CHAPTER 38
Nandito kami ngayon ni Luxter sa may school kasi nga may pinasa ako at sinamahan niya naman ako, may kukunin daw kasi siya sa school kaya sumama siya, hindi ko alam kung anong kukunin niya.
tinanong ko siya kung ano kukunin niya pero, wala lang daw iyon. hindi ko na lang 'yon pinansi, baka importante ang kukunin niya at ayaw niya lang talagang ipaalam sa akin.
Nandito ako ngayon sa may field, sabi kasi ni luxter ay hintayin ko siya pero hindi ko naman alam na matatagalan siya kanina pa akong mga 2pm dito oh, malapit na mag 3pm pero wala pa rin siya.
nasaan na kaya 'yon? kanina ko pa siya hinihintay eh, ang tagal niya naman. Kung iwan ko na kaya siya dito? Pero baka magalit
'yon sa akin.Habang naghihintay ako may mga nakita akong mga estudyante na nasa field rin nakaupo, pinakinggan ko lang sila naguusap hanggang sa narinig kong pinag-uusapan nila si luxter.
"hey, alam niyo ba nakita ko si Kluxter kasama si Reina?" rinig kong sabi no'ng isa sa kanila, actually tatlo sila.
Magkasama sila kluxter at reina? imposible naman 'yon, wala na silang dalawang koneksiyon sa isat isa kaya impobleng magkita silang dalawa pa.
kalma lang tinsley, wag mong intindihin 'yon baka gawa-gawa lang nila 'yon hindi 'yon totoo kaya kalma lang tinsley. kailangan kong kumalma.
"nakita ko rin 'yon mga beh, nagbalikan na kaya silang dalawa?" sabi pa no'ng isa, hindi ko kaya naririnig ko ngayon.
Para akong nadudurog na bato, ano ba nangyayari sa akin? nasasaktan na naman ako? bakit? alam ko naman na hindi 'yon totoo, tama hindi 'yon totoo iyon dapat paniwalaan ko.
"hindi ba't siya iyong nililigawan ni Kluxter?" rinig kong sabi rin no'ng isa, ako naman kunware hindi ko sila naririnig.
Niloloko ba ako ni Luxter? Hindi ko na alam, plano ko na siyang sagutin pero wag na lang siguro nagbalikan na ata sila eh. Naalala ko 'yong sinabi ni Ark, bakit hindi ko muna siya pakinggan?
Tama, kailangan ko pakinggan ang eksplinasyon niya para malinawan ako at hindi mag isip ng kung ano-ano. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo.
hindi ko na pinansin 'yong tatlo kanina na naguusap naglakad na lang ako paalis do'n, ang ingay kasi nila hindi ko ako makafocus sa sarili ko.
bakit kasi do'n pa ako tumambay? bakit do'n pa ako naghintay? sigurado namang nakauwi na 'yon at nakalimutan na ako. habang naglalakad ako ay bigla akong may nakabangga.
"I'm sorry" napatigil ako ng marinig ko ang boses no'ng taong nakabangga ko ngayon.
hindi ako magkakamali boses ni Arya 'yon kilala ko ang boses niya, malumanay pero halatang matapang, lalo na iyong amoy ng pabango kilala ko.
"Arya" mahinang sabi ko, nakita ko naman gulat sa kaniyang mga mata.
bakit naman siya nagulat? Ako lang naman ito, hindi niya kailangang magulat sa akin dahil ako lang ito. 'yong kapatid niya iyong twin sister niya ako lang ito.
hindi ko na sila pinansin naglakad na lang ako, kaso hindi pa malayo ng nalalakad ko ay bigla niya akong tinawag ayaw ko sanang lumingon kaso baka gusto niya lang ako makausap.
"tinsley, can we talk?" tanong niya, pumayag naman ako sa gusto niya syempre. gusto ko rin naman siyang makausap.
Naglakad kaming dalawa ni Arya do'n sa may upuan, alangan namang nakatayo kami habang nag uusap diba? nakakangalay kaya iyon.
Umupo na kaming dalawa ni Arya, kita ko sa mga mata iyong kaba niya ngayon bakit naman siya kinakabahan? Ako lang naman ito, hindi naman ako nangangain ng tao.
YOU ARE READING
WILL BE BACK FOR US (COMPLETED)
General FictionWhat if the person you just meet could change you? Tinsley Kaz Montano wants to enjoy and go out for night clubs and party. No matter how many men you introduce to her, you can't change her mind. She can't tell her problems to anyone, except him and...