CHAPTER 56

13 1 1
                                    

CHAPTER 56

Ngayon ay nandito ako sa bahay ni Sasha kasi nga nag-yaya si Chantal, hindi ko alam kung ano pumasok sa utak niya kung bakit siya nag-yaya mag tambay kami ngayon sa bahay ni Sasha, siguro Wala na naman siyang kalandian kaya naman ay nagyaya siya.

"Alam niyo naiinis na ako eh lalo na doon sa lalaking 'yon bwisit siya!" Sigaw ni Chantal habang umiinom ng alak.

Broken na naman s'ya kaya wala na naman siyang nalalandi ngayon, mas maganda kapag nakikita ko siyang busy sa firm namin at hindi yung lumalandi siya wala naman siyang napapala sa paglalandi niya, gastos lang naman.

"Ano ka ba Chan, alam mo wala ka talagang pag-asa kay Doc." sabi ni Sasha kay Chantal.

"bakit? dahil hindi ako kagaya ng babaeng gusto niya? dahil hindi ako kagaya noong Roana na 'yon!?" sigaw ulit si Chantal.

Mukhang may tama na siya, lalo na doon sa Doctor na sinasabi niya na inlove na si tanga. Karma niya na 'yan palagi niya kasing pinaglalaruan ng ibang lalaki. gan'yan talaga kapag inlove nasasaktan.

Nalaman kong na meet ni Chantal yong doctor doon sa Hospital noong dinala niya si Axel dahil busy si Sasha that time, At doon rin ata nakilala ni Chantal dahil 'yong doctor ay ang doctor ni Axel.

"you what Chantal, madami pa d'yang iba kaya huwag magluksa." sabi ni Sasha at niyakap pa si Chantal.

"Kayo rin naman ah? madami pa d'yang iba pero bakit hindi kayo makaget over sa mga ex niyo?" umiiyak nasabi ni Chantal at tinuro pa kaming dalawa ni Sasha.

Natawa naman ako sa sinabi ni Chantal, tama naman kasi siya madami pa d'yang iba pero hindi pa rin kaming dalawa ni Sasha makaget over sa ex namin. Well baka ako lang talaga hindi pa nakakaget over kay Kluxter.

"ano kaba, naka get over na ako sa ex ko. Maliban sa isa d'yan, nakipagyugyugan pa nga eh." masama kong tinignan si Sasha dahil sa sinabi niya.

Bwisit na ito, naalala ko na naman ang sinabi ni Kluxter noong nakaraan. Alam ko namang naging totoo rin siya noon, pero ewan ko na lang ngayon kung totoo pa ba siya o hindi.

Sinabi ko kila Chantal at Sasha na may nangyari sa amin ni Kluxter, hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa utak ko at sinabi ko sakanila kahit alam ko namang aasarin lang din nila ako sa huli. Sana pala hindi ko nalang sinabi 'no?

"maligo kana Chantal, kulang lang 'yan sa ligo." sabi ko kay Chantal at tinapik pa ang balikat niya.

Buti sumunod sa akin si Chantal, naligo nga siya pumasok siya doon sa cr. may damit naman siya dito sa bahay ni Sasha kasi dito rin siya natutulog minsan kapag bored siya sa bahay niya.

Naglakad ako papunta sa Veranda ng bahay ni Sasha kung saan kami minsan nagsesegarilyo, yes nagsesegarilyo kami pero hindi naman palagi kapag kailangan lang talaga namin. Kapag minsan walang magawa, pero nilalayo ko ang yosi ko sa mga bata kasi baka magkasakit sila.

Napatingin ako sa likod ko ng may naramdaman akong papunta dito sa akin, nakita ko naman si Sasha mukhang kakagaling lang doon sa sala.

"mukhang, inlove na talaga kaibigan natin." Utas ni Sasha.

ako naman ay tahimik lang. Ayaw kong magsalita, kasi puro nonsense lang din naman lalabas sa bibig ko at puro kabitteran.
Kaya mas maganda tahimik nalang ako, baka kung ano pa masabi kong nonsense.

"kanina niya pa binabanggit ang buong pangalan nung doctor na yun." dagdag pa niya.

She's probably really inlove with that doctor, pero alam kong masasaktan lang naman siya kapag pinagpatuloy niya ang pagmamahal niya doon sa Doctor na yun. Hindi na nga siya type, sinasabihan pa siya ng masasakit na salita ng lalaking yun.

"hayaan mo na siya, minsan lang 'yan mahulog sa isang tao 'tsaka baka karma niya na rin 'yan." saad ko, hindi ko mapigilang huwag magsalita.

