"Kazley bakit ba palagi mo nalang pinapairal 'yang puso mo kaysa sa isip mo?" Sabi sa'kin ni Arya habang habol-habol niya ako."P'wede ba Arya nagmamadali ako, okay?! gusto ko siyang habulin!" Sigaw ko sa kanya. Bakit ba palagi nalang nila ako pinapakialaman nakakasawa na. Lahat nalang sila palagi ako pinipigilan sa ginagawa ko.
"Potangina Kazley! nababaliw kana ba?! tangina tigilan mo na si Kluxter!" Sigaw niya sa'kin sabay hawak sa braso ko.
Nandito kami ngayon sa may tapat ng building kung saan ang condo ni Kluxter, narinig ko kasi ang balita na aalis na siya at ang masakit pa ro'n siya titira kasama ang malanding Zaji na 'yon.
"Potangina bakit nyo ba 'to sakin ginagawa!?" Sigaw ko sakanya.Umiyak nalang ako sa labas ng building dahil nakita ko yung sasakyan nila Kluxter na paalis na. Hindi kona hinabol dahil pinigilan ako ni Primo.
Yes, dumating si Primo kasama ang fiance niya, lahat sila walang pakialam sa nararamdaman ko dahil hindi nila ako hinahayaan na habulin si Kluxter.
Inuwi nila ako sa condo ko dahil kapag sa bahay nila ako inuwi, mayayari ako at sila sa magulang ko dahil umiiyak akong umuwi sa bahay.
"Stop chasing him Kazen, he's not worth it." Matigas nasabi ni Primo habang Inaabot sa'kin 'yung isang basong may laman na tubig.
"Wow, Prim! Grabe ka sa kuya ko maka 'he's not worth it' ka dyan ah," sabi ni Klean sabay irap sa fiance niya.
"I'm just stating the truth Klea, saka wag mo'ko irapan, kung iirap ka man ito'y dahil sa sarapa," sabi naman ni Primo sa Fiance niya.
"Gago! but Prim was right ate Kaz, stop chasing kuya Kluxter saka madami pa d'yang iba na mas gwapo at mayaman kay kuya," sabi ni Klean.
Hindi ko na sila pinansin at naglakad nalang ako sa kwarto ko at humiga duon, bakit ba 'to kailangan mangyari? okay naman kami e. Okay naman kami no'ng una pero dahil sa Zaji na 'yun na sira lahat. Nawala lahat.
Babalik na naman ba ako sa dati kong buhay?
Ang hirap lalo na't may bata akong dinadala ngayon. Ako lang at si Achi nakakaalam na buntis ako at wala ng iba dahil kapag nalaman nila sasabihin nila kay Klux na buntis ako.
Plano kong sumama kay Achi papunta sa Canada para do'n ipagpatuloy ang lahat lalo na ang pangarap na maging isang Chef dahil 'yon naman talaga ang pangarap ko.
"Kaz seryoso kana dito?" Tanong sakin ni Achi nandito kami ngayon sa may Airport.
Umalis ako kinina sa condo habang tulog sila wala akong ibang iniwan na kahit ano basta papel lang na may nakalagay na sorry sa papel na 'yon.
"Seryoso ako sasama ako sainyo ni tita Mariel hindi ako magpapabili ng Plane ticket kung 'di ako sasama," sabi ko sakanya habang nakayakap sa tiyan ko.
I'm sorry baby, gagawin ko 'to para sayo at para sating dalawa hindi ko kaya manatili roon hangga't gano'n.
Ilang minuto ay tinawag na ang Plane number namin saka kami sumakay sa do'n. Habang nasa Eroplano kami ay panay ang tingin ko sa labas ng bintana. Babalik ako at sa araw na 'yon...nakamove-on na ako at tanggap ko na ang nangyari.
YOU ARE READING
WILL BE BACK FOR US (COMPLETED)
Ficción GeneralWhat if the person you just meet could change you? Tinsley Kaz Montano wants to enjoy and go out for night clubs and party. No matter how many men you introduce to her, you can't change her mind. She can't tell her problems to anyone, except him and...