CHAPTER 39
"NICE, seryoso kayo na talaga?" hindi makapaniwalang sabi ni Primo, bakit mukha ba kaming nagbibiro sa kan'ya?
siya unang nakaalam sa relasyon naming dalawa ni Luxter, sasabihin ko rin naman ito kay Arya kapag nagkita ulit kaming dalawa, ewan ko na lang kung magulat rin 'yon at hindi maniwala sasabihin ko.
"oo nga, ang kulit mo naman eh"Inirapan ko sya para kasi siyang batang hindi naniniwala sa sinasabi ng nanay niya sa kan'ya.
bahala na lang siya kung ayaw niya maniwala, nasa kan'ya naman ang desisyon kung maniniwala siya or hindi sa sasabihin ko diba? hays.
Miss ko na si Luxter, may aasikasuhin daw kasi s'ya hindi niya naman sa akin sinabi kung saan siya pupunta. hinayaan ko na lang siya kasi baka importante na naman iyon.
Nandito kami ngayon ni Primo sa restaurant ni Eron ewan ko ba sa kan'ya kung bakit nandito kami, ang mahal kaya nitong restaurant ni Eron.
"miss mo na ba siya?kakahatid niya lang saiyo kanina, miss mo kaagad?" sabi ni Primo habang kumakain siya.
"wow nagsalita ang kanina pa sinasabi ang pangalan ni-" hindi ko na natapos sasabihin ko ng bigla niya akong binato ng wipes na dala niya.
Abnormal talaga itong lalaki na ito, sinong tangang magdadala ng wipes sa restaurant kahit may wipes rin naman dito sa restaurant na ito.
"subukan mo lang, ibabato ko lahat ito sa'yo" pagbabanta niya, natawa na lang ako ng malakas dahil sa sinabi niya.
Nagpapatawa ba talaga siya? kasi kung Oo, natatawa ako sa kan'ya haha. minsan naisip ko na lang what if hindi 'yong babae na palagi n'yang binabanggit sa akin ang magiging future wife niya? pero sabi sa akin ni Primo kung hindi daw iyon ay magpapakamatay na lang siya, ako naman natawa na lang sa kan'ya.
Mabait si Primo, sigurado akong magiging masaya siya sa future niya pagdating ng araw pero hindi naman ako sigurado do'n kung magiging masaya talaga siya sa future niya.
"hoy kaz, ano ba talaga ang gusto mong job?" tanong sa akin ni Primo, palagi ba siyang magsasalita na may laman ang bunganga niya.
"gusto ko maging Lawyer no'n" sagot ko sa kan'ya, pabago-bago talaga ako ng desisyon sa buhay ko sa lahat kasi hindi ako sigurado.
sa Pagmamahal lang ako naging sigurado at hindi sa mga bagay sa paligid ko, kinuha ko 'yong Cooking kasi alam kong iyon ang kukunin ni Arya, ayaw ko sana no'n pero no'ng tumagal na naging gusto ko na.
Mas lalo naging magulo ang buhay ko, kailan kaya babalik sa dati? mas gusto ko 'yong masaya na lang kaming lahat at hindi nasasaktan, mas nagiging mahirap kapag nasasaktan.
"Nice, bakit hindi lawyer kinuha mo?" tanong niya sa akin.
"I don't know, siguro dahil naging gusto ko na rin naman ang cooking ngayon"sagot ko sa kan'ya.
bakit kasi hindi ako sigurado sa buhay ko? 'yan minsan tanong ko sa sarili ko pero wala na akong magagawa do'n iyon na tinadhana ng buhay ko.
"Abnormal ka ba? alam dapat kung ano talaga iyong tinitibok ng puso mo 'yon dapat" sabi niya. nagpapatawa ba ito?
"pa'no kung si Luxter tumitibok nito?" tanong kong nakangisi sa kan'ya.
tinawanan ko na lang siya sa reaksyon niya, gago siya ata itong abnormal at hindi na gets 'yong sinabi niya, hay nako kapag may kaibigan ka nga namang tanga lalo na sa pag-ibig.
"ang ibig kong sabihin, nevermind na nga lang" sabi niya at pinagpatuloy niya na lang kinakain niya.
ako naman pinagpatuloy ko na lang rin kinakain ko, miss ko na talaga siya gusto ko na siyang makita bwisit naman kasi itong si Primo nag-aya pang kumain puro lang naman siyang pang-asar sa akin.
YOU ARE READING
WILL BE BACK FOR US (COMPLETED)
General FictionWhat if the person you just meet could change you? Tinsley Kaz Montano wants to enjoy and go out for night clubs and party. No matter how many men you introduce to her, you can't change her mind. She can't tell her problems to anyone, except him and...