Ayaw kong palagi nalang sa isip ko sinasabi ang mga gusto kong sabihin sa isang tao, kasi nga I'm afraid kaya hindi nasasabi ng deretso minsan. Pero okay lang atleast minsan deretso ako sa isang tao.

"grabe ka naman Kaz, maka Karma akala mo naman siya hindi kinarma noon." boses ni Chantal na mukhang galing sa Cr.

hindi na ako nag alinlangang tumingin pa.

"It's true kaya Chan, alam mo 'yan napapala ng isang play girl na kakarma." nakangising sabi ni Sasha.

Ako naman ay napailing nalang, tumingin ako sa labas ng Veranda at hindi ko inaasahan kung sino ang nakita ko. Isang lalaki na may kasamang babae, magkayakap pa talaga ang dalawa ah?

"Gurl is that Kluxter?" tanong ni Sasha.

Alam ko namang hindi sila bulag makikita nila ang dalawang yun. Buti nalang talaga hindi ako tanga at naniwala sa sinabi ni Kluxter, buti nalang talaga. Kung naniwala ako sa kan'ya baka ngayon tumalon na ako dito sa Veranda.

Agad akong umalis doon, I need to go home. Kailangan ko na mag-ayos ng mga gamit ko dahil bukas rin ay magt-trabaho na ako, magsisimula na ulit akong magtrabaho. lulunurin ko na naman ang sarili ko sa trabaho dahil nawala ako ng ilang araw.

tinawag ako nila Sasha pero hindi ako lumingon, Habang naglalakad ako papunta sa bahay ay nakita ko naman napatingin sa akin sila Kluxter ofc, ang lakas kaya ng boses ni Sasha kaya syempre maririnig nila 'yon at mapapansin.

Agad akong pumasok sa loob ng bahay ng makarating ako sa bahay, dumeretso ako sa loob ng kwarto ko at nag-ayos ng gamit ko.
Yung laptop ko nilagay ko sa lalagyan, at yung iba ko namang papeles ay nilagay ko sa bag ko.

"Mommy are you going to work? I thought we're going to vacation." Rinig kong boses ni Klaus. My son.

hinatid sila ni Azrael kanina ang mga anak niya at syempre 'yong taong mahal niya, nagulat nga ako kung sino 'yong mahal niya si Levi pala 'yong lalaki noon na kapatid ni Aiden, hindi nila kasama si Aiden kanina.

"Maybe next time na lang natin gawin 'yang Vacation na 'yan, mas maganda magtrabaho kesa mag Vacation." saad ko.

Alam kong na disappointed ko na naman sila, wala naman na akong magawawa nasaktan ko na eh. Bahala na kung ano mangyari, basta ayaw kong makita ang pagmumukha ng daddy nila. Baka mapatay ko lang ang lalaking 'yon.

Agad kong binitawan ang ginagawa ko at lumapit kay Klaus, hinawakan ko ang mga kamay niya. Ang lamig ng kamay niya kasing lamig ng mga mata niya.

"I'm sorry son, siguro kayo nalang ng daddy niyo. I'm really busy." saad ko at hinawakan ang mukha niya.

"It's okay mommy, I know po na mas gugustuhin mong magtrabaho kesa makasama si Daddy right?" he fake laugh.

How did he know that? Remember Tinsley mas matalino pa sa'yo ang anak mo, mas magaling siya mag masid at mas magaling rin siyang mahinala ng mga bagay-bagay.

"I hate your Daddy, wala ng ibang rason Love." sabi ko.

"I know, but I know you still love him." nagulat ako dahil sa sinabi ni Klaus.

Ano bang meron sa batang ito? bakit parang magsalita siya parang alam niya lahat? Parang nababasa niya ang isip ko or something. Pero Impossible naman 'yon walang ganoon sa mundo na kayang magbasa ng isip.

"bata ka, sinong source mo huh? dami mo ng alam." sabi ko at kunware kukurutin siya.

"Mommy naman, halata naman kasi sa mata mo!" sigaw niya.

natigil naman ako dahil dun, halata bang mahal ko pa ang lalaking 'yon? mahal mo pa naman talaga ang lalaking 'yon Kaz, you just always denied. baliw na talaga ako Pati sarili kong isip kinakausap ko.

Pero totoo naman ah? mahal ko pa ang lalaking 'yon kahit nasasaktan ako!

WILL BE BACK FOR US (COMPLETED)Where stories live. Discover now