Kabanata 9: Matalik na Kaibigan

37 7 0
                                    

[Nhelandrie's POV]

"Were you worried?" Napalunok ako nung tinanong ko siya. Gusto ko mang bawiin pero huli na kasi sino nga naman ako? Isang hamak na slave-

"I'm always worried. You're my slave, Mr. Aguilar. Nakatira ka sa bahay ko and I would be the one to face the punishment if something bad would happen to you."

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya... I didn't expect her to say something like that. Napakaprangka niya and even if her eyes doesn't tell anything but her words feel so genuine to listen. May part din sa akin na medyo disappointed, she cared just because she's worried of getting punish?

"Prepare the table, ako na bubukas." Kalmadong sambit niyo bago tumungo papuntang salas para tingnan kung sino ang kumakatok.

Ginawa ko yung sinabi niya pero naging attentive ako para pakinggan kung sino yun at nung narinig ko ang boses niya ay hindi na ako nagulat na nandito siya.

"Good morning!" His voice spreaded all over the house which caused me to take a peek at them.

He's wearing a jagger pants and a grey v-neck shirt. Even though he dressed so simple, the authority he carries didn't left him.

"Why are you here?" Klare didn't seemed so please to see him.

"Visiting my best friend, what else?" He said followed with a chuckle.

Wait, what?.... Best Friend?

Parang lumipad naman yung utak ko sa narinig pero seriously, magbest friend sila?

"Don't you have anything to do, President?"

"I got plenty in mind, but of course you are number one in my list. Mag almusal tayo, I bought some breakfast for the both of us."

Nakatayo lang ako dun at parang nakadikit na yung mga paa ko sa sahig. Nung pumasok na silang dalawa sa kusina at dining room ay gulat na gulat si President nung makita ako.

"Mr. Aguilar, nakalimutan kong nandito ka pala." Obvious naman. Napadapo ang tingin ko sa hawak nitong paper bag na hindi gaano kalaki. Palagi ba nilang ginagawa 'to?

"Sorry, di kita nasama sa breakfast na binili ko sa labas." Parang nahihiya nitong nilabas yung mga tupperware mula sa paper bag.

"Ayos lang, Pres. Nagluto din naman ako." Tumingin ito sa pagkaing nakahain sa mesa at dalawang pinggan para sa amin sana ni Vice President.

Ngumisi naman ito sa sinabi ko at tsaka tumingin kay Vice President na may nakakalokong ngiti.

"Nagpaluto ng breakfast. That's new... I see." Inirapan lamang ito ni Vice President at habang ako naman ay nakatayo lang dun at parang tanga dahil hindi ko magets ang kanilang pinag-uusapan.

"Shall we?" Yaya ni President bago naunang maupo. Yung ngisi sa kanyang labi ay hindi matanggal-tanggal.

"What's up for tomorrow?" Tanong ni President habang nilalagyan niya ng kanin ang kanyang pinggan.

"How would I know? You're the President, right?"

Mas mataas ang posisyon ni President sa kanya, diba dapat magkaroon siya ng kahit konting respeto dito? or is it because na best friend sila kaya parang wala lang?

"Heartless as ever, but I still find you cute, Vice President." Bigla akong nasamid dahil sa hindi inaasahang mga salita ni President. Dali-dali akong kumuha ng tubig at uminom.

"Are you okay, Mr. Aguilar?" I nodded at President as I cleared my throat. Napakapormal nila kahit wala na kami sa school, is this the result of being in a powerful family?

I continued eating pero hindi parin maalis sa isip ko ang compliment na sinabi ni President. Palihim akong sumulyap kay Vice President and my eyes squinted when I sensed something in her eyes... she seemed to be feeling uneasy. Panay iwas nito sa tingin ni President and I hope i'm not imagining something.

.

"Nhelandrie, nice to see you again!" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Prince.

"Nung Friday lang tayo huling nagkita, miss mo na agad ako? Dre, kinikilabutan na ako sayo, hindi ako pumapatol sa lalaki." Biro ko sa kanya na ikinatawa niya. Pabiro niya din ako sinuntok sa balikat.

"May sense of humor ka din pala."

"Alangan naman. Tao din ako."

Palabiro talaga akong tao... noon, but I guess a person's personality changes because of too much pain at ngayon naging ganyan lang siguro ako dahil komportable ako kasama si Prince na sa tingin ko ay maaasahan din.

"Survive pa?"

"Ang alin?"

"Ang pagiging slave mo." Sabi niya habang magkasabay kaming naglalakad papasok sa room.

"Ayos lang. Mas grabi pa yung napagdanan ko kesa sa pagiging slave lang." Sagot ko bago umupo sa upuan ko. Biglang naging tahimik si Prince dahil siguro sa sinabi ko.

"Hey, you don't have to feel bad about it. Wala na yun." Napatawa ako dahil sa pananahimik niya.

"Baka kasi sensitive para sayo. By the way, how's Vice?"

"Okay lang naman siya... para sa isang master." I don't want to tell him anything about the Vice President's personality. I know Vice President has a reason for making everyone thinks that she's heartless.

"I mean, as a person. May nadiskubrehan ka ba na kahit ano tungkol sa kanya? I mean, she's the most mysterious among the Student Council Officers at nakatira kayo sa iisang bahay, I'm sure na may madidiskubrehan ka talaga."

Biglang pumasok sa isip ko ang staircase na nasa loob ng isang kwarto na nakapukaw sa kuryusidad ko, but nah... hindi ko yun sasabihin sa kanya. It's for me to know and to find out.

"Wala naman. Except na strict siya pagdating sa paglilinis." Totoo yan, sa sobrang strict ay siya ang naglilinis ng buong bahay.

"That's not a mystery, dre." Tawa nito.

"Oo nga naman, but... hindi mo ba talaga alam ang pangalan ni isa sa mga Student Council?"

"Lahat kami clueless, kahit yung mga dating slave o yung mga nakalabag ng Coin's Rule. Ni isa walang nakakaalam." Sabi nito.

Walang nakakaalam o sadyang takot lang silang magsabi? Cause as far as I can remember, pasimple lang naman na sinabi sa akin ang pangalan ni Vice President.

"Ikaw, may alam kaba?"

"Wala. Hindi naman ako magtatanong kung alam ko."

VOTE PLEASE!

Crossroads [SC SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon