Kabanata 28: Pag-iwas

20 5 0
                                    

[Klare's POV]

Habang nagsasalita si President ay hindi ko maiwasang ma-excite. Buong oras kong pinipigilan ang ngiti ko, I never been this alive before at ang sarap sa pakiramdam.

Nung matapos na ang program at kaunting announcement ay dali-dali na akong bumaba ng platform.

"Going somewhere?" Tanong ni Treasurer habang nakaharang sa dadaanan ko. I expressionlessly stared into his eyes intently causing him to uncomfortably look away.

"I need to check something." I answered coldly. Uminit ang ulo ko, does he need to mind others' business?

"Dean said that we need to gather at the circumferential hall after lunch. I suppose you already know about it?" Malalim ang boses nito at kita ko sa mga mata niya na parang pinipikon niya ako. I don't remember Treasurer caring about anything especially anyone. He's smart and strong, but he's ignorant. Kahit may mag-suicide sa harapan niya ay dadaanan niya lang ito. President would lecturer a suicidal person, Secretary would laugh at them and I might dragged them to somewhere else, but Treasurer? Asa ka pa.

"I'm not forgetting my responsibilities. What are you planning, Treasurer?" Nanlaki ang mga mata niya.

"You're obvious. Don't be, especially not in front of me."

"Tsk," pinasok niya ang magkabilang kamay sa bulsa at tumalikod.

"How lucky you are," bulong niya pero narinig ko yun. Nag-aalala ko siyang pinanood na umalis quadrangle.

I know you've been through a lot including the death of your sisters, but i'm the same. We're all carrying a different baggage.

.

"Nasaan na siya?" bulong ko nung makalabas na ako ng quadrangle at hindi ko pa rin siya nahanap.

"Kasama mo ba siya?" bungad na tanong ko sa pinsan ko matapos niyang masagot ang tawag ko.

"Woah, woah. First time in history na ikaw ang tumawag ah. Si Nhelandrie bah?"

"Sino pa ba?" Irap ko. He's the most annoying cousin ever.

"Chill, oo, kasama ko siya. Nandito kami sa washing area."

"Huwag muna kayong umalis. Pupunta ako diyan."

Nagsimula na akong maglakad papunta sa washing area at panay tinginan ng mga estudyante sa akin pero agad din naman silang umiiwas pagnakita nilang nakatingin din ako sa kanila.

Malayo pa lang ay alam kong siya na. Binilisan ko ang paglakad habang pinipigilan ko ang ngiti ko nung masilayan ko ang mukha niyang naka-side view.

"Nhelandrie," tawag ko sa pangalan niya, gulat niya akong tiningnan. Nagtaka ako nung iniwas niya ang kanyang tingin.

"Tara na," pagyaya niya kay Prince at sa kaibigan nitong babae.

"Nhelandrie, Vice President is talking to-"

"Tara na nga," matigas na putol niya sa sasabihin ni Prince at binigyan ito ng pagbabantang tingin.

Nagsimula na siyang maglakad papalayo at laglag ang balikat na sumunod sa kanya si Prince habang ang babae naman ay nagtatakang titig na titig sa mukha ko.

"Woah," ito lang ang lumabas sa bibig niya at tiningnan naman ako mula taas hanggang baba. Humahanga ito na parang nakatitig sa bituin na siyang ikinalito ko.

"MEXIE!" Pareho kaming nagulat sa biglang pagsigaw ni Nhelandrie. Napagitla siya at tumakbong sumunod na kay Nhelandrie at Prince.

Habang ako ay naiwang nagtataka sa iniusal niya at hindi maiwasang nasaktan. He's ignoring me now? Ngayon pa kung saan malapit na kaming dalawa makalaya mula sa protocol ng KPA.

Napalunok ako habang pinagmamasdan siya. Gusto ko man siyang habulin at kausapin pero hindi pwede ngayon. I'll just give him some time... I guess.

.

