Kabanata 22: Kasunduan

21 7 0
                                    

[Nhelandrie's POV]

Hindi mapunit-punit ang ngiti sa mukha ko. Sarap sa pakiramdam ang mabuhay!

Habang papunta ako sa room namin ay natigilan ako nung tumunog yung phone ko sa bulsa. Si Mom pala nag-text.

'Can you come home this Sunday? I kinda miss my boy.'

Napabuntong-hininga naman ako at napairap. This is unlikely of Mom to text something like this. Anong hangin kaya ang nalanghap ni Mom?

'Yung totoo, may papagawa kayo ni Dad nu?' Parang hindi ko sila kilala. Tsk.

'Parang ganun na nga, pero i'll cook your favorite. Adobong manok na may pinya.'

'Fine, fine.' May magagawa pa ba ako?

'That's great! You can also bring Miss Vice President, if you want.'

Napakagat naman ako sa labi ko sa sinabi ni Mom. I actually thought of bringing her to meet my parents. I want her to know a lot more about me and my family.

.

"Hey," nakangiting bati ko kay Klare nung papalapit siya sa akin habang bitbit ang leather case niya.

"H-hi." Nahihiyang bati niya pabalik. Yung mga mata ng mga ibang estudyante ay nakapokus talaga sa amin.

"I'll carry it for you."

"Y-you don't need to-" Hindi ko na siya pinatapos pa at mabilis kong inagaw sa kanya ang leather case. Putcha, ang bigat-bigat pala. Mabuti na lang at naisipan ko siyang tulungan. I can't imagine she would carry such a heavy thing like this for a whole damn day.

"I'm your servant right? Also your protector. Besides, they're watching," I whispered while pertaining to the eyes around us; watching our every step especially hers.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at nilagay ko ang case niya sa backseat. Umikot ako at napaisip ako sa sinabi ni Mom. Papayag kaya siya?

Panay sulyap ako sa kanya habang nagd-drive. Nakatingin lang ito sa side mirror pero agad naman itong napatingin sa akin nung maramdaman ang ilang dahil sa mga titig ko.

"Yeah?"

"Umm... magpapaalam sana ako kung pwede ako makadalaw sa bahay sa Sunday? May importante kasing sasabihin si Mom."

"Alright," agad naman nitong tango.

"I-i'm also wondering if available ka that day, isasama sana kita. Magl-lunch lang naman tayo and Mom really wants to talk to you about some things." Tumingin ako sa kanya pero wala akong nakitang excitement o kahit anong ekspresyon.

"I'm sorry, I don't think I can go with you."

"May pupuntahan ka ba?"

"Yeah. May Family Gathering kami."

Hindi ko pa naririnig na nagkukwento si Klare tungkol sa pamilya niya. I haven't met even a single person from her family. I mean... hindi ba siya dinadalaw ng pamilya niya?

.

"Nhelandrie! I missed my son so much. It's been forever since the last time I saw you." My Mom hugged me and I rolled my eyes. She's overreacting again.

"I actually thought you don't want to see me." I sarcastically said. I could still remember when I was about to move my things in Klare's house, my Mom was super excited that I will finally leave the house.

"You're alone?" she looked behind me and seemed to be disappointed that I didn't brought Klare with me.

"She had a Family party to attend to."

"Oh, I understand. Let's get inside."

So it's just me and my parents. I was actually expecting for Mexie to be here. Well, I guess it's just the three of us.

"May ipapagawa kayo right?" tanong ko nung matapos na kaming lahat kumain.

"Sandali, may kukunin lang ako." Pumunta si Dad sa salas at kinuha ang isang portfolio.

"Here," inabot niya sa akin and I don't have any idea what's inside. Binuksan ko at tiningnan ko ang laman... puno ng mga litrato.

"Convenience store natin 'to diba?" Tanong ko nung makita ang pader ng convenience store na pinagmamay-ari namin.

"Oo, someone put a graffiti on our wall."

"I-it's beautiful," yun lang agad ang nasabi ko. Kung sino man ang makakita ng pader ay aakalain na isang professional painter ang gumawa at hindi isang vandal.

"Yeah, it is but the one behind this was not given an authority to put a graffiti on our wall. This is a crime."

"So what do you want me to do?" Tanong ko habang nakatingin pa din sa litrato.

The graffiti was seemed to be created by a talented person. Yung mga drawings ay paiba-iba. Merong dahon, chinese calligraphy, moon, stars, at sun. Ang mas nakapukaw ng atensyon ko ay yung lotus flower. It's amazing and familiar... I think I saw this somewhere.

"I want you to find the person behind this."

"What? I'm not an investigator. Yung CCTV nga hindi siya mahuli, ako pa? Why don't you hire someone to guard the wall?"

Hindi ba na-realize ng parents ko na mangmang ang anak nila? Tss, they're funny-looking idiots.

"I want to challenge my son. Kung malaman mo kung sino naglagay ng graffiti bago ka pa maunahan ng guard, I will grant you any one single wish." Natigilan naman ako sa offer niya.

"Anything?"

"Yes, anything."

"Eh kung nagawa ko nga pinagagawa mo tas yung hiling ko ay tumigil na sa pag-aaral at mag-asawa na, papayag ka?" Napakunot naman ang noo ni Mom at Dad sa sinabi ko. Napangisi ako nung makita ang reaksyon niya. Titingnan ko nga kung hindi ako malulugi sa gustong mangyari ni Dad.

"Like I said, you can wish anything you want and i'll grant it for only once." Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko.

"Seryoso ka ba diyan, Dad?" Kasi ako hindi. Joke ko lang syempre na titigil na ako sa pag-aaral... pero kung si Klare lang naman ang mapapangasawa ko ay pwede naman sigurong isabay ang pag-aaral at pagkakaroon ng buhay-asawa.

"Yeah, alam ko naman na takot kang mag-asawa. You don't like responsibilities, I am rest assured naman na hindi mo gagawin ang sinasabi mo."

"Eh paano kung nagbago ako at may nahanap akong babaeng gusto ko nang itali kasama ako?"

"You will find someone who will love you more than yourself, but I trust you, Son. I know you can wait."

VOTE PLEASE!

Crossroads [SC SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon