sa pag-mamaneho.
NANG makarating ako sa firm ay agad akong sinalubong ni Zayne dala ang mga papeles na kailangan ko. Dumeretso ako sa office ko 'yong iba kong kasamahan ay nagulat na bumalik kaagad ako, bakit? Ayaw ba nila akong bumalik kaagad?
"sige thanks zayne, you may leave." saad ko at tumingin sa mga papeles.
Ang dami nito, mukhang magoovertime ako nito dahil sa dami ng trabaho ko ngayon. bukas meron akong kaso sa isang magasawa ba gusto ng maghiwalay, bakit ba sila naghihiwalay? nagpakasal pa sila kung maghihiwalay rin naman.
Monday palang ngayon pero madami kaagad akong natatanggap na kaso, sinabi ko na nga kay Zayne na huwag kaagad-agad magtatanggap ng kaso pero hindi siya nakinig sa akin pinairal niya na naman ang pagiging Tanga niya.
kinuha ko ang pad ko sa bag ko at nagsimulang magbasa ng Ibang article ngayon about sa mga artista, may isa kasing artista ngayon na tumawag sa Secretary ko na kailangan niya raw ng Attorney kasi may kakasuhan siyang bastos na lalaki.
Ayaw ko sanang tanggapin kaso mapilit siya kaya wala naman akong magagawa. Parehas kaming busy ni Zayne dahil siya umaasikaso doon sa isa kong client. Kahit ngayon hindi pa rin ako makafocus.
Habang nagbabasa ako sa mga article ay may nakita akong isang article na hindi ko naman sinasad'yang makita.
'Is that true? That the owner of KTW Company Kluxter Walker, and The model of Carson Company Wincess Lauren are dating?'
Nakita ko pa ang photo nilang kumakain sa isang restaurant.
Nagulat ako dahil sa nabasa ko nakita ko pa doon ang comment ni Wincess Lauren, kilala ko siya isa rin siya sa mga naging client ko noon. I didn't expect na magddate sila ni Kluxter ah? akala ko si Tina?
Just wow ah? madami rin sakanilang nagshiship na mga Fans ni Wincess. Parang may kung ano sumasakit sa dibdib ko, ano bang nangyayari sa akin? Mahal ko pa siya syempre masasaktan ako at magseselos at the same time!
Agad kong inayos ang sarili ko ng biglang may kumatok sa labas, nakita ko naman si Zayne ano naman kaya ang problema ng isang ito?
"Miss, nand'yan po si Sir Ruzzel." sabi ni Zayne.
YOU ARE READING
WILL BE BACK FOR US (COMPLETED)
Genel KurguWhat if the person you just meet could change you? Tinsley Kaz Montano wants to enjoy and go out for night clubs and party. No matter how many men you introduce to her, you can't change her mind. She can't tell her problems to anyone, except him and...