CHAPTER 58
Nang pupunta na naman ako sa hospital para bisitahan s'ya, Ilang months na nakalipas pero hindi pa rin s'ya nagigising. naghihintay nalang kami na magising s'ya, pati nga ang mga bata nag-aalala na bakit daw hindi pa nagigising ang daddy nila.
Kahit anong gawin namin, kahit ilang beses kami magdasal wala rin namang nangyayari hindi pa rin s'ya nagigising. Minsan nawawala na rin ako minsan nang pag-asa na baka gigising pa s'ya, baka nga hindi na talaga s'ya magising pa.
'yong sinabi n'ya noong bago n'ya pinikit ang mga mata n'ya parang gusto kong paniwalaan, pero natatakot ako natatakot ako na baka masaktan na naman ako. sobrang natatakot ako.
Noong araw na nangyari 'yon hindi ako tumigil kakaiyak, kahit ilang beses na akong pinapatahan nila mommy hindi pa rin ako natigil, para akong bata noon na inagawan ng candy.
Buhay pa si Ruzzel ngayon, nasa kulungan s'ya mamaya nga pupuntahan ko rin ang hayop na 'yon. wala gusto ko lang ulit s'ya sisihin sa lahat, pero alam ko namang ako may kasalanan kasi pinapunta ko pa s'ya dito. Sana hindi nalang nangyari ang lahat nang ito.
"Sure ka ba talagang okay ka lang Ate Tins?" tanong sa akin ni Arya tumango naman ako sakan'ya bilang sagot.
Sanay na ako na tinatawag na ate ni Arya, total ako naman talaga ang ate n'ya, sinundan n'ya lang ako. Pare-parehas lang naman kami ng taon at araw na pinanganak, oras lang ang hindi.
"nako ate, 'yang mga mata mo oh masyado nang maitim." Utas ni Arya at tinuro pa ang mga mata ko na puno na ng Eyebugs.
Napatingin naman ako sa sarili ko sa salamin, yeah tama nga si Arya. Namumukha na tuloy akong matanda at hindi na fresh, siguro kailangan ko na rin ayusin sarili ko.
Paano ba naman hindi ako magkakaganito kung pagkatapos kong mag trabaho, deretso sa ospital para bantayan si Kluxter."whatever Arya, I need to go I need to visit him then I'm going to firm." sabi ko.
tumango naman si Arya bilang sagot. Nagpaalam na ako kay Arya 'tsaka umalis na ako sa condo ko, Bumili ako ng condo para malapit sa ospital at madaling puntahan si Kluxter.
Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar papunta doon sa Hospital. Nang makarating ako sa hospital agad naman akong bumaba, Dumeretso kaagad ako sa kwarto ni Kluxter pero habang papunta palang ako doon ay may naririnig na akong sigawan.
"kasalanan n'yo ito! kung hindi dahil sainyo hindi magiging ganito ang anak ko!" boses ng babae.
Agad akong pumasok sa loob, kaya lahat naman sila nagtigil. Napakunot noo ako kung sino mga nakita ko sa loob 'yong Mommy ni Kluxter, at 'yong kapatid n'ya na si David. tangina ano ginagawa ng mga hayop na ito dito?
"Tins..." tawag ni David sa pangalan ko.
"Anong ginagawa niyo dito?" nakataas kilay na tanong ko sakanila.
Wala silang karapatang pumunta dito, dahil una sa lahat hindi naman talaga sila totoong pamilya ni Kluxter. Nalaman ko mismo galing kay Azrael na hindi naman pala totoong magulang ni Kluxter si Kyla, stepmom lang daw ni Kluxter dahil 'yong momny n'ya ay may iba nang pamilya.
"We're here, para bisitahin ang anak ko." sagot ni Kyla.
"Anak? kailan pa? I mean kakapunta lang ni Tita Katerina dito kahapon, ang totoong magulang ni Kluxter." sarcasmo kong saad.
Nakita ko naman gulat sa mga mata nila ni David, ang pagkakaalam ko si Klein, Kluxter, Gwyn lang anak ni Tita Katerina na iniwan sa asawa n'ya. Hindi ko naman masisi si Tita Katerina dahil sinasaktan s'ya noon ng asawa n'ya at niloloko.
"bakit n'yo s'ya pinapunta dito? anong karapatan niyo?" galit nasabi ni Kyla, nakita ko namang hinawakan s'ya ni David.
"Hindi ka ba inform? na ako may karapatan sa asawa ko? o baka gusto mong kailangan ko pang sabihin sa'yo." panunudya ko.
YOU ARE READING
WILL BE BACK FOR US (COMPLETED)
General FictionWhat if the person you just meet could change you? Tinsley Kaz Montano wants to enjoy and go out for night clubs and party. No matter how many men you introduce to her, you can't change her mind. She can't tell her problems to anyone, except him and...