[Nhelandrie's POV]

Nakayuko at madilim ang mukhang nakaupo ako sa loob ng room namin.

"Why did you do that, Nhelandrie? Obvious naman na gusto ka ni Vice President," ginulo ni Prince ang sariling buhok at mukhang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Vacant time namin at lahat ng kaklase namin ay umalis na nang room. Si Mexie naman ay nagpasyang tumambay sa loob kasama namin.

"Yeah, she likes you. Kung nakita mo lang ang sakit sa mga mata niya sa pag-iwas mo. Kawawa si Vice President." Itinikom ko ang labi ko sa sinabi ni Mexie. I can't guarantee that Klare feels the same way, yung nakita ni Mexie ay pagkagulat lang, hindi literal na sakit.

I'm just the Vice President's underling.

Mabigat sa pakiramdam na iwasan siya pero kailangan kong tiisin. Para rin naman sa kanya 'to.

"Dre, what about sumama ka sa susunod na araw sa 'kin?"

"Sa'n?" Walang gana kong tanong. Namumutla yata ako sa ginawa kong pag-iwas kay Klare.

"Sa tambayan natin. Bukas na ang finals ng The Leap."

"I forgot about that. Nakapasok ka ba sa qualifications?"

"Hindi na ako sumali sa qualifications. May ticket ako kaya diretso na ako sa finals," kindat niya sa 'kin pero agad ding napasimangot.

"Hindi ka man lang na-amaze?!" bulyaw niya nung naka-poker face ako at hindi man lang humanga sa sinabi niya.

"It's given, you're the founder."

"Huh? Sinong nagsabi?" Napadapo ang tingin niya kay Mexie nung tinuro ko siya.

"Oy, yun lang ang narinig ko ah."

"Sa akin nakapangalan ang lupa pero yung pinsan ko talaga ang nagsimula ng skating ground. Siya rin ang nagturo sa akin. Pinakamagaling na skater na nakilala ko and guess what, babalik na siya mula abroad para manuod ng The Leap."

Prince talk high about his older cousin and i'm curious to see him.

"Sama ako ah." Sabi ni Mexie at tumango ako.

"But it's the night before the prom, need natin magpahinga." Tumahimik silang dalawa sa sinabi ko.

Proms... I never been to proms. I want to attend cause I want to see 'her' dressed in a gown with high heels.

"Sa umaga na tayo magpahinga, gabi naman yung prom eh."

"Tama, tama." Agree ni Mexie sa pinunto ni Prince. Napatingin kami sa pintuan nung makarinig ng mga boses at mga kaklase pala ni Mex.

"Una na ako guys. See you!" Kumaway kami bago siya lumabas ng room namin.

"Tayong dalawa na lang, Prince, ang walang partner." Na-notice ko kasi na halos lahat ng kaklase namin ay may mga partner na. Noong nakaraang linggo pa na-announce ang JS prom pero wala pa akong damit at sapatos. Tamad din akong maghanap.

"Huh? Ikaw na lang kaya ang walang partner." Nagulat ako run.

"Sino ba partner mo?"

"Event Committee ako, tutulong ako sa pag-organize." Malas naman oh.

"Sali ako. Magiging Event Committee rin ako."

"Sumusobra na kami sa members eh. Partner na lang ang hanapin mo." Swerte naman ng tukmol na 'to. 'Di niya na kailangan magsuot ng mga baduy na suits.

"Sino ba pwede? Si Mexie kaya?"

"Performer siya, hindi pwede." Napabuntong-hininga ako. Partner ang pinag-uusapan namin para sa prom at si Klare ang unang pumasok sa isipan ko... no, Vice President siya eh. Sila ang host ng event.

"May kilala ako. Nakalagay din sa listahan na sasali ang mga alumni."

"Sino naman?"

"Basta, ako na ang bahala!" Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi ko alam kung magtitiwala ako sa pinaplano niya.

"Seryoso ako, Dre. Tiwala lang, hindi ka madi-disappoint."

Crossroads [SC SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon