CHAPTER 37

20 1 0
                                    

CHAPTER 37

"You know sly, if I were you I wouldn't answer that man he made you cry" rinig kong sabi ni Lezter.

hay nako, kanina pa sila panay salita wala na akong naintindihan sa mga sinasabi niya 'tsaka lasing na ako 'no sino pa makakaintindi sa kanila, 'tsaka lasing na rin naman sila.

malabo na rin 'yong mga mata ko, hindi ko na kilala kung sino nakikita ko. bakit ba kasi ako uminom? hays alam ko namang madali lang akong malasing eh bakit kasi? nakakainis.

"Oo nga naman Sly, kung ako sa'yo-" magsasalita na sana si Akiro pero hindi ko na tinapos sasabihin niya ng magsalita ako.

"Kung ako tatahimik na lang, bago pa kita masapak d'yan" masama kong tinignan si Akiro.

isa rin ito eh, akala niya naman makukuha nila ako sa mga pinagsasabi nila dami nilang pinagsasabi wala rin akong maiilagay sa utak ko.

"Bakit hindi mo siya pakinggan? Baka may paliwanag siya, wag puro overthink nakakasama 'yon" bigla namang sabi ni Ark.

Kaya lahat ng mga kasama ko napatigil, ano bang alam ng isang ito? Hindi niya naman kilala 'yon si Luxter, 'tsaka sa akin ito at hindi sa kan'ya.

"Alam mo may tama siya, pakinggan mo muna paliwanag niya" pag-agree naman ni Gavin sa sinabi ni Ark bago uminom ng alak na hawak niya.

Pakinggan? Bakit ko naman gagawin 'yon? Sinigawan niya na ako kanina, pa'no ko pa siya mapapakinggan? kaya minsan ayaw ko na lang magkagusto at mahulog sa isang tao eh, masasaktan lang din ako.

lasing lang talaga ako hindi ko na alam kung ano ang pinagsasabi ko.

Habang nag-iinuman pa sila ay ako naman nakahiga lang sa isang malaking sofa, wala ba silang planong tumigil uminom? kanina pa sila ah?

habang nakahiga ako may naramdaman akong may bumuhat sa akin, hindi ko alam kung sino 'yon baka isa sa mga kaibigan ko nagbuhat sa akin.

"Ako na bahala sa kan'ya, btw thank you" rinig kong boses ng isang lalaki, parang pamilyar 'yong boses na 'yon ah?

Boses ba 'yon ni Luxter? baka naman nagiimagine lang ako impossible naman mangyari na pumunta dito sa hidden club.

Hidden club, ang pangalan nitong club na pinuntahan namin ni Azrael hindi ko rin alam bakit dito pa sa tagong lugar na ito sila gumawa ng club/bar, weird.

lasing na nga siguro talaga ako, pilit kong minumulat ang mga mata ko kaso hindi ko kaya gusto kong makita 'yong mukha ng taong bumuhat sa akin, hindi ko siya masyado kita pero kahawig niya si Luxter.

pilit kong binubuksan ang aking mga mata kaso wala talaga hindi na kaya, sobrang lasing na ako isang bote ba naman ng alak ininom ko sino hindi malalasing do'n?

NAGISING na lang ako sa Isang kwarto na hindi pamilyar sa akin, nasaan ako? 'yon ang unang tanong ko sa sarili ko, sino ba nagdahil sa akin dito?

Ang sakit ng ulo ko, wala akong masyadong naalala na kagabi basta 'yong may nagbuhat sa akin 'yon lang naalala ko na nangyari kagabi.

Tatayo na sana ako ng bigla namang bumukas 'yong pinto at inuluwal do'n si Luxter, wtf? Anong ginagawa ng isang ito dito?

"Hey, gising kana pala" sabi niya, at may kung anong nilapag sa lamesa.

Hindi ko siya pinansin, hindi pa kami bati 'no akala niya naman makikipagbati ako sa kan'ya? No! Never mamatay man si Azrael.

"I'm sorry, 'yong nangyari kahapon hindi ko sinasad'yang sigawan ka" malumanay na sabi niya at akmang hahawak ang kamay ki ng tinago ko kaagad ito.

WILL BE BACK FOR US (COMPLETED)Where stories live. Discover now